Red_Pages' 24

121 2 0
                                    

TEASER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TEASER

Si Niera ay isang sikat na vlogger na patuloy ang pag-angat sa social media lalo na sa Youtube kung saan may milyon-milyon siyang subscribers. Isang lalaki na walang ibang hinangad kundi ang mas makilala at marating ang pinakaitaas.

Dahil sa isang kaibigan ay natunton niya ang babae sa isang viral video na si Clara. Bakas sa hitsura nito ang labis na lungkot dahil sa pagkakaiwan dito ng nobyo.

Bilang isang content creator ay pinapayag ni Niera si Clara para sa isang kasunduan at iyon ay ang gawin ang "24 hours Mag-jowa Challenge." Alam ni Niera na hahakot ng million views ang video na iyon sa tulong ng viral girl na si Clara.

Dahil sa pinansyal na pangangailangan at sa pagbabakasali na balikan ito ng nobyo ay nagawa ni Niera na mapapayag si Clara. Naging magkasintahan ang dalawa sa harap ng camera. At sa hindi inaasahang pagkakataon, sa maiksing sandali na iyon ay nagawa ni Clara na mapahanga si Niera sa mga natatangi nitong katangian.

Makalipas ang ilang linggo ay nakamit nga ni Niera ang kanyang inaasam na million views mula sa video na ginawa nila ni Clara. Nagawa rin niyang magkaroon ng mas malaking subscribers na siya namang target at makapagpapasaya talaga sa kanya.

Naging masaya nga kaya si Niera sa naging resulta ng lahat? 


TRIVIA & FUN FACTS

Red_Pages came up with the idea due to the relevance of the influencer's into this day.

Paper Hearts (Book 1) Published by PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon