18

855 31 3
                                    

"Ikaw ang bias ko," pag-uulit ko dahil mukhang hindi nila ako naintindihan, tahimik lang kasi silang lima na nakatitig sa akin. Nagulat siguro na si Stell ang bias ko, maliban nalang kay Sejun na mukhang 'nung pauna palang ay may alam na.


Napangiti naman si Stell sa naging sagot ko. Hindi ko sure kung anong ibig sabihin ng ngiti niya na 'yon. Pero sobrang tamis ng ngiti niya. Baka natuwa lang dahil bias ko nga siya. Tiningnan ko si Ken, wala lang, gusto ko lang makita 'yung reaction niya. Blangko lang ang expression niya.


"Okay, okay next na!" Masiglang sabi ni Justin bago inikot 'yung bote. Kay Josh 'yon tumapat.


"Ibabalik ko sa'yo 'yung tanong mo sa'kin kanina. Possible ba na magkagusto ka kay Athina?" Tanong ni Sejun sa kaniya. Bakit ba ako na naman? Haynako!


"Si Athina? Nako, hindi." Tiningnan niya pa ako. 'Yung tingin niya sa akin parang nagsasabi na kahit ako nalang 'yung natitirang babae sa mundo ay hindi niya 'ko papatulan kaya napairap tuloy ako. "Masyadong malayo din ang agwat ng age namin kaya hindi."


Hindi rin ako papatol sa'yo 'no! Parang kuya kaya kita, hmp. Inikot na ulit 'yung bote at tumapat kay Stell. Si Ken nalang ang hindi pa natatapatan ng bote. Hmm. Ano kayang itatanong ko?


"Kung may liligawan ka, hmm, may pag-asa ba na isa 'yon sa fans mo or fans niyo?"


Wala akong ibang maisip na tanong e, kaya ayan nalang. For sure, curious din ang ibang fans so I'll ask in their behalf.


"Oo naman, bakit hindi!" Agad niyang sagot. Wow hindi niya talaga pag-iisipan? Go agad?


Sana noon mo pa 'yan sinabi, Stell. Baka niligawan na kita, hays. Huli ka na.


Tumango ako bago inikot muli ang bote. At sa kamalasan nga naman, sa akin na naman 'yon tumapat. Iikutin ko dapat ulit pero pinigilan ako ni Sejun.


"Aba bawal ikutin, sayo na tumapat."


"Madaya! Padalawa ko na 'to, e!" Reklamo ko.


"Wala, sayo tumapat e. Magtanong ka na, Stell." Sabi ni Justin.


Ano ba 'yan, dapat isa isa lang! Si Ken ang hindi pa, e. Dapat tumapat muna sa kaniya bago ulit matanong 'yung iba. Ang daya talaga ng mga 'to. Hindi nalang ako nakipagtalo pa, baka isumbat pa sa'kin na wala naman 'yon sa rules.


"Sagutin mo 'yung tanong ko rin kanina, 'yung kasunod." Sabi niya. "Kung may gusto ka ba sa bias mo?"


Seryoso ba? Wala bang dare dito, baka naman! Tumingin ng makahulugan sa'kin si Sejun. Papansin 'yon. Inirapan ko siya kasi parang sinasabi niya na umamin na daw ako.


Okay, fine. Aaminin ko na. Lalo at aalis na rin naman sila bukas. At least masasabi ko 'yung nararamdaman ko bago nila ako iwan, di'ba. Para walang regrets.


"Oo p-"


"Pasok muna ako sa loob." Biglang sabi ni Ken kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin. 

Living With SB19Where stories live. Discover now