08

923 26 3
                                    

"Number 3 agad! Hahaha!" Excited na namang sabi ni Justin. Hindi ko na rin talaga alam kung saan sya nakakakuha ng energy. Ay baka sa akin pala? Charot!


Nandito kami ngayon sa garden, nagdidilig ng halaman. Ang ganda naman pala ng kinalabasan ng pag-aayos dito e. Pinicturan ko 'yon at isinend kay Tita.


"Ano ba 'yong sa number 3?" Lumapit sa akin si Stell. Hawak ko kasi 'yong cellphone at tinitingnan kung ano ba 'yong nakasulat sa number 3.


Ang lapit ng mukha niya!


Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita siya.


"Grocery," mahina niyang sambit. "O, mag-grocery daw tayo!"


"Saglit. Check ko muna kung kakaunti na ba ang stocks natin ng pagkain," sambit ni Sejun bago pumasok sa loob ng bahay.


Bumalik naman kaagad si Sejun at nag-thumbs up, meaning pwede kaming maggrocery ngayon.


"Kasama na ako, ha! Gusto kong mag-grocery," pagvolunteer ko. Ayoko nang maiwan sa bahay ' no!


"Kayo na lang ni Stell at Ken. Hindi naman kailangang marami sa paggo-grocery," sabi ni Sejun.


Tama ang desisyon mo, Sejun! Pero okay lang naman na kahit kaming dalawa na lang ni Stell, payag naman ako, e! Di naman ako papalag, enebe!


"Kami na lang ang magche-check kung anong mga kailangang bilhin," suggest ni Josh. Hinila niya na si Justin papasok sa bahay. Sumunod na rin agad sa kanila si Sejun.


Tinapos lang ni Ken ang pagdidilig at saka pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng suot. Maong shorts lang tapos white shirt ang sinuot ko. Nagspray na rin ako ng pabango. Syempre 'no kailangan to para mapaibig ang nag-iisang Stell Ajero.


Pagdating ko sa sala ay agad akong tiningnan ni Stell na nakakunot ang noo sabay sabi, "Magpalit ka ng pants."


Hala concerned ba siya? 'Wag ka pong ganiyan baka ma-inlove ako lalo!


"Huh? Okay naman ang suot ko ah!" Reklamo ko.


"Magpalit ka na, ang iksi ng suot mo." Pagpupumilit niya. 


Hindi nalang ako nagreklamo pa ulit kasi parang irita na 'yong boses niya. Yiiieeehh kilig!


Pagkatapos kong magpalit ay sa kusina na ako dumiretso. Nasa hagdan palang ay rinig na rinig ko na ang pag-uusap nila. Nagtatalo talo yata kung anong mga bibilhin.


"Hoy, ano 'yan? Bakit ang daming chocolates?" Dinig kong tanong ni Sejun kay Josh pagkarating ko sa kusina. Ang haba na no'ng listahan!


"'Yan din, hindi naman kailangan," may itinuro si Stell doon sa listahan.


Living With SB19Where stories live. Discover now