Chapter 12: Confession

427 30 2
                                    

Chapter 12: Confession

"Otoy bakit ga ika'y nag-iisa jaan?" Ngumiti siya nang mapansin si Lola Fely papalapit sa kaniya. May dala-dala itong hinog na papaya. "Gabi na baka ika'y mahamugan pa. Naku otoy iba ang lugar sa Maynila kaysa dito sa probinsya."

Nandito kasi siya sa may hardin nakaupo sa isang bench at pinapanood ang maraming alitaptap sa kapaligiran. "Napansin ko pong magaganda ang mga pananim ninyo dito sa hardin lola saka nakaka-enjoy din pong panoorin ang mga alitaptap." Paliwanag niya pero ang totoo niyan ay gusto niyang ikalma ang sarili.

Umupo ang matanda sa tabi niya. "Magaling at mahilig ka din pala sa mga halaman. Sa totoo laang ay hindi ako ang nagtanim ng mga iyan kundi ang iyong lolo." Ngumiti si Lola Fely.

"Si Lolo Tano po?" Tumango lamang ang matanda.

"Siya at si Kaiser ang nagtanim ng mga halamang iyan. Iyan na ang naging bonding ng maglolo. Hindi ko ba alam kung bakit ga hindi ako nabiyayaan ng maiinit na kamay? Ala'y sinubukan kong magtanim ay totoong namamatay." Humalakhak ng tawa ang matanda kaya napatawa din siya.

"Baka hindi n'yo ho dinidiligan?" Biro ng binata.

"Ay ano gang klaseng dilig? Bahang baha na nga ng tubig e." Napatawa na naman siya sa pagkakwela ng matanda.

Natahimik silang dalawa ng ilang segundo bago muling nagsalita ang matanda. Malayo ang tingin nito at parang may lalim ang iniisip. "Si Kaiser ang nag-iisa kong apo sa panganay kong anak na babae." Paunang sabi ng matanda. Hindi nagsalita si Ken hinintay niyang magpatuloy ang matanda. "Nang pumanaw ang kaniyang ina sa pagsilang sa kaniya ay ako na ang nag-alaga sa kaniya, kaming dalawa ng kaniyang lolo. Kami na ang kinilala ni Kaiser na magulang."

"Saan po pala ang ama ni Alp- ni Kaiser?" Muntikan niya pang matawag na Alpha ang binata.

"Hindi ko ga alam kung saan na. Hindi na namin hinanap dahil bago pa lang magsilang ang anak ko ay iniwan na siya nito." Tumango tango si Ken sa sagot ni Lola Fely. "May isa lamang akong hihilingin sa iyo Ken." Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata at tinitigan ito sa mata.

"Ano po lola?"

"Maaari mo gang tingnan tingnan ang aking apo lalo na kapag wala kami sa tabi niya. Ay talagang wala pa iyang kaalam-alam pagdating sa gawaing bahay. Iniisip ko nga ngayon kung gaano kakalat ang tinitirhan nito ngayon sa Maynila. Pihadong sobrang kalat." Tumawa ang matanda sa sinabi nito. Napaisip si Ken parang kabaliktaran naman yata ang sinabi ng matanda sa nakita niya nung mga panahong kasama niya si Kaiser. Isinantabi na lang niya ang kaisipang ito.

"Opo lola makakaasa po kayo." Ngumiti si Ken sa matanda.

"Maraming salamat."

"La bakit nandito pa kayo? Gabi na po baka mahamugan pa kayo." Lumapit sa pwesto nila si Kaiser habang may dala-dalang isang baso ng alak.

"Nakita ko dito si Ken kaya ako'y lumapit hanggang nagkakwentuhan na." Sagot ng matanda, "Ako'y aalis na din baka kako'y hinahanap na ako ng inyong lolo. O s'ya maiwan ko muna kayo dito." Ngumiti ang matanda, "Maraming salamat ulit Ken." Ngumiti din pabalik ang binata.

Pagkaalis ng matanda ay lumapit sa kaniya si Alpha. Ibinaling niya sa ibang bagay ang paningin.

"Ehem." Kaiser cleared his throat. "Why are you here?" Tanong nito pagkaupo sa tabi ni Ken. Hindi siya kumibo sa halip ay tumayo siya at kinuha ang hawak na baso ni Kaiser na may lamang alak at ininom iyon.

"Thank you!" Pagkabigay ng baso pabalik ay aalis na sana siya ngunit napigilan siya ni Kaiser. Mabilis na binitawan ang baso at hinawakan sa kaliwang kamay nito.

"Are you angry?" Tumingin ng masama sa kaniya si Ken.

"What do you think?" Pilit na tinatanggal ni Ken ang pagkakahawak sa kaniya ni Kaiser pero di niya matanggal. Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kaniya.

"Ken hindi kita maintindihan." Litong wika ni Kaiser.

"Oo!" Sigaw ni Ken. Mabuti na lamang at malalayo ang mga kapitbahay nila dito malaya siyang magsisisgaw dito. "Oo Alpha! Wait Kaiser di ba?" Pagak na tumawa si Ken. "Hindi mo ako maiintindihan dahil mismong sarili ko di ko maintindihan!" Tumulo ang luha ni Ken. Binitawan na rin siya ni Kaiser. "Pinilit kong pigilan pero hindi ko magawa! Sinabi ko sa sarili ko wag kong ituloy ngunit hindi ko magawa. Alpha gusto kita! Gustong gusto kita. Naiintindihan mo ba yun?"

"Ken." Malamlam siyang tiningnan ng binata.

"Ano pa nga bang mapapala ko? Alam kong hindi mo magugustuhan ang katulad ko!" Pinunasan ni Ken ang mga luha niya. "Alam mo kanina? Gustong gusto kong sakalin ang kababata mo. Gusto gusto kong tanggalin ang mga kamay niyang kung makalingkis sayo at makahalik ay wagas. Ngunit Alpha wala akong magawa! Ano bang karapatan ko? Ano bang karapatan ng isang katulad ko, ng isang ako? Ngayon tatanungin kita, kaya mo bang mahalin ang isang katulad ko?" Namagitan sa dalawa ang katahimikan. Naramdaman na rin ni Ken ang init na ang katawan niya. Sa ininom niya sigurong alak.

"Sorry Ken." Sagot ni Kaiser. Pinunasan ni Ken ang mga luha niya sa pisngi at ngumiti.

""I swear I couldn't love you more than I do right now, and yet I know I will tomorrow. Pero ngayon sapat na itong dahilan para itigil ko ang kahibangan kong ito." Umalis si Ken at walang ano-anong pumasok sa loob ng bahay. Sa isang pintuan siya dumaan upang hindi mapansin ang pukto niyang mata.

Napaupo si Kaiser. Hindi niya alam kung ano bang mararamdaman niya. May parte sa kaniyang masaya siya dahil nalaman niya na gusto rin siya ni Ken ngunit nalulungkot din siya dahil sa saya at the same time kaba hindi niya nasabi ang kaparehong nararamdaman niya.

Isa siyang tuwid at totoong lalaki at tanging sa mga babae lang siya nagkakagusto ngunit nang makita niya si Ken ay nagbago ang pananaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagkagusto dito. Bigla na lamang niya itong naramdaman.

He knows that expressing love in a same sex relationship is something natural pero sa mata ng ibang tao lalo na dito sa Pilipinas hindi ito katanggap-tanggap, but he has his own principle that expressing love in a same sex relationship is natural part of being human. Basta mayroong connection between the heart and the soul ng dalawang taong magmamahal. Simula ng makilala niya si Ken ay wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

"I love you, Ken." Sambit niya habang nakatingin sa papalayong si Ken.

_____ ❣️ _____

A/N

For me, when we connect to the heart and soul of another, there is no pre-existing nuptial based on religion, race or sex.

To connect as human beings and express together is our greatest joy, whether it be a man loving a woman, a woman loving another woman, or a man loving another man.

WE ARE ALL LOOKING TO LOVE AND BE LOVED!!! Tandaan n'yo yan.

And always remember, all relationships are a constant reflection of learning lessons about love. Therefore, whomever we choose to love from our heart – it is always an opportunity to learn lessons about loving ourselves and loving others equally. Thank you!

Please vote and comment 😊

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now