Chapter 12

129K 5.9K 2.6K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY12 Chapter 12

"What?" I asked because Niles was looking at me while grinning. "Kulang pa ba 'yang isang paper bag ng skin care products mo, Nileen?" dagdag ko pa. But even my mean-spirit wasn't enough to wipe the grin off of her face. Problema nitong babaeng 'to?

"Sabi ni Levi magkasama raw kayo sa Korea."

"Ang chismoso din nung isang 'yun, no?"

Tumawa si Niles. "Ikaw ata topic nila ni Marcus lagi, e."

"Isa pa 'yang asawa mo, ha. Baka nalilimutan niya mas nauna kaming naging magka-kilala."

"Mas nauna naman silang maging friends. Remember before lagi mong nilalayasan si Marcus kasi naiintimidate ka?" she asked, as if she wanted to shove the memory down my throat. Fine! Nakaka-intimidate naman kasi siya—well, at least professionally. Gago lang 'yang si Marcus at napaka-korni pero kapag trabaho? He's so magaling. Like literally minsan naiisip ko prodigy siya.

"Whatever," I just said kasi wala akong maisagot kasi totoo naman.

"So... ano'ng meron?"

"Wala."

"Ano nga?"

"Nagsex kami. Okay na? Happy na?"

She frowned. "Nag-usap man lang ba kayo?"

"Mej."

"Ano'ng mej?"

I shrugged. "Nag-explain na siya about sa naging problem namin and nakinig naman ako, sister Niles."

"So... okay na kayo?"

I grabbed the charts and began walking, pero itong si Nileen ay naka-chismosa mode yata kaya sinusundan ako. Wala bang pasyente 'tong tao na 'to at naka-sunod sa akin? O baka naman mas lamang ang interes niya sa 'love life' ko kaysa sa pagsagip ng buhay ng mga tao?

Misplaced talaga priorities nito minsan, e.

"He explained and I listened. I don't owe him anything."

She groaned. "Yanyan naman!"

"What?"

"Alam mo, sa lahat ng nilandi mo through the years, kay Levi lang kita nakita na masaya as in—"

"Tigilan mo nga ako. Korni mo."

"Seryoso kasi!" she said, pouting a little. Kairita, ha. Nung nasa Korea kami, 'di ako nilubayan ni Levi kaya naman umay na umay na ako sa mukha niya. Buti na lang kailangan niyang umuwi nung 4th day ko dahil babalik pa siya sa Pinas kaya naman nagkaroon ako ng isang free day to roam around without Levi shadowing me.

Tapos ngayon sa Pinas, Levi na naman! Sarap sakalin nitong si Niles gamit 'yung stethoscope niya, e.

"Nagde-date ka ng ibang mga tao before, pero hindi mo naman sine-seryoso. Kaya nga ang dali mong maka-move on sa susunod na lalaki."

"Ang point ba nito ay humanap na ako ng bagong lalaki para masabi mo na naka-move on na ako?"

She groaned. "You know what I mean!" she said. Kulang na lang magstomp siya ng paa niya, e. Mas mature pa ata anak niya sa kanya. "Usually with other guys, in 2 weeks max may bago ng kapalit. Si Levi, ano? 3 months na pero wala pa rin."

"Busy kasi ako, duh? Remember nagpresent ako ng research?"

"Nah."

"Suit yourself," I said and started walking away.

(Yours Series # 2) Maybe Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon