Kabanata 8

22 21 0
                                    





"I want to court you. Reject me now but I will still court you."

Napakurap-kurap ako ng tatlong beses dahil sa sinabi niya. Totoo ba ito? Teka nga kurutin ko ulit sarili ko. Totoo nga! Ano 'to dream come true? Ah teka, baka nagjojoke lang 'to.

"Ayos ka lang? May lagnat ka ba?" Kinapa ko ang noo niya para maramdaman ang temperatura niya. "Wala naman. Nababaliw ka na ba?"

Napailing-iling siya at napahawak sa bridge ng ilong niya. Kung joke time 'to, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o matatawa ako sa sarili ko dahil may parte sa akin na umasang hindi biro 'yon.

"I'm not joking. I know you're thinking" seryosong sabi niya kaya napalunok ako.

"True ka ba? Pasapak nga" 'Di makapaniwalang sabi ko. Natawa ulit siya.

Girl, kapag 'yung —sabihin na nating ultimate crush mo na gustong-gusto mo — nagsabi sa iyo ng ganiyan which is malabo ang chance, grabe 'yung shock. 'Yung point na hindi mag si-sink in sa iyo 'yung nangyare. Ah! Pa'no ba ito?

Tumingin siya sa halos kalahati na ng araw ang lumubog. Napatingin din ako at baka sakaling unti-unti akong makabawi.

"Remember the one I've told you? That if I were to choose anyone else again, I will choose you. And I am doing it right now" aniya at napayuko ako. 'Di ko mapigilang mapangiti. Buti nalang at mahaba ang buhok ko't kayang takpan ang mukha ko. "You are maybe wondering.m, am I right?"

Tumango ako kahit 'di ko alam kung nakita niya ba o hindi.

"When I and Melissa parted ways, you were there. It seems easy but it wasn't. I felt betrayed so bad, who wouldn't right? It's my girlfriend — well, ex lover — and my... brother" he chuckled. Ito 'yung break up nila at 'yung reason. I can't imagine how upset he was that time but I'm happy that he's doing good.

Hindi ko siya nakitang devastated kasi hindi niya pinapakita pero alam kong 'yun ang nararamdaman niya noon. Yes, maaga pa para sa mga true love-true love na iyan pero kapag talaga minahal mo 'yung tao, mahal mo eh. Love isn't by age.

"But I never felt alone. You were there. You knew my pain. You have been a good friend to me. You refugee me. Hindi ko alam saan nagsimula o anong dahilan pero isang araw, higit na sa kaibigan ang tingin ko sa iyo. I enjoyed everyday being with you. Your smiles, your laughs, your attitude — ah! Kahit ipikit ko ang mata ko ikaw ang nakikita ko" dugtong niya at napatingin ako sa kaniya.

Hindi siya nakatingin sa akin pero lumingon siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. All I can hear is my heart beat. Fast. Very fast. Siya lang ang nakakapag paramdam sa akin nito.

It's been 10 months since I first saw him. Nung July , nung birthday ko. I really admitted na crush ko siya that time. Days, weeks, months came na nasa paligid ko lang siya dahil naging kaklase ko siya and I figured out na hindi ko lang siya basta crush. Takot pa nga akong umamin sa kaniya dahil sa isang umamin s aka iya dati na tinurn down niya. Maraming nagsasabi sa kaniya na may gusto sila sa kaniya pero he ignored them. He was just being thankful, nothing more, nothing less. Kaya ayon. Tinago ko lang sa akin.

Masaya akong patingin-tingin lang sa kaniya. Pasulyap-sulyap. Tamang nakaw lang ng tingin. Pero ngayon, here he is. Beside me. Saying things I never expected him to say. Pakiramdam ko tuloy ang swerte ko.

A Journey AfterlifeWhere stories live. Discover now