Kabanata 16

10 6 0
                                    

A/N: Spanish words are ahead. May mga translation naman siya after. Enjoy reading! Gracias!

———————


"We can still stay here, honey. What's with the rush?" Nakatayo lang si Papa sa pinto habang pinapanood akong mag impake.

"Sayang po ang oras na dapat nag tatrabaho ako. Hindi ko po hahayaang lumubog tayo" Tanging sabi ko.

Tila namanhid ang mata ko sa kakaiyak pauwi rito. Pakiramdam ko'y wala na akong maiyak. Pakiramdam ko'y tuyo na ang mga mata ko. Padalos-dalos ako, oo. Pero dito rin naman ang punta ng lahat. Dito rin naman mag tatapos ang lahat. Tinulungan at pinahintulutan ko lang ang tadhanang tapusin kami dahil wala na akong magagawa. Kumbaga sa chess ay checkmate na.

"What about... Amadeus?" Bahagya akong natigilan at nakaramdam ng ibayong panghihina nang marinig ko ang pangalang iyon. "Seryoso ka bang magpapakasal ka gayong alam ko kung gaano mo kamahal ang batang Salvador?"

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong bawiin ang nangyare kanina pero ito ang naiisip kong tamang desisyon. Mabibigyan ko ng payak at kumpletong pamilya ang isang batang inusente sa nangyayare sa paligid niya at sa pamamagitan ng pagpapakasal ko'y maisasalba ko ang negosyong halos dugo at pawis ang pinuhunan ng mga magulang ko.

Sobrang hirap. Sobrang hirap na hirap ako sa desisyong ginagawa ko. Sobrang labag sa akin pero ito ang dapat kong gawin. Kailangan kong magparaya para may mga taong isalba. Kailangan kong isalba ang bata sa pangungulila at kailangan kong isalba ang pamilya ko sa pag lubog. Kailangan kong isalba ang nasa paligid ko ngunit naisip ko lang, sinasalba ko silang lahat pero sino ang magsasalba sa akin?

Si Amadeus. Siya ang tanging makakasalba sa akin sa labang ito pero siya ang pangunahin kong isinuko. Siya ang una kong binitawan. Kahit ayaw ko. Kahit mahal ko. Tama si Mare. Hindi nalang para sa akin ang desisyong dapat kong gawin kun' 'di para sa mga nakapaligid sa akin. Gayon pa man, hirap na hirap na ako.

Magsasalita pa sana ako nang may magsalita. "Can I... help you pack your things?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at gumuhit nanaman ang sakit sa sistema ko. Parang minamaso ang dibdib ko. Para akong pinapatay ng sakit. Gusto kong umiyak pero wala akong mailabas. Ito ang pinaka masakit, 'yung gusto mong umiyak pero wala kang mailabas dahil hindi mo na kinakaya.

"Can I... escort you through the airport?" narinig ko ang pagbasag ng boses niya na parang tumo-torture sa akin.

"Can I... stay with you for the last hours?" Naramdaman kong katabi ko siya.

Inayos niya ang mga damit ko at nilagay sa maleta ko isa-isa. Nakatingin lang ako sa kaniya. Nanghihina ang tuhod ko pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Nang maramdaman ko nang may mga luha uling lumandas, napatakip ako sa bibig ko habang nakatingin lang sa kaniya na umaagos din ang luha habang inaayos ang mga gamit ko.

Kinakabisado ko na ang postura at hitsura niya dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Baka ito na ang huling beses na masisilayan ko siya bago mangyari ang mga dapat mangyari. Ang buhok niyang maayos na naka suklay patalikod. Nagmukha siyang napaka presentable doon dahil pumapasok na siya sa trabaho niya. Ang mga kilay niyang makapal at ang mga mata niyang nagdadala ng intimidasyon sa akin. Doon nag mumula ang mga tinging nagdadala sa akin sa kalawakan. Ang mga matang nagsasabing ako ang pinaka angat sa kungsino man. Ang mga matang mataas ang tingin sa akin bilang ako.

Ang matangos na ilong niyang pinipisil ko paminsan-minsan. Ang mga labi niyang perpekto ang hubog kapaglumalapat sa mga labi ko. Ang mga labing laging naka-kurba ang ngiti na siyang bumubuo sa araw ko. Ang mga labing bumibigkas kung gaano ako kahalagang tao. Ang mga laning nagsasabi kung gaano ako kamahal ng taong may ari nito. Ang wangis ni Amadeus na siyang matatandaan ko sa araw-araw. Na siyang aalalahanin ko sa daang tatahakin ko.

A Journey AfterlifeWhere stories live. Discover now