Tres

2 1 0
                                    

Elle's POV

4th period na namin ngayon at may plates sana kaming gagawin sa EIM kaso wala ang mga TLE teachers, no actually lahat ng teacher ay wala dahil ang atensyon ng lahata ng nandito sa Hukom ay na kay Shane. Mapa estudyate, teacher, kahit mga tindero at janitress. Kaya imbes na bumaba para pumunta para sa kanya kanyang elective ay buong section namin naka tambay lang sa room.

Lahat ay nawindang sa nangyaring iyon..... kani kanina lang, lalo na ko. Parang kinausap ko lang siya kahapon kaya grabe pinipigilan kong manginig pero ewan.

Wala pang kalahating oras ay may nag sidatingan na kung anu ano sa school namin. Ambulansya, Media at mga pulis. Halos limang police mobile ang nakapalibot sa buong school namin.

Sari saring kumento naman ang naririnig ko mula sa mga estudyante ng Hukom.

'gago dre may mga pulis tago mo shabu mo jan HAHAHAHHAHA'

'tanga may mga reporter! baba tayo tas kunyari napadaan para naman may exposure tayo sa tv!'

'ih nakakahiya kyaaaaaa HAHHAHA'

Tangina ng mga to, may namatay na't lahat lahat yon parin ang iniisip. Ma guilty sana yung mga estudyanteng nambubully kay Shane before lalong lalo na yung kung sino mang hayop na nasa video niya.

''bat may ambulansya? are they trying to revive a dead person?'' maarteng himutok ni Ylane sa mga kaibigan niya na syempre sinang ayunan ng mga kuto. ''Ugh, ang ganda pa naman ng activity namin ngayon sa beauty care!'' dugtong pa niya.

Gusto ko ko sana siyang murahin pero wala talaga akong energy, first time kong makakita ng patay huhu.

Wala pang isang oras ay napagdesisyunan na ng principal na i suspend ang klase sa araw na to bagay na pinang hinayangan ng iba dahil nais nilang mag papansin sa media, parang mga bata.

Kino-consider na suicide ang nangyari pero hindi parin daw pwedeng i alis ang posibilidad that this was a murder case disguised as a suicide. Class hours nung nangyari ang insidente iilan lang ang nakakita dahil malamang ay may klase, nasaktuhan pang ginawa ni Shane iyon sa tapat ng room na walang tao dahil may P.E. class sa court ang mga estudyante sa section na yon. Maraming kuru kuro ang naririnig ko habang nasa hallway ako at pauwi.

May mga estudyanteng kumbinsido na suicide iyon dahil una ay may dahilan naman si Shane to commit suicide, may mga estudyanteng nagsasabi na malaki ang posibilidad na murder yon gayong wala namang nakakita ng totoong nangyari na kesyo baka raw ay may tumulak kay Shane o kung ano pa man. Ang pinaka wirdong narinig ko ay baka daw sinapian ito o itinulak ng multo. Ewan ko sa inyo.

Nang makarating sa second floor ay may kung sinong kumuha ng bag ko, si Giraffe. Inabutan ako ng mask nito ng surgical mask at nag suot rin siya ng isa. ''What for?'' takang tanong ko.

Bagaman naka mask ay alam kong ngumiti ito dahil sa pag galaw ng mata niya. ''Maraming media sa baba tinatakpan ko ang gwapo kong mukha dahil baka ma disover'' saad niya na dinuktungan pa niya ng pilyong tawa. ''Ikaw takpan mo yang kapangitan mo'' Wika nito sakin. nag nyenyenye naman ako dahil alam kong di niya naman mapapansin dahil sa mask na suot namin.

Pag dating sa bahay ay as usual naramdaman ko na naman ang pag vibrate ng phone ko. Kinuha ko ito at nilagyan ng sound bagay na medyo pinag sisisihan ko dahil nakakarindi ang sunod sunod na pagtunog ng mga notification galing dito. Meron sa Facebook ,Instagram, Twitter, Youtube, Messenger argh ewan lahat ng lang yata. Pag bukas ko ay hindi ko pa agad ito magamit dahil nag hahang.

''Daming jowa ah'' wika ni kuya na kasalukuyang binalibag ang bag namin pareho sa sofa at isa isang inunbutton ang polo niya. ''anong gusto mong ulam? adobong manok o adobong chicken?'' tanong nito sakin sabay shoot ng polo niya sa basket. Hindi ko na ito nagawang sagutin dahil bumalik na sa wisyo ang cellphone ko instead pinakyuhan ko nalang siya.

Your Virginity Is My GameWhere stories live. Discover now