LET'S PLAY

3.4K 48 1
                                    

Nag drive thru na lang si Brent at umorder ng madaming pagkain. Tahimik lang akong kumakain sa loob ng sasakyan.

"Can you stop looking at me at sa daan ka mag focus" pagmamaldita ko before I bite the burger.

"Sorry, I just want to see if you are alright" he answered back.

"Kung sabihin ko bang hindi ako okay ay ibabalik moko?" I rolled my eyes.

"No!" simpleng sagot niya. Umismid lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Are you still mad? Naisip ko lang kasi na baka gutom na gutom kana kaya sa malapit na ako tumigil" he explained.

"Wow? Kelan pa naging kainan yung Hotel?" I asked sarcastically. Well kainan naman talaga yun. Pero ibang kainan ginagawa dun. Balak ata ng lalaking to ay busugin ako ng pagkain tapos siya ang gagawin kong dessert.

"May pagkain naman dun" he retorted while scratching his nape na akala mo ay nahihiya sa kung ano man ang sinasabi niya. "Saka sabi kasi nila mahirap daw gutumin ang mga babae. Nag----" he stop talking and inalis niya ang mga tingin niya sakin.

Tumagilid ako at sinamaan siya ng tingin? "Bakit dimo ituloy?" I asked "Ano? Bakit mahirap? May problema kaming mga babae?" I asked angrily.

"I think gutom o hindi" he answered and he smirked. Pinagtatawanan ata ako ng lalaking to.  "Yan na ba yung sign na tinotoyo ang mga babae? Bigla na lang nagagalit ng walang dahilan?" he asked

"Bakit mo tinatanong? Never mo ba na experienced sa mga babae mo? Hindi ba tinotoyo ang mga sosyal na babae?" I asked as I sit properly at sa unahan ako tumingin. I continue eating my fries. Paikot ikot ang mata ko. Waiting for his answer pero wala ko narinig na sagot mula sa kanya. Ayyy private person ata tong lalaking to.

Naubos ko na yung fries at coke. Inayos ko na yung ibang pagkain na hindi ko naman nagalaw. I cleared my throat. "Tell me, ilan na naging girlfriend mo?" i asked nung tumagilid ulet ako paharap sa kanya at tinaas ko pa ang dalwang paa ko. Tinuon lang niya ang siko niya sa pinto ng kotse niya sinandal ang ulo sa kanyang kamay. Dedmatology si Kuya. "Hoy! Sinama sama mo ako tapos ayaw mo ako kausapin?"

"Magtanong ka na lang ng iba!" he said without looking at me

"Eh gusto ko malaman ilan na naging girlfriend mo?"

"Bakit gusto mo malaman?"

"Syempre mamaya may girlfriend ka pala. Tapos dun sa pupuntahan natin may bigla na lang sumabunot sakin" i arched my left eye brow.

"I won't let that happen" he said seriously.

"So may girlfriend ka nga?" i'm a bit anger.

"Depende. Kung papayag ka" he smiled when he look at me. Umiwas lang ako ng tingin at pasimpleng ngumiti. Kinikilig ka girl? Pereng tenge kese si Brent. Naku ang harot mo Krizza.

"Tigilan mo ako. Di mo ako makukuha sa mga ganyan Brent" wait nakuha na nga pala niya ako!  "I mean.. Basta" i said ng wala ko maisip na idahilan. "So naka ilang girlfriend kana nga kasi. Arte arte naman ayaw pa sabihin" pangungulit ko

"Dalwa sa seryosohan" he answered.

"So madami sa landian?" nagulat kong tanong. Napakayabang naman ng lalaking to. Gwapong gwapo ha? Edi sayo na malaki. Tse. I rolled my eyes.

"Oh? Nagtatanong ka tapos mapipikon ka" he said.

"Ako?" tinuro ko sarile ko. "Hindi ako pikon ha? Pakialam ko ba kung madami ka ng naka sex" i retorted. Pero bakit feeling ko isa lang ako sa mga kalandian niya. Bakit parang masakit? Masakit ba talaga!?

"Wag ka mag alala isa lang naman balak kong pakasalan" he winked at me.

"Pakialam ko. Diko naman tinatanong" pagtataray ko.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now