CHAPTER ELEVEN

8 1 1
                                    


L O U I S S E

"Hoy Giovanni! Aba, hindi ka pa ba babangon diyan!?"


Kanina pa ko sumisigaw dito ah! Literal na lalabas na yung lalamunan ko kakasigaw. Ba't ba parang walang naririnig 'tong isang toh?


Oh My God.


Hindi kaya...


"Hoy Giovanni! Humihinga ka pa ba? Wait, wag mo sabihing patay ka na. OMG! Huhunesss! Wag ka muna pumanaw!"


Dali-dali akong kumuha ng unan at ipinalo sa kanya


"Good gracious Louisse! Can't you wake me up in a more pleasing way!? And goodness! stop acting too exaggerated!"


Phew, buti naman nagrespond na


"Eh bakit kasi ayaw mong bumangon diyan? Kanina pa kaya kita ginigising!" Aba'y ilang minuto nakong nakatayo dito! Siya pa galit!


Umupo sa kama si Giovanni at galit na humarap sa akin. Matatakot na sana ako kaso lang paano? Mas madilim pa sa kili kili ng tsismosa eyebugs ni ate ghurl.


"Anyare?" tanong ko sabay turo sa eyebugs niya


"Stop pointing your fucking fingers at me" Sinamaan niya ko ng tingin at padabog na tumayo


LUH LUH LUH


First time neto magmura ah!


"Di kaya-"

"I woke up around 3am and I couldn't go back to sleep" madiin niyang saad "Kung ano ano nanaman sasabihin mo"


Gulat kong tinuro ang sarili ko. Nagtatanong


Bakit ako? Wala naman akong sinasabi ah! Sasabihin ko pa nga lang dapat eh


Ilang segundo niya pa kong tinignan ng masama bago umirap at nagmartsa papuntang banyo. Muntik pa kong mapatalon dahil sa padabog na pagsara ng pintuan.


Ok note to self, wag hahayaang mapuyat si Giovanni. Nakakatakot kasi yung eyebugs hindi bagay sa kanya.


Buti pa 'ko kahit magkaroon ng eyebugs maganda pa rin. Like DUH! Izinit Obviyas


Maarte kong hinawi ang buhok ko dahil napupunta sa maganda kong pagmumukha bago naglakad papunta sa kama.


Inayos ko ang kamang pinaghigaan ni Giovanni dahil nga bad mood at baka mas lalo pang ma-bad mood mamaya.


IsolatedWhere stories live. Discover now