"Dead End"

11 2 1
                                    

BUWAN ng Mayo ng mapagpasyahan ng magkaibigang Jessie, Amele at Roxie na yayain ang iba pa nilang mga kaibigan para magbakasyon sa Beach resort nina Jessie.

Maayos ang plano nila dahil sumama naman ang mga kaibigan nila at maging ang boyfriend nilang tatlo.

Nagsipagpa-alam sila sa mga magulang nila at pinayagaan naman agad.

Kinaumagahan ay nagkita-kita sila sa bahay nina Jessie. Ito na rin kasi ang magpoprovide ng sasakyan papunta doon.

Labin-dalawa silang lahat ang pupunta sa resort nina Jessie.

Excited ang lahat sa magiging summer vacation nila doon.

"Hija, mag-ingat kayo doon ha. Basta huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sayo ha. Mag-enjoy kayo dun," sabi ng mommy ni Jessie.

"Opo mom, mag-iingat po kami. Sige, mom. Aalis na po kami. Thank you for letting us to have our summer vacation there," sagot din niya sa ina.

Humalik muna siya bago siya lumabas ng bahay. Nasa van na ang kasamahan niya at siya na lang ang hinihintay ng mga ito.

"Sige na, umalis na kayo. Basta huwag mong kalimutan ang sinabi ko ha," pag-uulit ng kanyang ina saka kumaway na rin sa kanila.

Ang boyfriend ni Jessie ang nagmaneho ng sasakyan.

Mula sa side mirror ay nakikita pa rin ni Jessie na hindi pa umaalis ang kanyang ina sa labas ng bahay. Siguro hinihintay lang nito na mawala na ang imahe ng kanilang sinasakyan bago ito papasok.

Mabilis silang nakarating doon.

Maganda ang private Beach resort nina Jessie halata na walang ibang pumupunta doon maliban sa pamilya niya.

"Guys, mansigdala at buhat na lang tayo ng mga gamit natin. Sa beach house tayo tutuloy," anya sa mga kasamahan.

"Okay. Wow ang ganda talaga dito. Amazing place I've never seen before," wika ni Amele na napatili pa.

"Tama na nga Amele, halika na sa loob ng beach house nina Jessie. Napapagod na kami. Magpahinga muna tayo," sabad ng kanyang boyfriend.

Nagtawanan na lang ang mga kaibigan nila.

Nasa loob na sila ng beach house nina Jessie.

"Wow, ang ganda din pala dito sa loob Jessie pero kung tingnan mo labas parang hunted house na," wika ni Roxie. Napuna talaga niya.

"Ah, ganun ba? Matagal na kasing walang pumupunta dito mula ng mamatay ang daddy ko," tugon ni Jessie.

"Ganun ba. Bakit? Anong nangyari sa kanya?" kuryusong tanong ni Amele sa kanya.

"Namatay siya sa pagkalunod," malungkot niyang pahayag.

"Aw? Sorry kung naitanong ko sayo."

"Okay lang iyon. Hindi nga namin alam kung bakit nalunod ang Daddy ko. Kilala siyang isang magaling na swimmer pero ikinataka namin ang pagkalunod niya."

"Hala, baka pinulikat," sabad nila.

"Hindi namin alam. Gusto niyo bang maligo sa dagat ngayon?" tanong ni Jessie sa mga kasamahan.

"Ayaw ko nakakatakot pala dito. Ayoko!" sagot ni Nina na kaibaigan ni Jessie.

"Ano ka ba Nina ang OA mo. Aksidente lang iyon kaya halina kayo. Gagawa lang tayo ng camp fire mamaya pagdumilim na para hindi madilim sa paligid," sagot ni Amele. Kahit kailan ang daldal nito.

Sumama naman ang mga kaibigan ni Jessie at naligo sa may beach nila. Magtatakipsilim pa lang naman kaya magandang pagmasdan ang palubog na araw doon.

Masayang naliligo ang mga kasamahan niya pero siya nanatili lang sa isang tabi habang nakaupo at tanaw ang dulong bahagi ng resort.

One Shots Stories CollectionWhere stories live. Discover now