Chapter 7

28.9K 1K 153
                                    

Kagaya ng sinabi ni Luke, umalis siya bago ang lunes at lumipad patungong Palawan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit atat na atat siyang umalis, may tinataguan ba siya?


Isang lingo na mula noong araw na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Wala naman ako g pakielam, naaalala ko lang talaga siya sa tuwing magsusuot ako ng piercings pagkauwi galing sa school.


Nagsimula ang renovation ng studio ni Sage sa second floor noong lunes at by next month ay siguradong tapos na iyon. Hindi ko naman siya tinatanong kung ano ang dahilan pero mukhang babalik na sila sa pag tugtog. Nahinto ito noon dahil nagkaproblema si Sage sa El Nido. I think it has something to do with his girl there, balita ko ay may binabalik-balikan siya doon e.


Si Luke din ay hindi mapirmi dito kaya nagpasya silang ipagpaliban na muna ang pagtugtog dahil sa mga personal na dahilan— which is wala na naman akong pakielam.


Biyernes ngayon at maaga ang klase ko kaya maaga rin akong umalis ng mansiyon. Nakasuot lang ako ng puting round neck shirt at high waist denim jeans dahil wala namang uniform ang mga estudyante ng LCIU. Ang lab coat namin ay isinusuot lang kapag papasok kami ng lab or kapag kailangan.


Inabot din ng isang lingo bago makalimutan ng mga kaklase ko ang pagpaparticipate ni Luke sa practicals namin bilang pasyente ko. Noon ko narealize na iba pala talaga ang impact ng banda nila sa La Cuevas.


Marami ang nagtangkang kausapin ako, hindi lang dahil kay Luke at sa katotohanang Eleanor ako, kundi dahil usap-usapan ang 'comeback' ng 5pm na wala naman akong alam. As usual ay hindi ko sila sinasagot, ni hindi ko sila tinatapunan ng tingin.


Sigurado akong walang mabuting impression ang mga tao sa akin dahil sa ugali ko, pero ang nakakalungkot lang ay hindi ko mahanap ang kakarampot na pake ko. Magalit sila hangga't gusto nila, hindi naman ako papatayin ng mga salita nila, at isa pa, hindi nila iyon masasabi sa harapan ko dahil sa apelyido ko.


Marami ang nagsasabi na nakakatakot daw ang mga mata ko. Madilim, blangko at masungit kung titignan. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pa nila ako tinitignan kung ayaw nila akong makita? Hindi ko bnga sila sinusulyapan dahil bukod sa hindi sila magandang tanawin ay tinatamad din akong igalaw ang mga mata ko.


Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao, iba ang sinasabi nila sa ikinikilos ng katawan nila. Kung legal lang ang pag dukot ng mga mata at pagpunit ng mga bibig ay baga ako nalang ang natitirang may mukha sa La Cuevas. Sayang.


Natapos ang klase ko ng bago magtanghalian. Umuwi ako sa bahay nang bagsak ang mga balikat dahil sa pagod kong utak. Naiimagine ko na ang kama ko habang naglalakad papasok ng mansiyon. Gustong-gusto ko nang humiga kahit nakailang kape ako kagabi at kaninang umaga.


Ngunit ang kagustuhan kong matulog ay tila gumuho nang salubungin ako ng pilyong ngiti ni Vincent. Bumuntong hininga ako at nilagpasan siya.


"Uy grabe, wala man lang hi!" Sinundan niya ako pero hindi ko siya nilingon. "Sorry hindi kita nasundo, may dala ka raw kotse e—"


"Hindi ako nagpapasundo."


"It's the thought that counts. Anyway wala ka nang pasok? Labas tayo,"


"Mamamo labas."


"Mama ko? Wait, Sadie perfect score ka ba?"


Hindi ko siya pinansin. Hindi naman ako iritado sa kaniya, sadyang wala lang akong maramdaman sa presensiya niya. Tamad akong naglakad paakyat ng hagdanan at ang damuho ay nakasunod pa rin.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now