20

66 3 0
                                    

After our dinner wala na kaming kibuan ni kuya Rafael. Hindi ko siya magawang tignan lalo nan a nireject niya ang feelings ko. I tried to call Kimmy but she’s not answering kaya ang ginawa ko ay tenixt siya upang sabiin na nireject ni kuya Rafael ang feelings ko at kailangan kong may kausap.

“Ok, hintayin mo ako sa labas ng bahay niyo.”

Basa ko sa text sa akin ni Kimmy. Nang tignan ko ang oras ay bandang alasdyes na. Kanina pa kami umuwi dumeretso lang ako sa kwarto ko nang makarating kami sa bahay. Tumayo ako. Mula sa pagkakaupo sa aking kama ay pumunta ako sa closet upang kumuha ng jacket.

Nang makalabas ako ng kwarto ko ay napatingin muna ako sa nakasaradong pintuan ng kwarto ni kuya Rafael. My phone vibrated in my hands.

From Kimmy:

Where are you? I am already here.

Napangiti ako ng mapait ng muling maalala ang mga katagang sinabi niya sa akin. Ipinilig ko ang aking ulo at maingat na umalis doon. Sinisigurado kong hindi niya malalaman na umalis ako ng bahay. Nang makalabas ako ng tuluyan sa bahay ay agad akong napakayap sa aking sarili dahil sa malamig na hangin ang sumalubong sa akin.

Agad kong nakita ang sasakyan ni Kimmy na nakaparada sa labas. Binuksan ko ang pinto at pumasok agad sa loob.

“Are you ok?” mahinang tanong niya sa akin at hinarap ako. Napatingin naman ako sa driver seat at nakita ko ang driver nina Kimmy na si manong Jose. Binati niya lang ako ng tingin at pinaandar na ang sasakyan.
“Sa tingin mo? Alangan naman magiging masaya ako, eh, nareject na nga.” Sagot ko at kinagat ko ang aking ibabang labi.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. “Kalahati kasi sa paniniwala ko ay umasa akong may nararamdaman din siya sa akin. Pero, Shit lang hindi ko aakalain na kapatid lang ang turing niya sa akin.”

Narinig ko siyang napabuntong –hininga. “Normal lang naman sa nagmamahal ay nasasaktan. Madami pa namang lalaki diyan eh.”

Tinignan ko siya. Napansin ko na nakajacket din ito at nakatsinelas lang kagaya ko.  “Gusto mong uminom tayo?” nakangiting saad niya. Napatingin naman ako kay manong Jose na napasulyap sa amin.

“Ito pa.” sabi ni Kimmy sabay abot ng inumin sa akin. Si manong Jose naman ay nakaupo sa kabilang upuan habang kumakain ng pizza.

Kinuha ko naman ang chuckie sa kamay ng kaibigan ko.  Hindi naman talaga alcohol ang iinumin namin kundi ang mga juice sa convenience store.

“Pangit ba ako?” tanong ko sa kanya sabay inom ng chuckie.

“Hindi naman.” Baliwalang saad niya.

“Alam moa ng ganda ng sagot mo.” Asar kong sabi.

Ngumiti siya sa akin. “Oh, sige maganda ka na.” napipilitan niyang sagot.

“Bakit hindi niya ako gusto kung ganun?”

“Alam mo Bella. Wala naman sa itsura nababasehan ang pagmamahal eh.”

I pouted my lips. “ang sakit pa lang mareject.” Naiiyak kong saad,
Nag-umpisa na ding mamasa-masa ang gilid ng aking mata. Naramdaman ko naman ang kamay ni Kimmy sa aking likod at pilit na pinapagaan ang pakiramdam ko. “Kim, nireject ako ni kuya Rafael.” Sumbong ko sa kanya na parang bata at tuluyan ng umiyak.

Tumahimik naman siya at tinignan ako. “Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon. Iiyak mo lang yan.”

“Sobrang sakit pala na hindi niya ako mahal.” Mahinang saad ko at uminom ng chuckie. Pinahidan ko din ang luha ko gamit ang jacket ko.

“Sobrang awkward kapag umuwi ako. Paano na yan?” sinisinok kong tanong.

“Gusto mo bang sa bahay muna matulog?” tanong niya sa akin.

Fallen Series #2: Ang boyfriend kong writerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora