Chapter 4: Maling Akala

180 11 0
                                    

Nag enroll kami sa same University. Not just as schoolmates but classmates. We took same course which is General Medicine.

First day of class pa lang, marami nang lumapit sa kanya para makipagkilala at magpakita ng pagkagusto. During our lunch break, sabay kaming nagtungo sa canteen.

"What do you want, I'll order our food? Maupo ka na dun sa table natin?"

"Same na lang sa oorderin mo, Hintayin nalang Kita dito, sabay na tayong pumunta sa table" Nakangiti nyang sagot

Habang busy ako sa pag order ng lunch namin, isang group ng lalaking studyante ang lumapit sa kanya.

Hi Miss beautiful. Pwede bang makipagkilala sa isang magandang binibini? Tangkang aakbayan si Dale kaya pupuntahan ko sana pero kinabig ito ni Dale

"Ah, sorry but no. Hindi ako nakikipagkilala sa kung sino sinong lalaki Lalo na sa mga katulad nyong nakikipagkilala pa Lang eh gusto na Ng physical touch . Obviously, ungentle way of introducing yourself to a girl." Nakairap at matapang na sagot niya. That's my girl. Nangingiti akong naglakad palapit sa kanila dala ang tray ng pagkain na inorder ko.

"Babe, I'm sorry ngaun lang, mahaba ang pila sa counter area. Wait, anong nangyayari dito? Guys, may problema ba kau sa girlfriend ko? "

"Ah wala, ala nmn. Tara na, guys. Taken na pala." At nagtakbuhan palayo

"Let's go babe? "Inakbayan ko sya

"Babe ka dyan? And ano ung girlfriend mo ako?"

Relax, Dale, masyado ka kasing maraming admirers eh, way ko yun para protektahan ka sa kanila. Dapat Alam nilang sakin ka Lang.

Napatingin sya sa akin na nagtanong Ang mga mata.

"Ah eh, let's go na, nagugutom na ako." Inilapag ko ang food namin sa table at ipinaghila ko sya ng upuan. Habang kumakain, nakatitig sya sakin na tila may gustong marinig mula sa akin pero not now, not ever. Ayokong mag take Ng risk.
Natapos ang araw namin sa University na Wala namang nangulit na sa kanya.

DALE's POV

Katatapos lang ng klase namin. Naunang lumabas ng room si EJ dahil kinausap ako Ng prof nmn regarding sa pagtakbo ko as Student council. Paglabas ko ng room nakasalubong ko si Paul, ang kaibigan ni EJ.

Paul, nakita mo si EJ? Sabi nya kasi hintayin nya ako sa labas ng pinto ng room namin.

"Oo, nakita ko sya kanina dyan. Hinihintay ka daw nya. Baka nag CR lang. " Nakangiting nyang tugon.

Napansin ko sa Hindi kalayuan na may apat na babaeng nagkakagulo at nagpapabebe. Parang alam ko na kung sino ung pinalilibutan nila. Hindi nga ako nagkamali. Naku naku talaga ang lalaking Ito....
Taas noo akong lumakad palapit sa kanila at hinawi sila para malalapit at makaabre siete Kay EJ.

"Oh, babe. Nandito ka Lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Sabi ko hintayin mo lang ako sa may pinto at maraming higad na nagkalat dito, baka maallergy ka. Magkapantal pantal ung katawan mo." Inikot ko ang paningin sa kanila. Pairap silang lumakad palayo sa kinaroroonan namin. "hmpppp, ang haharot." Napatingin ako Kay EJ at nakangiti Ito habang nakatingin sa akin. Saka ko Lang napansin na ang awkward ng hitsura namin ngaun. Nakayakap ang isa kong kamay sa braso nya. Agad ko itong binawi. " Anong nginingiti mo dyan?" Umiwas ako ng tingin sa kanya

"Babe? Kinikilig naman ako dun."

"Uy, ano... Ah sinabi ko lang un para layuan ka ng mga makakating higad dito." Bakit ba ako kinakabahan at nauutal. Haist self ano ka ba

"Wait, nagseselos ka ba sa kanila? Uy, nagseselos... Ang possessive naman ng babe ko." Inakbayan nya ako. Umiwas ako

"Uy, teka lang, hnd ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Hay naku, Tara na, umuwi na tayo." Lumakad na ako palayo sa kanya.

              When GOD Made You (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن