WHITE LIES

53 3 0
                                    

"Leander! Sino nga yung author ng 'Pride and Prejudice'?" Tanong ni Gless. Ilang oras din kaming binubuklat ang mga pahina ng libro at pag- hahanap ng mga karagdagan pa sa internet. Kasali kaming dalawa sa quiz bee sa paaralan namin.

"Si Jane Austen!" Ngisi ko.

"Eh yung Roman name ni Hephaestus ?"

"Hay nako. Tingnan mo nlng diyan." Napasinghap ako.

Sa araw-araw naming pag babasa ng mga asignatura, kabilang na rin sa araw-araw na pagpasok sa paaralan, di ko na namalayang unti-unting nahuhumaling ako kay Glecel. Hindi ko alam bakit. Hindi naman siya gaanong kagandahan pero iba ang tibok ng puso ko kung kasama at nagtatamaan ang mga mata namin.

Hanggang dumating na nga ang quiz bee. Naghanda kami para sa mga tanong na ibabato sa amin. Kinakabahan, ngunit kami'y lalaban. Ang mga kaklase naming puro hiyaw ang binibigay, hudyat na matatalo namin ang mga kalaban.

Umupo kami sa bandang hulihan. Dumating na ang guro. Mga puso namin ay sobrang kabog na kabog sa kaba.

"Mayroong tatlong kategorya. Easy, Medium at Hard. . ."

"Ayan na, eto na." Ngumisi ako sa kanya.

Di man nagkadaupang palad, masaya naman kami sa aming nakamit. Kahit naka 3rd place lang ayos na para sa amin. Pasaring pa namin na:

"Ba't ba kasi ang hirap ng mga topic na isinaulo natin, eh ang lumabas naman pang grade 7 na topic!" Sabi niya.

"Oo nga."

Simula noon, nagsimula na kaming mag chat gabi-gabi. Nakitaan ko rin siya ng mutibo. Baka parehas din kami ng nararamdaman. Hanggang sinabi ko sa chat sa kanya na:

"G͟l͟e͟c͟e͟l͟, m͟a͟y͟ s͟a͟s͟a͟b͟i͟h͟i͟n͟ l͟a͟n͟g͟ s͟a͟n͟a͟ a͟k͟o͟."

"A͟n͟o͟?"

"K͟a͟s͟i͟, m͟a͟y͟ g͟u͟s͟t͟o͟ a͟k͟o͟ s͟a͟y͟o͟."

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ang torpe torpe ko pero hindi ko lubos maisip kung bakit, totoo ba lahat o kathang-isip lang to?

Nag-aalangan siya sa akin. "T͟o͟t͟o͟o͟? S͟u͟r͟e͟ L͟e͟a͟n͟d͟e͟r͟?" Tanong niya.

Nag-aalangan din ako sa isasagot ko kaya sinabi ko nalang na: "B͟u͟k͟a͟s͟, s͟a͟s͟a͟b͟i͟h͟i͟n͟ k͟o͟ s͟a͟ y͟o͟ l͟a͟h͟a͟t͟. G͟a͟b͟i͟ n͟a͟ k͟a͟s͟i͟, m͟a͟t͟u͟t͟u͟l͟o͟g͟ n͟a͟ a͟k͟o͟."

Kinabukasan, sinabi ko sa kanyang lahat ng iyo'y walang katotohanan. Masakit man na nagsinungaling ako pero hindi ko rin kayang masasaktan lamang ako. Kaya inilihim ko nalang ang nararamdaman ko kay Glecel.

Summer na at obvious, walang klase. Sa pag daan ng mga araw, unti-unti ko ring nakalimutan at kinalimutan na si Glecel. Masasabi kong nakapag move-on na ako sa kanya. Hindi narin kami nag cha-chat kaya nasanay na ako sa kanya. Makalipas ang ilang buwan ay lumitaw siya sa messenger inbox ko.

"H͟i͟."

"h͟e͟l͟l͟o͟ G͟l͟e͟s͟s͟." bati ko.

"M͟a͟y͟ i͟t͟a͟t͟a͟n͟o͟n͟g͟ l͟a͟n͟g͟ s͟a͟n͟a͟ a͟k͟o͟. Y͟u͟n͟g͟ n͟a͟g͟ s͟a͟b͟i͟ k͟a͟ s͟a͟ a͟k͟i͟n͟ n͟a͟ m͟a͟y͟ g͟u͟s͟t͟o͟ k͟a͟, t͟o͟t͟o͟o͟ b͟a͟ i͟y͟o͟n͟ o͟ j͟o͟k͟e͟ l͟a͟n͟g͟?" tanong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit na naungkat at ibinalik iyon, na halos isang taon na ang nakakalipas nang sinabi ko ang katagang iyon? Nakalimutan ko na nga yon siya hindi?

Nag-aalinlangan ako sa sagot kaya tinanong ko muna siya. "B͟a͟k͟i͟t͟?" Baka gusto rin ba niya ako kaya tinanong niya yon sa akin?

"K͟a͟s͟i͟, i͟f͟ t͟o͟t͟o͟o͟ t͟a͟l͟a͟g͟a͟ n͟a͟ c͟r͟u͟s͟h͟ m͟o͟ a͟k͟o͟, g͟u͟s͟t͟o͟ k͟o͟ l͟a͟n͟g͟ m͟a͟g͟ s͟o͟r͟r͟y͟, h͟i͟n͟d͟i͟ k͟a͟s͟i͟ m͟a͟a͟y͟o͟s͟ a͟n͟g͟ p͟a͟g͟ r͟e͟s͟p͟o͟n͟d͟ k͟o͟ s͟a͟y͟o͟ d͟a͟t͟i͟. N͟u͟n͟g͟ u͟m͟a͟m͟i͟n͟ k͟a͟. T͟h͟a͟n͟k͟ y͟o͟u͟ d͟i͟n͟ d͟a͟h͟i͟l͟ n͟a͟g͟u͟s͟t͟u͟h͟a͟n͟ m͟o͟ a͟k͟o͟ p͟e͟r͟o͟ h͟i͟n͟d͟i͟ k͟o͟ m͟a͟i͟b͟a͟b͟a͟l͟i͟k͟ y͟o͟n͟ s͟a͟y͟o͟. Y͟o͟u͟'r͟e͟ g͟o͟o͟d͟ e͟n͟o͟u͟g͟h͟ L͟e͟a͟n͟d͟e͟r͟ p͟e͟r͟o͟ h͟i͟n͟d͟i͟ a͟k͟o͟ a͟n͟g͟ b͟a͟b͟a͟e͟n͟g͟ p͟a͟r͟a͟ s͟a͟y͟o͟."

Gumuho ang puso ko sa mga katagang iyon. Halos mapaluha ako, bumalik lahat ng mga masasayang pangyayari naming dalawa. Ngayon parang di na mauulit pa. Kaya sa dalawang pagkakataon, nagsinungaling ulit ako sa kanya.

"E͟y͟, o͟k͟a͟y͟ l͟a͟n͟g͟ i͟t͟'s͟ j͟u͟s͟t͟ a͟ j͟o͟k͟e͟, w͟a͟g͟ m͟o͟ n͟a͟n͟g͟ i͟s͟i͟p͟i͟n͟ y͟o͟n͟. S͟o͟r͟r͟y͟ d͟i͟n͟ k͟a͟s͟i͟ i͟n͟i͟s͟i͟p͟ m͟o͟ n͟a͟ t͟o͟t͟o͟o͟ y͟o͟n͟. P͟w͟e͟d͟e͟ b͟a͟n͟g͟ i͟ d͟i͟s͟r͟e͟g͟a͟r͟d͟ n͟a͟l͟a͟n͟g͟ n͟a͟t͟i͟n͟ y͟o͟n͟ l͟a͟h͟a͟t͟?"

"S͟i͟g͟e͟, s͟o͟ c͟l͟e͟a͟r͟ n͟a͟ t͟a͟y͟o͟?" tanong ni Glecel.

"C͟l͟e͟a͟r͟."

The Tales of my Bleeding Pen Where stories live. Discover now