I

947 69 41
                                    

I screamed, held tight on the box of donuts, and ran for my life. Wala na akong paki sa mga tao sa paligid.

Lumabas ako ng establishment nang hindi lumilingon sa likod. Hindi ko sigurado kung gaano na kalayo ang itinakbo ko nang marinig ko ang isang nakakapangilabot boses ng isang babae.

"Wait! Don't run away from me, please!" Her voice sent shiver to my spine.

Gusto kong maiyak. Bakit niya ako sinusundan? Bakit ko siya nakikita?

"Hindi kita sasaktan! Hindi ako masamang tao!"

Tama naman na hindi siya masamang tao. Hindi siya tao... kasi patay na siya.

I can see dead people. I can see souls or ghost, whatever it was called. It was a curse that was passed down in our family for generations. But it had been fourteen years since I last saw a ghost. I stopped seeing them when an amulet, a family heirloom, was given to me. It was supposed to ward off ghosts and repel my ability. Kaya paano ako nakakita ngayon? Did it stop working?

Naputol ang iniisip ko nang makita sa malayo ang isang lalaki na nakaharamg sa daan ko. His neck was dislocated and his other leg was missing and yet he was still standing straight... slash that. Nakalutang ito.

Isa pang multo! I looked around and wished I didn't. Ang daming multo sa paligid!

"'Wag mo akong takbuhan!"

Sinusundan pa rin ako ng ghost bride mula sa Krispy Kreme. Mas lalo akong nagkadahilan para bilisan ang takbo.

Sa isang iglap lang ay biglang bumungad ang duguan niyang mukha sa akin. Isang tili ang muling kumawala sa akin.

"Mama!" Agad ko siyang tinalikuran at nakita ang taxi na paparating. Itinaas ko ang kamay para pahintuin iyon.

Huminto ang taxi sa harapan ko at nagmamadali naman akong pumasok sa loob.

"Manong, Flair Towers po!" nangingiyak kong sabi.

"Okay ka lang, miss?" nag-aalalang tanong ng taxi driver.

"Patakbuhin niyo na lang po, please!"

"Ah... Oh, sige," nagtatakang sagot niya at matapos ay pinaandar na ang sasakyan.

I should have known that being in an enclosed space was a bad idea. The temperature inside the taxi dropped. The hair all over my body stood up.

I inhaled sharply and stayed still. Pinilit kong h'wag tumingin sa tabi ko dahil alam kong nasa tabi ko siya.

'Wag mong pansinin, Io. Magpanggap ka na hindi mo nakikita. Patay malisya ka lang.

"Nakikita mo ako 'di ba? Naririnig mo ako?" tanong ng babaeng multo.

Tumingin ako sa kay Manong para malaman kung may naririnig siya pero pumipito-pito pa ito habang nagmamaneho.

"I know you can hear me. Don't worry. I'm not gonna hurt you! I'm just excited kasi ngayon lang may nakakita sa akin!"

Pinili ko pa rin na h'wag siyang pansinin. Unti-unti akong sumandal sa backseat para magpanggap na normal lang at walang kakaiba akong naririnig. Kahit na ang totoo ay gusto ko nang umiyak at umihi sa takot.

Seeing SoulsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin