II

630 53 14
                                    

"Good morning," said the paper white skinned lady with a sinister smile who was floating above me.

Hindi pa masyadong gumagana ang utak ko kaya matagal bago rumehistro sa akin kung ano ang nasa ibabaw ko ngayon.

Nanlamig ang buong katawan ko at tumaas ang mga balahibo ko bilang epekto. Sa gulat ay hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko. All I could do was scream in fear.

The lady's sinister smile dropped and quickly mirrored what I did. Tumili rin ito. Its voice was demonic and shrilling. If it could be heard in our dimension, I was sure it was enough to break glasses and mirrors.

Narinig ko ang ilang kalabog ng kung ano pero hindi ko magawang alisin ang tingin sa mukha ng espirito. Naputol ang tili ko nang maubo dahil sa kung anong tumama sa lalamunan ko. Sunod kong nalasahan ang alat. Lalong kumati ang lalamunan ko at nagsimulang maubo.

"In Jesus' name, lumayas ka!" bagong boses ang nagsalita, boses ng tao sa pagkakataon na ito. Napapikit ako nang may mga maliliit na kung ano ang muling tumama sa mukha ko. My hand tried to catch it by reflex. Doon ko napagtanto kung ano 'yon. Asin!

Napangiwi ako at bumangon na. The spirit, who I just realized was Eris from last night, was already gone. Effective talaga ang asin pantaboy ng masasamang elemento. 

I saw Joey holding a crucifix in one hand and her other fist was balled, probably where the grains of salt were.

"Lumayas ka!" Sinaboy niya ang natitirang asin sa mismong mukha ko. The saltiness had a slight tingling effect on my skin. 

"Ano ba! Bakit sa akin mo hinahagis? Ako ba yung multo?!" sigaw ko sabay hilamos ng mukha. 

"Io!" sigaw niya, na parang ngayon lang niya naisip na ako 'to. "Io okay?" 

Halos malukot ang mukha ko sa inis sa banat niya. "Bwisit ka. Nakuha mo pang mag-joke."

"Nagtatanong lang, e." Ngumuso siya at kumalma na ang postura. Ibinaba niya na rin ang crucifix. "Ano bang nangyari sa'yo?"

"Nagising ako nakalutang yung multo kahapon sa ibabaw ko tapos nag-good morning."

Tumawa siya. "Sus. Nag-good morning lang pala, e."

Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo akong tawanan, ha. Masama tulog ko."

Agad na napawi ang tuwa sa mukha niya at pinalitan 'yon ng pagnguso. "Sorry na. Bakit naman masama tulog mo?"

Nawala ang inis ko at mangiyak-ngiyak na nag-kwento sa kanya,"May tumabi sa akin matulog kaninang madaling araw."

Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "Aww. Sana all may katabi matulog."

Naudlot ang awa para sa sarili ko at muling nag-alab ang pagkayamot sa kaibigan. Inabot ko ang unan sa tabi ko at hinagis sa kanya. Agad naman 'yon nasalo ni Joey at natatawang hinagis pabalik sa kama bago tumakbo palabas ng kwarto ko.

"Bwisit ka talaga!" pahabol na sigaw ko sa kanya.

👻👻👻

I didn't know much about ghosts. I didn't even know why our family had this ability to see interdimensional beings in the first place. I never bothered to ask. May amulet naman kasi kaya kahit minsan ay hindi sumagi sa utak ko na ungkatin pa ang tungkol doon. Hindi ko inaasahan na magiging problema ko ito ngayon.

Also, I was a scaredy-cat. Sobrang matatakutin ako. Ayaw ko sa dilim. Ayaw kong nanunuod ng horror movies. Ayaw ko rin makarinig ng kahit anong kwentong nakakatakot.

Ang tanging alam ko lang ay mga habilin ni Mama. 'Yong tungkol sa asin, 'wag aalisin ang amulet sa katawan ko dahil nag-iisa lang at peke ang iba, na hindi totoo ang pagpag pero totoo na minsan ay nag-aanyong paru-paro ang mga kaluluwa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seeing SoulsWhere stories live. Discover now