Chapter 25

969 36 0
                                    

3rd Person's POV;
Matapos magbukas ang pinto napatingin ang mga taong nasa loob ng opisina.

"Arkhon." Ani ni Aila ng makita ang anak at lalapit dito ang ginang ng hawakan siya ng asawa.

"Papa." Ani ni Arkhon ng makita ang ama bago tumingin sa lalaking prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa na dahan-dahang nagmulat ng mata at tumingin sa kanila.

"Y-Yung nakaupo ba sa sofa ang daddy ni Cross." Nanunuyo ang lalamunan na tanong ni Iggy habang nakatingin sa lalaki na bored na nakatingin sa grupo nila.

"Wala kana ba talagang kahihiyan Cross? Pati si Arkhon idadamay mo sa mga kawalanghiyaan mo?" Walang emosyong sambit ni Cadmus na kinatingin ni Aila.

"Cadmus bakit kayo ganyan, anong masama kung---."

"Manahimik ka Aila." Putol ni Cadmus ng hindi inaalis ang tingin sa anak.

"Malaking kahihiyan ito para sa mga Acosta at Asuncion kung yung una pinababayaan pa namin kayong dalawa ngayon hindi na. Arkhon anak, ayusin mo lahat ng ito umamin na sa amin ang triplets ... nagkaroon ng gulo sa labas ng C-lite at ginamit mo yung video para idistract ang mga estudyante." Ani ni Alcide.

"Napag usapan na din namin na next month iaannounce na ang engangement niyo ni Alica at babalik na kayo sa America." Walang buhay na sambit ni Cadmus.

"Kung nasabi na sa inyo ng Triplets ang nangyaring gulo sa schoolfest, siguro nasabi na din nila sa inyo na last month ko pa ginawa yung video para mag confess kay Cross." Ani ni Arkhon na kinalaki ng mata ng mga nasa loob maliban kay Cadmus na hindi man lang nagpakita ng emosyon at kay Aila na may hindi maintindihan na expression.

"Arkhon." Ani ni Aila.

"Arkhon! Ano bang sinasabi mo?" Ani ni Alcide matapos tumayo at tingnan ang anak.

"Arkhon pag hindi mo binawi ang sinabi mo wala ng estudyate ang rerespeto pa sayo at ang buong C-lite mawawala na sayo. Arkhon tigilan mo na ito ... sinisira mo ang pangalan ng mga Acosta at Asuncion ano na lang ang sasabihin ng ibang tao." Nag gigitgit na sambit ni Alcide na kinalambot ng expression ni Arkhon.

"Dito ako masaya papa." Bulong ni Arkhon na kinatigil ng mag-asawang Asuncion.

"Arkhon." Tawag ni Cross na kinatingin ni Arkhon.

"Hindi---." Pinatigil ng binata si Cross sa pagsasalita matapos nito takpan ang bibig gamit ang hintuturo at tingnan lahat ng nasa loob.

"Sorry papa, mama." Ani ni Arkhon na kinatulo ng luha ng ginang.

"Mafefreez ang lahat ng bank account niyo at ni singko wala na kayong makukuha sa Asuncion at sa mga Acosta." Ani ni Cadmus bago tumayo at tingnan sina Haru.

"Wag niyo na din tangkain mangialam na apat kung ayaw niyong pati kayo madamay." Ani ni Cadmus na kinayuko nina Haru.

"Cadmus papatayin mo ba ang mga bata." Hindi makapaniwalang sambit ni Aila.

"Nagagawa na nilang magdesisyon para sa kanila diba?, tingnan natin kung hanggang saan sila tatagal at pahahalagahan ang isa't isa kung wala ng kahit na anong natira sa kanila." Ani ni Cadmus bago tingnan si Cross na nagdidilim ang anyong nakatingin sa ama.

"Simula din ngayon hindi na kayo pwedeng tumapak sa C-lite at makakabalik lang kayo dito, kung luluhod kayo sa harap ko at mangangakong hindi na kayo magkiki---."

"Hinding-hindi yun mangyayari!" Sigaw ni Cross na kinatayo ng ilang staff na nasa loob.

"Hindi ako yung tipong luluhod para lang maging Acosta at dahil lang sa pera. Hindi ako duwag at sakim na katulad mo!" Sigaw ni Cross.

"Nawalan ako ng ina dahil sayo at pati si Arkhon ilalayo mo sakin? Ano kang klaseng ama? Wala kang kwenta!" Ani ni Cross bago hinawakan si Arkhon at hilahin paalis.

"Hindi ko kailangan ng isang ama na wala ng ginagawa kung hindi gawing mas miserable ang buhay ko." Bulong ni Cross bago tuluyang lumabas kasunod ang Redtape na yumuko muna bago habulin ang dalawa palabas.

"Cadmus." Ani ni Alcide ng makita ang bahagyang pagyuko ng lalaki.
--
"Aghhhhh!" Sigaw ni Cross bago sunod-sunod na sinuntok ang katawan ng puno.

Paulit-ulit niya yun ginawa na naging dahilan para dumugo ang kamao ng binata.

"Arkhon hindi mo ba siya pipigilan?" Tanong ni Iggy habang nakatingin kay Cross mula sa kalayuan.

"Kung alam kong may magagawa ako para pakalmahin si Cross hindi ko siya hahayaang saktan ang sarili niya." Bulong ni Arkhon habang nakatingin sa binata.

Arkhon Asuncion's POV;
Tahimik ko lang binibendahan ang kamao ni Cross matapos ko gamutin ng bigla siyang humilig sa balikat ko.

"Ito ang huling beses na makikita natin ulit ang loob ng C-lite." Ani ni Cross bago ako tingnan.

"Bakit mukhang hindi ka nalulungkot? Parang naging pangalawang bahay mo na din ang university na ito diba?" Ani ni Cross na kinatingin ko.

"Sino naman may sabi? Sa tabi mo ang pangalawang bahay ko hindi ang university." Banat ko na kinapokerface ni Cross.

"Seryoso ako tapos babanat ka." Ani ni Cross na kinatawa ko ng matapos siyang humilig ulit.

"Ano ng gagawin natin Arkhon?" Tanong ni Cross.

"Hindi ko din alam Cross." Sagot ko bago ngumiti at tumingin sa kalangitan.

"Gusto ng mga parents natin na ipakita kung ano ba talaga ang buhay at gusto nila maranasan natin ang hirap para matuto tayo" Ani ko na kinatawa din ng makita kong umismid si Cross.

"Manahimik ka Arkhon masyado kang optimista, pinaparusahan nila tayo dahil gusto nila ipamukha satin na hindi natin kaya mabuhay ng wala sila." Sagot ni Cross na kinailing ko na lang.

"Basta ang alam ko lang ngayon gusto ko ienjoy ang bawat segundong malaya at kasama ka." Ani ko.

"Masyadong mababaw ang kaligayahan mo Arkhon." Ani ni Cross na kinatawa ko ng malakas.

"Alam mo Cross panira ka pakiss nga." Panghaharot ko ng---.

"Fuck off! Layuan mo nga ako." Ani ni Cross na kinatawa ko ng mabilis itong tumayo at naglakad palayo.

'Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mula dito ... Pero ito ang buhay na gustong-gusto ko.'

"Anong inaantay mo diyan? Umuwi na tayo." Yaya ni Cross mula sa malayo na kinangiti ko bago tumayo.

"Uwi na tayo." Bulong ko bago tumakbo palapit kay Cross.

'Honestly, nakakaramdam ako ng takot pero ewan ko ba, pakiramdam ko pag kasama ko si Cross lumalakas ang loob kong harapin ang buhay ... kaya ko din gumawa ng sarili kong daan tulad niya.'

3rd Person's POV;
Palabas na ang Redtape sa University ng---.

"Alica." Ani ni Haru ng makita si Alica na namumugto ang mga mata at nakatingin kina Arkhon at Cross.

*paak*

Nanlaki ang mata ng mga estudyanteng nakatingin sa grupuhan ng harapan na sampalin ni Alica ang kapatid.

"Nakakadiri ka." Ani ni Alica habang patuloy na lumalandas ang luha at nakatingin kay Arkhon na hindi man lang nagbago ang expression.

"Tigilan mo na ito Alica." Walang emosyong sambit ni Cross na kinatingin ng dalaga.

"Cross binigay ko sa lahat ...tapos ito igaganti mo sakin? Ipagpapalit mo ako sa kuya ko pa?!" Sigaw ni Alica.

"Binigay mo ang lahat? Kasama ba dun ang pagpapainom mo sakin ng drugs para makuha ang gusto mo?" Walang emosyong sambit ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Alica.

"Kung ano man ang nangyari sa atin hindi ko yun kagustuhan kaya wag mo sakin isisi ang mga bagay na ikaw lang naman may gusto." Ani ni Cross ng---.

"Cross." Ani ni Haru matapos sampalin ni Alica ang binata.

"Nakakahiya ka, nakakadiri kayo." May diin na sambit ni Alica bago tumalikod at umalis.

"Arkhon." Ani ni Cross ng makitang nakayuko si Arkhon.

"Umuwi na tayo." Bulong ni Arkhon bago humakbang paalis.

The Devil's LullabyWhere stories live. Discover now