Chapter 30

975 34 2
                                    

3rd Person's POV;
"Nabayaran ko na lahat mageexam kana lang." Nakangiting sambit ni Arkhon matapos lumapit sa kasintahan na nakasandal sa pader at nag aantay sa kanya sa labas ng registar office.

"Saan ka kumuha ng pera?Arkhon baka wala ng matira para sa sar---."

Naputol ang sasabihin ni Cross ng kuhanin ng binata ang kamay niya at ibigay ang wallet.

"Ikaw magbudget minsan kasi ginagabi na ako ng uwi." Ani ni Arkhon.

"Arkhon nakikinig ka ba sak---."

"Bukod sayo wala na akong ibang kailangan." Putol ni Arkhon bago inakbayan si Cross at magpatuloy sa paglalakad.

"Bili na tayo ng mga gamit mo at uniform." Nakangiting sambit ni Arkhon ng---.

"Hindi pa ako nakakapagentrance exam." Ani ni Cross.

"Alam ko naman na makakapasa ka Cross." May tiwalang sambit ni Arkhon matapos guluhin ang buhok ni Cross.

Cross Acosta's POV;
Hindi ko alam kung anong irereact ko habang nakatingin kay Arkhon na hawak ang kamay ko.

Ni wala siyang pakialam na pinagtitinginan na kami dito. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na hinawakan ko pabalik ang kamay niya.

Sa unang pagkakataon naramdaman kong buhay ako. Nakakaramdam ng takot, saya at pag-aalala at lahat yun dahil kay Arkhon.

Akala ko nung una ang pwede lang makapagbigay ng thrill sa buhay ko ay yung panggugulo ko at pananakit ng ibang tao, akala ko sasaya ako kung makakaganti ako kay papa sa pagbibigay sa kanya ng sakit sa ulo.

Pero lahat yun nanatiling akala, nagpaikot ako sa mali kong paniniwala. Pinaniwala ko ang sarili ko sa huwad na daan na replika lang ng ginawang daan ni mama at daddy.

"Cross."

Napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ni Arkhon hanggang sa mapansin kong nakalayo na pala kami sa university at nasa bukana na kami ng eskinita.

"Damn bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Arkhon habang pinupunasan ang pisngi ko gamit ang kamay niya.

'Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng yun?'

"Cross." Nag aalalang sambit ni Arkhon ng hawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at pisilin yun.

"Salamat." Bulong ko bago yumuko.

Salamat kasi dumating ka, ngayon alam ko na ... naiintindihan ko na.

"Puntahan natin si daddy ngayon." Bulong ko na kinabato ni Arkhon sa kinatatayuan.

"Gusto ko siya makausap." Ani ko bago ngumiti kay Arkhon.

"Sasamahan kita."
---
"Sir bawal po kayo pumasok." Ani ng gwardya matapos kami harangin ni Arkhon ng balakin namin na pumasok sa company ni daddy.

As expected walang nakakakilala sakin.

"Sabi ko naman sayo hindi tayo pwede basta magpatayo na lang ng business sa Thailand kailangan nati--- Cross."

Napatigil sina Tito Dwayne kasama ang ilan pang nakabusiness suit ng makita kami sa labas.

"Sir nagpupumilit ang mga batang ito na pumasok gusto daw nila makausap ang president." Ani ng ng gwardya.

Matapos mag gesture ni tito Alvis sa mga empleyado nito na kasunod umalis na ang mga ito at lumapit samin.

"Kilala ko ang mga yan papasukin niyo." Ani ni Tito Venedict.

Umalis na ang mga gwardya sa harapan namin kaya pumasok na ako kasunod si Arkhon.

"Hindi dapat kayo pumunta dito." Bulong ni Tito Venedict na kinakunot ng noo ko.

"Sinabi na ba ni daddy na bawal ko na siya makausap?" May inis na sambit ko na kinangiwi ni Tito Venedict dahilan para tapikin siya ni Tito Alcide.

"Walang sinabi si Cadmus pero hindi magandang idea na pumunta ka dito." Ani ni Tito Alcide.

Hindi ako umimik hanggang sa may naramdaman akong presensya na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Andito ako para sabihing tigilan na niya ang panggugulo samin ni Arkhon." May diin na sambit ko.

"Kung ayaw niyang mawala ang katiting na respeto ko sa kanya tigilan niya na ang pangingialam." Nagdidilim ang mukhang sambit ko bago hawakan si Arkhon at hilahin palabas.

"Cross!" Tawag ni Tito Alvis pero hindi ko na sila pinansin at lumabas na lang ng company.

'Kailangan ko makausap ang matandang yun as soon as possible.'

3rd Person's POV;
*Beep*

Napatingin si Cadmus sa phone niya ng makatanggap siya ng message kay Venedict.

Matapos damputin ang phone sa lamesa binuksan niya yun at binasa.

"Astrid." Bulong ni Cadmus bago sumandal ulit sa swivel chair at ibaba ang phone.

"Sa dami ng pagmamanahan ni Cross sayo bakit ang pagiging reckless mo pa?" Kalmadong tanong ni Cadmus bago humilig at tingnan ang litrato ni Astrid kasama ang batang si Cross na nasa ibabaw ng lamesa.

"Tuwing nakikita ko si Cross pakiramdam ko nakakulong ako sa isang kawa na punong puno ng karayom. Naaalala kita sa kanya at sobrang sakit nun sa side ko." Ani ni Cadmus na may malungkot na expression.

"Ito na ba ang tamang oras para sabihin ko lahat sa kanya? Malaman niya kung bakit natin ito ginagawa?"
---
"Mama!"

"Hey baby Cal, how are you sweety?" Tanong ng ginang matapos pumasok sa isang penthouse at salubungin ang walong taon na batang lalaki.

"Coco! What the fuck bumaba ka dyan!"
Napangiwi ang ginang matapos halikan sa pisngi ang anak na lalaki at mapatingin sa anak na babae na nakaupo sa hawakan ng hagdan at magpadausdos pababa.

"Catch daddy!" Sigaw ng batang babae na agad namang nasalo ng ama na ngayon ay gusot ang mukha.

"Coco ilang beses ko ba sasabihin sayo---."

"Hihi I love you daddy *mhua*mhua."
Napailing na lang ang ginang ng kusang lumambot ang expression ng lalaki ng halikan siya sa pisngi ng anak.

"Coco." Tawag ng ginang na kinalaki ng mata ng batang babae.

"Waah daddy hide me." Natawa ang lalaki ng sumiksik sa leeg niya ang anak matapos humakbang ang ina palapit sa kanila.

"How many times I'll tell you na wag mong parabigyan ng sakit sa ulo ang ama mo." Sermon ng ginang matapos siyang halikan sa labi ng lalaki.

"Mommy I'm just playing around here." Simangot ng batang babae.

"Hey sweety mabuti pa magpahinga ka muna mamaya mo na sermonan ang anak mo, nakapagluto na ako at pinaghanda na din kita ng ipapaligo mo sa bathroom." Ani ng lalaki na kinabuga ng hangin ng babae.

"Coco maguusap tayo mamaya." Ani ng ginang matapos halikan sa noo ang anak at maglakad pataas.
--
"Now I know kung bakit ako kinontak kanina ng kakambal ko." Ani ng lalaki matapos yakapin sa likod ang asawa.

"Pagagalitan mo ba ako o sasabihin na bawiin ko sinabi ng principa---."

"Nah medyo na frustrate lang naman si Cadmus dahil nangialam ka besides hindi ka naman niya mauutusan dahil andito ako." Putol ng lalaki.

"Galit siya?" Tanong ng ginang na kinailing ng lalaki.

"Wala naman siyang magagawa specially kung gusto mong tulungan si Cross. Kung sakaling may gawin siya alam niyang mangingialam ako at kahit papaano may karapatan din naman ako sa batang yun."

"Hindi ko alam kung anong pinaplano ng kakambal mo pero hindi ako papayag na walang aalalay sa batang yun na anak ng kaibigan ko. Malaki ang utang na loob ko kay Astrid at alam ko na hindi nagkataon lang na nakita ko si Cross." Ani ng ginang bago lingunin ang asawa na nakapatong ang baba sa balikat niya.

"Ayoko na sana mainvolve sa mga Acosta pero mukhang hindi sangayon ang tadhana, sa ayaw kasi at gusto ko pakiramdam ko kumukonekta pa din ako sa kanila."

The Devil's LullabyWhere stories live. Discover now