Chapter 2

20 4 0
                                    

Chapter Two

~

Haven's POV

"What the hell did you do?!" galit na tanong sakin ni Azrail pagkauwing-pagkauwi palang. 

"Nothing," bored kong sagot sa kaniya.

"Hindi ka made-detention kung wala kang ginawa Haven," singit naman ni Scarlett.

"Hindi ko rin naman kasalanan ang nangyari,"

"Eh, bakit mo pinatulan?!" Singhal ni Azrail sakin.

Wala talagang awat yang bibig niya!

"Eh, bakit mo ako sinisinghalan?!" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Balita ko sinapak mo raw yung kaklase mo," wika naman ni Scarlett.

"Kung hindi mo nalang kasi sila pinansin edi hindi ka na-detention," si Azrail.

"Kung hindi rin naman sila ang nauna ay hindi ko rin naman sila papatulan."

Halatang nainis na siya at padabog na lumabas ng kwarto pero di ko na siya binigyan ng pansin.

"Susundan ko lang siya."

Hindi rin siya nakatanggap ng tugon sakin kaya umalis nalang siya nang kusa.

Ngayon alam ko na na nakakasawa rin pala minsan ang ugali kong ito. Baka nga isang araw paggising ko wala na ang mga kaibigan ko dahil sa mga karantaduhang ginawa ko.

Humiga nalang ako sa kama at pinikit ang mata ko sabay nang pagkawala ng isang butil ng luha sa mata ko.

Kung sana alam niyo lang ang dahilan.....

Scarlett's POV

Sinundan ko si Azrail pero dahil sa bilis niyang maglakad ay kailangan ko pang suyurin ang buong bahay.

Hanggang sa nakita ko siya sa rooftop namin.

Nakacross-arm siya at malayo ang tingin halatang nainis siya kanina kay Haven at nagpipigil lang siyang may masabi siyang mali rito.

"Azrail," pagtawag ko.

Lumingon siya sa akin pero saglit lang at tumingin ulit siya sa harapan.

Sa totoo lang, hindi ko maitatangging pangit talaga ang ugali ni Haven pero katulad ko lang di naman siya kaya naiintindihan ko siya.

"Bakit ka umalis?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi niya kasi ako maintindihan eh! Nakakasawa na yung ugali niya eh! Ang punto ko lang naman ay nag-aalala ako sa kung ano man ang mangyari sa kaniya! Ayaw kong maulit ang ganun pero para siyang walang pakialam lagi," sunod-sunod niyang sabi at doon ko lang nakitang umiiyak na pala siya.

"Kilala mo si Haven, Azrail. Katulad nga nang sinabi niya hindi siya ang nauna," pa-explain ko.

"May naririnig akong awa sa kaniya kanina sa school dahil hindi naman talaga siya ang may gawa pero siya ang nasisi," dagdag ko at doon siya natigilan sa pag-iyak. "Okay lang na magalit ka sa kaniya, mainis ka sa kaniya pero isa lang ang pakiusap ko sayo Azrail. Di ako nangiusap sayo pero ngayon ang pakiusap ko sayo kahit anong mangyari wag mo siya susukuan."

Hinawakan ko siya sa kamay at doon siya napaiyak lalo kaya niyakap ko nalang siya.

"Bakit napakasama kong kaibigan?"

"Hindi ka masama. Nadala ka lang sa pag-aalala mo sa kaniya."

"Salamat, Scarlett. Magso-sorry nalang ako sa kaniya bukas para magkaayos na kami dahil hindi ako makatagal kapag nag-aaway-away tayong tatlo."

Gangsters Met The Badass Me (Bad Girl Tetralogy #1)Where stories live. Discover now