Chapter 3

16 2 0
                                    

Chapter Three

~

Haven's POV

Nandito ulit ako sa school dahil kakagaling ko lang sa bahay. Bumalik lang ako dahil ayokong maghinala ang dalawa sakin.

Nagpalit lang naman ako ng suot.

Nagsuot ako ng komportable para sakin. Naka-top ako habang naka-leggings dahil gusto ko lang.

Yun lang kasi ang nasa taas kaya yung nalang ang kinuha ko.

Nag-iwan din ako ng letter para sa dalawa kunwaring umalis muna ako para maglakad.

Nakarating na ako sa likod ng school at doon ko nakita kung sino ang naghihintay para sakin. At tama ang hinala kong pasabog nga ito.

Damn it! Hindi ako handa!

"She's here!"

Nagsilabasan na ang halos lagpas sa labing-limang tao mula sa kanilang pinagtataguan. Ang masaklap ay puro sila mga lalaki ay malalaki ang muscles na para bang sanay sa labanan.

Bullsh¡t! Damn it!

I cursed them from the top of my lungs. Kahit di naman nila sabihin ay alam kong ganti ito para sa ginawa ko sa reyna nilang mukha naman paa!

Maya-maya ay lumabas na rin sila Chesca pati ang dalawang babaeng kasama niya.

Binigyan ko lang sila ng malamig na tingin at nagcross-arm sa harap nila pero naririnig ko parin ang maririnig nilang ngisi at tawa.

Tawa sila nang tawa na para bang natutuwa sila na makita ako ngayon.

"Ano kailangan niyo?" malamya kong tanong sa kanila habang malamya ko rin silang tinignan.

May lumapit saking mga lalaki pero ni hindi ako gumalaw o umalis man lang sa pwesto ko dahil WALA akong pake sa kanila.

Bumaba na yung tatlo at siyempre leader nila si Chesca.

"Hmm.... Wala naman," sabi ni Chesca. "Pero gusto meron kami."

Tinapunan ko siya nang malamig na tingin at napahawak siya sa dibdib niya na para bang natakot kahit di naman talaga.

"Wag mo akong tingnan ng ganiyan. I'm so scared kasi," maarte niyang aniya.

"Anong bang gusto niyo?!"

Nagsisimula na akong mainis sa di maipaliwanag na dahilan. Inuubos nila yung oras ko eh!

"Gusto namin? Higanti," ani Chesca at ngumisi sakin kaya napataas ang isang kilay ko. "Get her, boys."

Pagkapitik palang ng kamay niya ay sumugod na ang iilang kalalakihan sa akin.

Damn it! Madami sila iisa lang ako!

Yung iba ay may hawak pang makakapal na kahoy.

May sumugod sa tagiliran ko kaya iyon muna ang nilapitan ko at deretsong sinipa sa mukha. Ang iba naman ay iniiwasan ang atake ko.

Iniiwasan ko rin ang bawat kahoy na hinahampas nila sa ere para tumama sakin.

Sinipa ko naman ang akmang tatama sa akin na kahoy pero pagkalingon na pagkalingon ko ay may bagong kahoy ang tumama sa mismong mukha ko dahilan para mahilo ako ng kaunti.

Sinubukan kong ibalanse ang sarili ko para hindi ako matumba ngunit bigo ako.

Damn it! Damn it! Damn it!

Napaluhod ako sa kawalan ngunit di ko hinayaang matumba ako sa halip ay ginawa kong alalay ang isa kong kamay para mapanatili akong nakaluhod lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangsters Met The Badass Me (Bad Girl Tetralogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon