Wedding Cake

15 8 0
                                    

---

"Ano ba Vince! Hindi ka pa ba pagod? Tangina, pagod na pagod na ako!" Sigaw ko at tinulak sya palayo sakin.

"Pagod na ako sayo, pagod na akong manlimos ng oras mo, pagod na ako manlimos ng atensyon at pag mamahal na galing sayo." Sambit ko at tuluyan nang umagos ang mga luha sa mata ko.

"Lagi nalang ganito, kung hindi dahil sa trabaho, dahil sa meeting, kung hindi dahil sa meeting, dahil sa family mo, kung hindi dahil sa family mo, dahil sa nga events na kailangan mong puntahan! Vince isingit mo naman ako sa oras mo!" Saad ko at napaupo sa sofa, tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak.

"Pagod na rin ako, pagod na pagod na ako Rhian, sobra. Pero kailanman di ako napagod sayo." Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya ang katagang yun, nabalot ng pagsisisi ang nararamdaman ko. Hindi ko dapat sinabi na pagod na ako sa kanya.

"Hindi mo kailangan manlimos ng pag mamahal ko Rhian, dahil lahat ng ginagawa ko para sayo." Umupo sya sa tabi ko at tumingin sa baba.

"H-how..how.. did you have the guts to tell me that you're already begging for my love..." Tumingin sya sakin habang ako's naka-harap sa kanya at nakatungo.

"..when in the first place you're the reason why i'm doing all of this.. para satin.. para sa future natin.. gusto kong ipakita sa pamilya mo na kaya kitang buhayin!" Saad nya, tumingin ako sa kanya at hinilamos nya ang kanyang kamay sa mukha.

"Rhian diba sabi ko sayo, 4 years, 4 years nalang, nakikiusap ako sayo, wag  mo kong iiwan, ikaw ang tahanan ko, ikaw ang pahinga ko. Hindi ko alam kung pano pa ako mag papatuloy pag nawala ka pa. Please, pag katapos ng 4 years I promise you, i'll give all of my time, my love, my attention, my everything to you. Please, just don't leave." Sambit nya at niyakap ako. Humagulgol ako sa balikat nya at niyakap sya pabalik.

Natawa nalang ako dahil sa alaala kong yun pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at pinanood mag subuan ng wedding cake si Vince at si April.

'Akala ko ba ako ang pahinga mo? Ako ang tahanan mo? Bakit sa ibang bahay ka ata umuwi..."

---

End

Random One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now