29

920 57 12
                                    

DESTINY YOON

Naalimpungatan ako nang gumalaw ang kama. Bumabangon na si Mingyu sa pagkakahiga.

Nang dumilat ako ay nakita ko siyang nakatingin sa akin. Inutil na lalaki ito, kahit may panis na laway saka muta sa mata ay ang pogi pa rin.

Nakapout niyang kinukuskos ang mga mata niya gamit ang kamay. "Good morning." bati niya.

Bumangon ako nang humihikab pa pero humiga rin ako ulit. Ang sakit ng ulo ko. Masyado pa naman kasing maaga ang six o'clock para sa aking nagigising ng 11 o'clock ng tanghali.

"Bumangon ka na, tulungan mo ako gumawa ng almusal." nag-inarte ako. Ayaw ko ngang kumilos!

"Masakit ulo ko." sabi ko.

"Talaga? Sige nga pukpokin nga natin" napaangat ako ng tingin sa kaniyang handa na akong konyatan habang nakahiga.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka bumangon na. "Hindi ako nagbibiro. Masakit talaga ang ulo ko." sabi ko nang makalabas na kami ng kwarto niya.

Inilapat niya ang palad niya sa noo ko at inilayo ang mga hibla ng buhok sa mukha ko. "Mainit ka nga. Pero testing pa rin natin kung masakit nga ulo mo" bigla niya akong kinaltukan. Umaray ako at saka siya hinampas.

May araw ba na hindi ko siya mahahampas!?

Tinulungan ko siyang magprepare ng breakfast ng dose niyang palamunin at saka nauna na rin kaming kumain. Masyadong masikip kung sabay-sabay pa kaming 14 na kakain dito sa kusina nila.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami sa sala. Nakaramdam ako na parang bumabaligtad ang sikmura ko kaya napahawak ako sa tyan ko.

Kinabahan ako. Anong nangyayari? Malalaglag ba ang baby ko?

"Bakit?" Tanong ni Mingyu.

Hindi ko na siya sinagot nang maramdaman kong naduduwal ako. Agad akong dumeretso sa banyo at nagsuka.

Napangiwi ako nang matapos akong magsuka. Sayang naman yung kinain ko para sa'yo baby! Ang sakit ng lalamunan ko.

Napalunok ako nang makita ko yung sinuka kong inaagos na ng gripo papuntang sinkhole. May dugo yung sinuka ko.

Familiar, ganito rin ako magsuka noong sa baby namin ni Minghao. Sa sobrang pagpapanic ko ay tinawag ko mula sa labas si Mingyu. "Mingyu!"

Pumasok siya sa banyo nang nakapamulsa pa. Humawak ako sa magkabila niyang balikat. "Kinakabahan ako" pag-amin ko na kinakunot ng noo niya.

"Nagsuka na naman ako. Huling suka ko noon, nalaglag yung baby ko. Paano?" nangingiyak kong tanong sa kaniya.

"'Wag kang magpanic. Morning sickness lang 'yan. Para mas makampante ka, magpacheck up tayo" mahinahon niyang sambit.

Kumalma naman ako. Nakaakbay siya sa akin nang lumabas kami sa banyo.

Nang nasa pinto na kami ay saktong dumaan si Dino kaya napahinto siya nang makita kaming dalawa ni Mingyu.

Napatakip pa siya ng bibig nang mapagtantong galing kami sa banyo.

"H-hoy mali 'yang iniisip mo---" natigil ang pagpapaliwanag ni Mingyu nang sumigaw nang pagkalakas-lakas si Dino.

"HYUNGGG!!!!!" Tumakbo siya sa kusina na parang dinosaur

Sinundan siya si Mingyu. Naparolyo nalang ako ng mata at saka umupo sa sofa. Masakit ang ulo ko.

"Totoo? Galing kayong dalawa ni Mingyu sa banyo!?" nabibiglang tanong ni kuya Jeonghan na may kagat-kagat pang tuyo.

"Sinamahan niya lang ako. Medyo sumakit kasi ulo ko" ngumisi si kuya sa akin nang nakakaloko.

"Sus. Diyan nagsimula sila mama 'di ba, sa banyo yiiii" binato ko siya ng throw pillow sa inis.

"Seryoso kasi kuya, masakit talaga ulo ko" minasahe ko ang sentido ko.

"Diyos ko pong mahabagin! Magkumpisal kayo ni Mingyu! Bakit kayo magkasama sa banyo? Ito magdasal ka ng sampung Aba Ginoong Maria, tatlong Ama Namin at isang Sumasampalataya" inabot sa akin ni Kuya Joshua yung dala niyang Rosaryo at prayer guide.

Napalunok ako. Parang nasusunog ang balat ko rito ah, char. Everyday routine ata ni Kuya Joshua ang magrosaryo tuwing alas sais ng umaga.

Lumapit si kuya Hoshi sa akin. Tinitignan pa rin yung damit ko. "Sabi nila Jeonghan hyung huhubarin mo rin 'to kagabi. Sinilip ko kayo ni Mingyu hindi naman. Hmp!" nagtaray siya sa akin. Wala akong ginagawang masama ah!

Ito namang si Kuya Jeonghan ang issue! Pati na rin itong si Dino na chismoso.  Hindi na nga ako ulit matutulog dito.

Pero ayos na rin, medyo nakalimutan ko na kung bakit ako natakot sa bahay nila Mingyu noon.

Sa totoo lang, gumagaan na talaga ang loob ko kay Mingyu. Sana ituloy-tuloy niya lang ang pag-aalaga niya. At sana bawasan niya ang pagkadugyot kaso baka mamana ng anak namin.






Daddy GyuWhere stories live. Discover now