Chapter 11

466 55 6
                                    

dedicated to: kartilyero

Isang araw ang nakalipas nang umilaw ang tattoo sa likod ni Sota; ngayon kay Keegan naman ang nagliwanag. Nainspect na ni Herm ang katawan ng Markis doon pa lang sa paliguan, bagamat hindi gano'n ka-thorough, kaya na-mindblown siya bakit hindi niya noon nakita ang tattoo ni Keegan sa likod-binti, ngayon lang nang tastasin ng huli ang pantalon at lumitaw ang animo'y red plasma sa hugis ng apoy.

Kung si Sota'y nakaramdam ng panunusok noong umilaw ang kanya, galak naman kay Keegan dahil sa wakas matuturuan na rin siya ng Batla. Inutusan pa nga ang huli na dagling hanapin sa mapa kung sa'n 'to matatagpuan, na siyang paikot-matang sinunod ni Herm pero kalauna'y napalitan ng paglagok. Pinabasa niya kay Sota ang nakasulat sa ilalim ng pulang ilaw.

"Sa bulkang Naya mo matatagpuan ang sandata mo." Binalik ni Sota kay Herm ang mapa.

"O, ano pa tinatayo niyo riyan?" Pagpag ni Keegan ang mga palad. "Puntahan na natin ang Naya."

Malapit lang sa dagat ang bulkan; hawig nito ang Mayon liban lang sa mas malaki ang bibig ng Naya. Hayahay siguro kung naimbento na rito ang zipline, pero dahil hindi pa, no choice ang lima kung 'di babain ang pampang at akyatin ang bulkan mula rito.

Saglit munang huminto ang lima para saksihan ang paglubog ng araw sa dagat bago dumiretso sa ga-covered court size na resto, open-air, at may mga bonggang pailaw. Ang mga lokal nakapang-Hawaiian. Pero kung pipili sila ng isang bagay para ilarawan ang lugar, walang duda - 'yong asul na bonfire sa buhanginan ang nasa top ng listahan.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang apoy." Si Tallise, pa-slow mo ang kurap.

"Gano'n?" Lumiyad si Herm. "'Yan ang kulay ng apoy kapag bagong bili ang gasul."

Naniko si Jahan. "Kaya mong magpalabas ng ganyan, Keegan?"

"Simula't sapul 'yong normal na kulay lang ng apoy ang napapalabas ko. Pero, ewan ko, tignan natin kung pagkatapos akong turuan ni Herm makapagpapalabas na rin ako ng ganyan."

"Hoy, disclaimer: Hindi ko ginagarantisang makapaglalabas ka ng blue fire," ani Herm bago tingalain ang papa ni Moana sa likod ng counter. Pero siyempre, char lang 'yon.

Ka-built kasi nito 'yong character sa binili ni Ate guy na pirated 12 in 1 movie sa bangketa. Si Abu ang manager ng resto at as usual, pinangunahan na naman ni Keegan ang pagri-reveal sa kanilang identity nang maka-libre sa food and drinks. Kung hindi siya nahihiya puwes si Herm, oo. Nilagyan pa man wari sila ng mga kwintas na violet and red orchids hindi naman pala sila makatutulong sa ekonomiya.

"Magkano ho pagkage for itinerary at volcano-climbing?" Kahit dito man lang sa area ng tourism kumita sila, sa isip ni Herm.

"Balak niyong akyatin ang bulkan?" tanong ni Abu (hindi Sayaff).

"Bukas ho sana," ani Tallise.

"Wala pang nagtangkang umakyat roon." Si Abu (hindi rin Dhabi)

"Naroon ang pagmamay-ari kong armas." sambit ni Keegan.

"Ang Markis ng Apoy." Tumango si Abu. Nagkaron na ng sense sa kanya kung bakit kahapon bigla na lang kumalam ang sikmura ng bulkan.

"Kayo ba ang nangangalaga ng armas ko? Puwes ibahin niyo 'ko rito." Tinuro ni Keegan ang Markis ng Hangin. "Wala akong gagawing kapalit para lang makuha 'yon."

"Wala kaming hinihinging kapalit liban lang sa magpalipas kayo rito ng gabi at makisaya sa amin."

"Ay bet! Party-party lang ganern!" Pumalakpak si Herm sabay sight sa surrounding kung may mahaharot na afam, tulad ng pagharot ni Ate Vi sa isang Caucasian noong nag-Puerto Gale ang mga bakla.

Batla (complete)Where stories live. Discover now