My Assassin Wife 2

6K 175 2
                                    


P.E. ang klase namin ngayong hapon kaya nasa locker room kaming lahat at nagbibihis. Swimming lessons namin kaya susuotin namin ang school prescribed na swimwear.

Nawala sa isip ko yung binagsakan ko kagabi kaya tinanggal ko lang yung uniform ko.

"Anong nangyari sa likod mo Olive?" Sky

Sheet!

Nakatingin na lahat sa akin.

"Aah ano. Alam niyo naman na may asawa ako diba? Uhmm.."

Ano bang gagawin ko!?!

"Oo alam namin." Karra

"Kasi uhmm you know gusto naming magspice things up. Nabitawan ako ni Martin kaya bumagsak ako nagkapasa yung likod ko. Hehe."

"Kkkkyyyaaaa" nagsigawan sa kilig ang mga fans.

Umirap ang mga bashers at nanguna sa kanila si Bea.

Nagbulungan silang tatlo pero hindi ko na pinansin.

Kailangan ko ng alibi. Baka kung anong isipin nila dito sa mga pasa ko.

Dumiretso na kami sa pool area after naming magbihis. 1 piece na may shorts na rash guard ang swim wear namin. May logo lang ng school.

Kinailangan kong ipacustomize yung akin dahil hindi kinaya ang dibdib ko.

Nasa left side ng pool ang mga lalake habang nasa right side kami.

May dalawa ding teacher. Isang babae sa amin at isang lalake sa kanila.

5 years ago may nalunod na estudyante sa field trip kaya simula nun lahat sa school ay required ng swimming class.

Marunong akong lumangoy dahil kailangan din ito sa trabaho ko pero sinusubukan kong magpaka low profile sa school kaya kunwari hindi ako marunong.

Tapos na kami sa floating. Arm pull na ang lesson namin.

Nagdicuss muna yung nga teacher tapos nagdemo sila.

Inayos ko na ang goggles ko bago ako bumaba ng swimming pool.

Kagabi ko pa iniisip paano ko kukunwariing hindi ako marunong mag arm pull.

Sa huli nagmukha akong robot sa ginagawa ko kaya natatawa yung mga kaklase ko.

Huling subject na namin to kaya naman hindi na kami nakauniform nang magbihis kami.

Pagpunta ko samay tapat ng building ay andun na yung tatlong hummer.

Palapit palang ako nang bumukas yung pinto at bumaba si Martin.

Naghiyawan ang mga tao nang makita siya. Nagkaroon tuloy ng crowd!

May pa minsan minsan kasi na sinusundo niya ako sa school.

Publicity nanaman!

Siyempre kailangan niyang ipakita na sweet siya sa asawa niya.

May hawak siyang boquet ng white roses. Inabot niya ito sa akin pagkalapit ko.

Isa sa mga kasunduan namin ay dapat game ako sa mga publicity gimik nila.

Tinanggap ko yung bulaklak at agad na ngumiti sa kanya.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid namin.

Binuksan na nung isang bodyguard yung pinto ng sasakyan.

Nauna na akong sumakay tapos sumunod na si Martin.

Heavily tinted ang mga sasakyan nila kaya naman agad kong binaba yung bulaklak pagkasara ng pinto.

Hindi kami nag-uusap. Nilabas niya na yung phone niya at naglaro ng games.

My Assassin Wife (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora