My Assassin Wife 6

4.2K 124 2
                                    


Busy ang lanat sa bahay.

Ngayon kasi ang delivery ng mga inorder nila Martin na ipapamigay sa mga families this Christmas. Dahil sabado naman at wala akong pasok ay tumutulong ako sa pagrepack.

Naimbitahan si Martin sa isang ribbon cutting event kaya wala siya ngayon.

Sila Maya ang kasama ko sa pagrerepack.

Buti nalang at bitbit niya si Charlie!

Lumapit bigla sakin si manang.

"Ma'am may bisita po kasi eh wala po si sir."

"Sino daw po?"

"Magtataho daw po."

"Magtataho?"

Tumayo ako st sumama kay manang hanggang sa unang gate.

Siya yung manong na binilhan namin ng taho nung birthday ni Martin.

"Ma'am magandang araw po. Wala si sir Martin?"

"Ay wala po siya manong. Bakit po?"

"Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Mayor. Isinugod ho kasi sa ospital ang misis ko. Nagkaroon kasi ng komplikasyon yung pagbubuntis niya. Kailangang ilabas bigla yung bata."

"Nako manong aah teka."

Ano bang gagawin ko!?!

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Martin kaso naka off yung phone niya.

Waaaahhh

"Ahm manong ganito nalang. Wala kong cash ngayon pero may credit card ako. Sasamahan kopo kayo sa ospital."

"Pero ma'am bilin ni sir Martin na.."

Siningitan ko yung guard.

"Emergency to! Ihanda niyo yung sasakyan."

"Pero ma'am."

"Ako na ang bahala kay Martin."

Wala na silang nagawa.

Sumakay na kami sa Hummer.

Kinwento ni manong yung nangyari. Halos mangiyak ngiyak na si manong sa pagkekwento.

Dumiretso kami sa emergency room. Ayaw pang papuntahin sa operating room yung misis ni manong dahil wala silang pang down.

Kumilos lang sila nang sinabi ko kung sino ako at na ako ang magbabayad nung downpayment.

Mabuti na lang at nakinig naman ang mga doctor kaya itinakbo na yung misis niya sa operating room.

Sa pagmamadali ko ay nakapambahay lang ako at wala akong suot na sumbrero o ano.

May ilan tuloy na nakakilala sa akin.

Hinarang sila nung mga guard pero dumadami na yung mga tao kayo pinatago nila ako sa nurse station.

Tinulungan ako ng isang nurse na maayos yung papers ni manong at para mabayaran na.

Actually si Martin ang nagbigay ng credit card ko.

Black card yun at walang limit.

Never ko namang ginamit.

Ngayon lang.

Una kong binayaran yung pinapadown payment na 20,000.

Kailangan ko nalang malaman yung magiging bill after ng operation at uuwi na ako.

Isang oras na ang nakalipas bago lumabas yung doctor. Lumapit kami ni manong sa kanya.

Nailabas na nila ang bata at buti naman ligtas pareho ang mag-ina.

My Assassin Wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon