Chapter 7- Grandma

4.5K 199 64
                                    

Athena's Point of View..

....

"Kuya.."

Nakatayo si kuya sa may gitna ng rooftop at may hawak syang picture. Nakangiti din sya sakin. May mga bulaklak pa sa paligid, may table pa at mga pagkain. Hindi ko alam yung gustong gawin ni kuya.

Picture pala namin yung kapit nya. Masaya kaming dalawa don. Kurot kurot nya yung ilong ko don tapos ako nakangiwi lang.

"Kuya, ano 'to" sabi ko.

"Hindi ka ba lalapit kay kuya" nung narinig ko yung boses ni kuya at sinabi nya pa na kuya ko sya, hindi ko na napigilan na mapaiyak. Nagkaniagra falls na naman sa mata ko. "Sorry.." sabi nya nung malapit na 'ko sa kanya. Niyapos ko lang sya, mahigpit, mahigpit na mahigpit!

"Kuya namiss kita.." bulong ko sa kanya. "Okay na tayo?" Sabi ko.

"Okay naman talaga tayo eh. OA lang si kuya mo kaya nagkaganito. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala ang baby sister ko" sabi nya. "Di ba sabi mo kahapon kung kelan kita ulit papansinin? Ngayon na yun, ready ka na ba?" Si kuya talaga.

"Kuya ikaw lang naman yung hinihintay ko eh" sabi ko.

"Sorry, kasi nawala si superman mo. Ako dapat nagtatanggol sayo eh. Pero napagtawanan pa kita. Sorry baby athena" ang panget, athena nalang dapat eh.

"Kuya Athena nalang!" Sabi ko.

"Basta baby.. baby ka namin eh" ginulo nya yung buhok ko. "Tama na ang iyak ha" sabi nya ulit.

"Ang arte mo kasi kuya,para kang babae.. may pagsnob ka pa dyan." Sabi ko.

"Hoy ikaw, kahit kaya magkagalit tayo sinusundan kita noh, kahit san ka magpunta." Wow touch naman ako don. All this time pala, ako lang yung inintindi ni kuya. Nagi-guilty tuloy ako sa mga sinabi ko kahapon sa kanya.

"Sorry kuya, dun sa mga nasabi ko sayo kahapon" sabi ko. Niyapos ko ulit sya.

"Ayos nga yun eh. Stupid ka kasi eh. Natauhan kaya ako don!" Sabi nya. Sabi na eh.

"Bati na tayo?" Tanong ko.

"Oo may superman ka na ulit" sabi ni kuya at itinaas pa yung isang kamay na parang si superman na lumilipad.

Ginulo ko bigla yung buhok ni kuya, "Kuya, kahit naman wala si superman eh. Tsaka kahit sino pang nandyan sa tabi ko, wala sila noh. Kasi basta may kuya ko okay na 'ko. Kaya kuya wag mo na ulit gagawin yun ha. Mamimiss kita eh." Sabi ko.

"Okay boss"

Pagkatapos namin magmoment ni kuya kumain na kami. Madilim na nung oras na yun kaya medyo maganda yung eksena namin ni kuya. Haha. Tapos sumayaw pa kami ni kuya. Baliw talaga sya eh. Kung ano ano pang ginawa namin. Naghabulan, kilitian, kwentuhan, asaran. Lahat nung mga usual na ginagawa namin ni kuya ay ginawa ulit namin. Namiss ko talaga sya. Sya lang daw talaga yung nagisip at nagayos ng lahay ng 'to, pero tinulungan din sya nila tito ed at tita ann. I was touched that he had spent his time for this to surprise me. And yes, he made it. He made me surprised! Love talaga 'ko ni kuya. He's the best kuya in town! Wahaha.

"Sweeeeet.." sabay na sabi nila tito at tita, bigla naman dumating sila tito at mga kinikilig pa. Wahaha. Nakakatuwa sila. "Pwede ba kaming sumali?" Sabi ni tito ed. Nagsayaw din sila.

"Kuya thank you." Sabi ko kay kuya.

"Kulang pa 'to sa mga pagkukulang ni kuya" sabi ko.

"Kuya, yung kasama kita at nakakausap, sobra sobra na yun" naluluha na naman ako, grabe wala bang pampatahan dyan!

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Where stories live. Discover now