Chapter 1

10 1 1
                                    

Genre: Teen Fiction/Romance

A fictional story about unexpected love, a right time to fall in love and a right place to be loved.

A love story that you'll never forget..


*****

DISCLAIMER!!!

Midnight Stars is fictional story.
Names, characters, places, plots and incidents either are the product are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, event or locales is entirely coincidental.

OST: Araw-Araw by Ben&Ben

© All Rights Reserved 2020

****

Pagdilat ng mga mata ko kulay itim kaagad ang aking nakita wala akong maaninag na kahit kaonting liwanag. Nasa isang kwarto ako na walang bintana.

Pinilit ko tumayo pero nakaramdam ako ng hapdi at kirot sa aking mga paa. Mukang napilayan yata ako.

Dahil nang hihina na ako at hindi maka tayo sumigaw ako ng sumigaw "tulong, tulongan niyo ako."

Pinipilit kong sumigaw pero parang walang nakakarinig sa akin.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng parang nanghihina na talaga ako, bigla akong nahilo at bigla na lang nawalan ng malay.

"Cassie, gising!"

Kaagad akong bumangon at tumingin sa paligid. Nasa kwarto ako ngayon at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng araw na tumatagos sa kortina ng aking bintana.

"Cassie, ano ba tutunganga ka na lang ba dyan? Malalate ka na." agad akong na patingin sa pintuan kung saan nakatayo si Mama.

"Ahh. O-okay po." sabi ko, naglakad naman ito papalapit sa akin.

"Ba't pawis na pawis ka? Naka on naman ang aircon mo ah." habang kinakapa ni mama ang basa kong damit sa likod. Hindi naman ako naka sagot agad.

"Osige, bilisan mo dyan at maghahanda na akong almusal." sabi ni mama sabay lakad nito palabas ng kwarto.

Grabe, naman yung panaginip ko nakakatakot para totoong totoo.

Dumiretso na kaagad ako sa banyo para maligo.

"Pagkatapos mo dyang kumain, paki ligpit na lang anak ha, Malalate na ako sa opisina." sabi ni mama, sabay halik sa noo ko.

Midnight Stars (Childhood Series #3)Where stories live. Discover now