Chapter 5

0 0 0
                                    


5 years ago....

Habang naglalakakad ako papuntang library may biglang bumangga sa akin.

"Aray..." sigaw ko ng napatumba ako sa lakas nang pagkabanga niya sa akin.

"Are you okay miss?" tanong nito saken. Habang naka yuko ako. Inangat ko naman ang tingin sa kanya.

"What do you think?" pagmamataray ko dahil medyo masakit ang pagkakatumba ko.

"I'm so sorry, nagmamadali kase ako." sabi nito at tinulongan niya akong makatayo.

"It's okay." sagot ko, habang pinapalpag ang palda ko.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic baka na pilayan ka?" pag-aalala nito.

"No, it's okay." sagot ko

"Are you sure?" tumango naman ako.

"Yeah." tipid kong sabi.

"By the way, I'm Lamier and you are?" tanong nito sabay lahad ng kamay niya.

"Cassie." nakipagkamayan naman ako sa kanya.

[School Bell Ring]

"Oh, I have to go." paalam ni Lamier.

"Sige." nginitian niya naman ako.

"See you around." sigaw nito habang naglalakad papalayo.

Kinabukasan habang naglalakad ako sa hallway may tumawag sa pangalan ko.

"Cassie!"

Napalingon naman ako sa likoran ko, nang makita ko si Lamier.

"Lamier?" sabi ko habang papalapit siya sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag." sabi nito habang hinahapo halatang tumakbo ito.

"Ah sorry, nagmamadali kase ako."

"Sabay na tayo tutal si Mrs. Perez naman first class mo." sabi nito habang naka ngiti.

"Paano mo nalaman na si Mrs. Perez ang Prof. ko?" tanong ko sa kanya.

"Sa kabilang class room lang ang room ko, lagi nga kitang nakikita." sabi nito.

Talaga? Stalker ko ba siya.

"Tara na!" sabi ko sa kanya sabay lakad naming dalawa.

Lagi kaming mag kasama ni Lamier, hindi nag tagal naging magkaibigan na rin kami. Siya ang parati kong kasama tuwing break time at sa tuwing may lakad ako, kapag weekend naman. Naging matalik na magkaibigan kaming since 4th year college.

Si Lark naman ay nabusy sa Soccer, way college days at tyaka we're not in the same department kaya hindi kami madalas magkita sa school.

Bastketball player si Lamier kaya minsan busy din siya tuwing may practice sila. Malapit na din kasi ang championship kaya todo practice ang bastketball team nila.

Habang naglalakad ako papuntang library dahil yun naman ang favorite tamabayan. Mahilig talaga kase ako magbasa ng libro. Nang may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako.

"Cassie."

"Mavy?"

Si Mavy pala isa siya sa mga ka team mate ni Lamier sa basketball medyo naging malapit din kami sa isa't-isa because of Lamier.

"For you." sabay abot niya ng paper bag.

"Ano to?" tanong ko sa kanya, habang hawak hawak ang paper bag na bigay nito.

"Open it." nakangiti nito sabi, napakunot naman ang noo ko at agad binuksan ko naman tinignan ang laman ng paper bag, agad kong nakita ang isang bilog na kulay itim na box.

Midnight Stars (Childhood Series #3)Where stories live. Discover now