Chapter 6

0 0 0
                                    


Pagkauwi ko sa bahay naabotan ko si Mama na nagluluto ng dinner. Lumapit naman ako sa kanya at binigay yung pasalubong ko sa kanya.

"Ano to?" tanong ni Mama habang hawak hawak ang paper bag na bigay ko.

"Just opened it, I know you will like it." sagot ko, kumunot naman ang noo nito at binuksan ang paper bag na bigay ko.

Nakita ko naman ang malapad na ngiti nito pagkakita niya sa laman ng paper bag.

"Pia-pia bread!." sigaw ni Mama sabay yakap sa akin.

"Alam ko kaseng favorite niyo yan tutal nang shopping naman ako, so I decided to buy some pasalubong for you." sabi ko.

"Thank you, anak."

"Wala yun ma, basta ikaw."

"Osige. Mag bihis kana muna, tapos maghahanda na ako para makakain na tayo." sabi ni Mama sabay pasok ulit sa Kitchen.

Dumiretso naman ako sa warto para ilagay ang mga pinamili ko at nagbihis narin. Pagkatapos kong magbihis bumaba na rin ako dahil medyo gutom na ako.

Nasa hagdan palang ako amoy na amoy ko na ang luto ni Mama.

"Mukhang masarap yan ha." sabi ko habang nasa hagdan pa lang.

"Halika na dito at tulungan mo akong mag ayos ng mga pagkain." sabi ni Mama.

Lumapit naman kaagad ako sa dinning table namin at napansin kong ang daming niluto ni Mama.

"Ma, ba't ang dami niyo yatang niluto?" tumingin naman ito sa akin at nginitian lang ako.

"May bisita kase tayo." sagot nito, napakunot naman ang noo ko.

"Bisita? Sino naman?" tanong ko.

[Door Bell Ring]

"Oh, andyan na pala sila e." sabi ni mama sabay lakad papuntang pintuan.

Sinundan ko naman ng tingin si Mama, pagbukas nito ng pinto kaagad kong narinig ang boses ng isang babae. Sinilip ko naman kong sino kausap ni Mama.

Kaso hindi ko masyado makita ito dahil hindi pa pala ito naka pasok ng bahay, bigla naman akong tinawag ni Mama. Kaagad naman akong lumapit kay Mama, pagdating ko sa pintuan nakita ko naman ang isang babae na kasing edad lang Mama, maganda ito at galanteng tignan.

"Cassie, this is your Tita Thania." pakilala ni Mama sa babae, nginitian naman ako neto.

"Hi, so you're Cassie, the only daughter." sabi ng babae sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya dahil medyo nahihiya ako.

"Ganyan talaga yang anak ko mahiyain." sabi ni Mama kay Tita Thania at tumingin naman ako sa kanya.

"Halika pasok ka."

Pag dating namin sa loob agad naman silang dumiretso sa sala.

Iniwan ko muna silang dalawa habang nag-uusap habang ako naman ay pumunta sa dinning area. Nang marinig kong tawagin ulit ako ni Mama.

"Cassie."

Pagkalapit ko sa kanila agad naman ako umupo sa katapat nilang dalawa na sofa.

"Hello po, Tita Thania."

"Hello din iha, Nia na lang." nakangiti nitong sabi.

"Ilang taon ka na?" tanong ni Tita Thania sa akin.

"23 po." sagot ko.

"May boyfriend ka na?"

"Wala pa po." sagot ko.

Midnight Stars (Childhood Series #3)Where stories live. Discover now