F I R S T (150305)

2.8K 23 2
                                    

x/n: Welcome to Chapter 1! This chapter is dedicated kay JamilleFumah for inspiring me (= SALAMAT!

-

(Revised)

Chapter 1

Mishy's

"Mommy, please don't do this." mangiyak-ngiyak kong pakiusap kay mommy habang pilit na kumakawala sa paghawak niya sa pulso ko.

Hinarap niya ako't pinunasan ang mga luha na bumabagsak sa pisngi ko. "Para naman may kwenta ka sa mundong ito, ayaw mo ba 'non? Your dad, sister and I will be proud of you." malambing niyang sabi pero alam kong she's being sarcastic.

Umiling ako sa kanya. "Mommy, hindi ito yung way na gusto kong maging proud kayo sakin."

"In what way Mishy? Sa mga tanso at papel na natatanggap mo? Di bale kung naibebenta ko ang mga tanso diba? Kaso hindi! Malapit ng maubos ang pondo natin, kailangan mo ng kumayod ulit!"

"Pero mommy bata pa ako! Mayaman na tayo!"

"But it's not enough and will never be enough!" sigaw niya sakin.

Enough. Pano'ng magiging enough yun kung patuloy silang gumagasto at nagca-casino? Tinatalo lang nila ang mga perang pinaghirapan ko.

Tinuloy na ni mommy ang pagkaladkad sa akin at tumigil kami sa isang kwarto.

"Ito yung kwarto, entertain him okay? Strip if he wants to. Just do whatever he say." tinulak-tulak na ako ni mommy sa pinto para kumatok at sinenyasan niya ako ng 'Go' signal pero umiling lang ako.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang door knob, "I'm sorry, mommy." mahinang usal ko at nagtatakbo ng mabilis papuntang elevator.

Narinig ko na lang ang galit na sigaw ni mommy pero I didn't mind.

"WAIT LANG!" sigaw ko at pinigilan ang pagsara ng elevator gamit ang braso ko. Napangiwi ako bigla nang maramdaman ko yung sakit. Himas-himas ko ang braso ko nang pumasok ako sa elevator.

"Pakipindot naman yung Ground floor, salamat." pakiusap ko pero hindi niya pinipindot. Ahh, okay?

Tumingin ako sa katabi ko at doon ko lang napansin na kaming dalawa lang pala ang tao dito. "Mister, pakipindot nung ground floor, yung letter G button." paglinaw ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako at doon ko lang nakita na ooh lala, ang gwapo?

"May kamay ka, bakit di mo gamitin?" napaismid naman ako sa kasungitan niya.

Hindi niya ba nakita na yung isa kong braso ay muntikan ng maipit tas gamit yung isang free hand, hinihimas ko ito? Anong gagamitin ko?

Gwapo sana, masungit lang. Akala ko pa naman lahat ng biniyayaan ng gwapo ay mababait kasi syempre sobra yung pasasalamat nila. May mga demonyong gwapo pala talaga.

Ang kinis ng mukha na tila hindi tinutubuan ng pimples ni hindi rin naglalangis. Ang pupula ng labi na tila lagi itong nilalagyan ng lipstick! Ang tangos ng ilong at sigurado ako na lagi itong pinipingot ng kanyang magulang noong siya'y bata pa. At ang mga mata! Jusko nakaka-hypnotize. Haaaaay.

"It's rude to stare." napa-iwas naman agad ako ng tingin. Okay, nakakahiya.

Hindi na lang ako umimik at kusang lumapit doon sa may pindutan nang bigla niyang pindutin ang letter G. Putris din 'tong lalaking 'to diba?

"Bakit mo pinindot?" inis kong tanong. Kumibit-balikat lang siya sakin. "Wala naman akong sinasabing hindi ko pipindutin diba?" tamad na wika niya.

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now