1: Sky Kingdom

165 4 0
                                    

Word Count: 1206
19** Sky Kingdom

Sa isang malayong lugar na tago sa kabihasnan, isang napakagandang kaharian ang iyong matagpuan. Ang paligid ay punong-puno ng iba't ibang kulay na tila nagsisilbing daluyan ng hangin. Kumikinang din ang paligid dahil sa mga nilalang na tinatawag na pixie ang siyang lumilipad sa paligid. Kumikinang ang kanilang mga pakpak kaya kahit gabi ay maliwanag pa rin ang paligid.

Ang kahariang ito ay nakatayo sa isang malaking-malaking tipak ng bato. Ang batong ito ay nakalutang sa langit na pinalulutang ng enerhiya mula sa kapaligiran. Ang tawag sa enerhiyang ito ay Nature Energy.

Sa taas ng patag na bato na ito ay mapapansin kaagad ang mataas na tatlong magkakatabing bundok na tinatawag na Mountain of Abundance Energy dahil narito ang lugar na may pinakamayaman sa Enerhiyang kanilang kailangan upang mabuhay.

Sa palibot ng patag na bato ay ang napakataas na pader na umaabot sa 150 km ang taas at 5 km ang kapal. Mayroon itong apat na Main Gate, sa North, South, East, at West na may 150 meters ang taas at 50 meters ang lapad bawat gate.

Mayroon din itong 4 Secondary Gate ang North-East, South-East, North-West, at South-West. Mayroon naman itong 50 meter taas at 10 meters ang lapad.

Ang Tertiary gate na nasa pagitan ng primary at secondary gates. Mayroon lamang itong 5 meters na taas at 3 meters na lapad. Bawat gate ay binabantayan ng mga taong tinatawag na Knights.

Bago ka makapasok sa loob ng kahariang ito, kailangan mong dumaan sa Security Stage.

Una, ang paglalagay ng iyong personal informartion sa isang logbook. Kabilang dito ang time in at time out, pangalan, contact numbers, pinanggalingang lugar, at permission pass katulad ng passport. Saka kailangan nilang magpakita ng Valid ID na kayang tingnan ng system. Nakakunekta sa main system ang security na nasa gate upang malaman kung valid nga ba ang ID o hindi.

Ang pangalawang security measure ay ang body scanning. Kahit ang loob ng katawan ng taong ito at kayang i-scan upang walang makaligtas na kahit anong pinagbabawal.

At ang pangatlo ay ang mind Scanning. Hindi na sinasabi ito ng mga tagabantay sa mga dumadaan dahil kasabay din ito ng body scanning. Titingnan lang ng system ang waves ng utak ng taong nasa scanning kung mayroon itong malicious intent o wala.

Pinahigpitan ang seguridad sa lugar na ito dahil sa pangyayaring bumago sa kanilang buhay. Malapit ang Kaharian sa East Gate kaya ito ang may pinakamahigpit na seguridad. Malapit naman sa East Gate ang Mountain of Abundance Energy na nakabakod. May katamtaman itong taas ng bakod. May taas na 5 meters pero punong-puno ng seals upang mapigilan ang pagpasok ng mga tao.

Isa na dito ang Rank A Seal na anti-intruder seal. Inililigaw nito ang kung sino mang magtangkang pumasok, lalo na ang mga walang permisong pumasok. Sa East Gate may pinakakaunting tao ang pumapasok pero hindi ibig sabihin nito na hindi mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad dito. Sa Central part ng Teritoryong ito ay ang Academy kung saan nag-aaral ang mga tao sa pakikipaglaban at pagamit ng kanilang kapangyarihan. Pinapalibutan ito ng pader kung saan sa labas nito ay ang Four Market. Ang North Market, kung saan madalas mong makikita ang mga Sandata.

Ang East Market kung saan naroon ang entertainment Market. Ang South Market kung saan magkasamang makikita ang mga kagamitan sa Sealing Technique, at Potion. Ang West Market kung saan naroroon ang mga Training Equipment at mga Armors, gear, pati ang mga defense items na maaari momg magamit upang maprotektahan ang iyong sarili.

Ang Central Part ng kanilang teritoryo ay pinapalibutan ng mga taong nakatira sa kaharian. Nasa loob ito ng malaking bilog na may pader ding nakapalibot.

May apat na Main Hospital sa kanilang Kaharian. Nakalabas ito sa bilog na tinitirhan ng mga tao. Ang Yellow Hospital na malapit sa North-East Gate. Ang Orange Hospital na malapit sa South-East Gate. Ang Red Hospital na nasa South-West Gate malapit. Ang panghuli ay ang Violet Hospital na nasa North-West Gate malapit.

Sa pagitan ng Yellow at Orange Hospital ay ang Noble's Subdivision kung saan nakatira ang mga pinakamayayamang pamilya at mga opisyales.

Sa pagitan ng Yellow at Violet Hospital ay ang Orphan's Subdivision. Naririto ang mga taong wala ng magulang at ilang mga orphanage. Dito mo rin makikita ang mga pinakamasisipag na tao sa kanilang teritoryo.

Sa pagitan ng Orange at Red Hospitals ay ang Departamental Subsivision. Nandirito ang lahat ng mga departments ng Kaharian. Katulad ng Department of Foreign Affairs, Intellegence Department, Transportation Department, Warrior Department, Knight Department, Revenue Department at iba pang mga department. May ilang Department sa kaharian ang may subdivision katulad ng Intellegence Department na may Analysis Division, Torture Division, Technologial Division Monitorial Division, at iba pa.

Sinisigurado ng Sky Kingdom ang pagiging organisado ng sistemang kanilang pinapatupad. Isang Military Dictatorship ang pinapairal sa lugar na ito, kung saan tinatawag na Hari ang namumuno.

Ang Hari lamang ang may kapangyarihang magdikta ng kung ano ang kanilang gagawin. Pagkatapos ng Hari, ang sumunod na pinakamalakas na posisyon ay ang Shadow Commander. Ito ang pinuno ng pinakamataas na ranggo sa kanilangang kaharian, ang mga Shadows. Sila ang pinakamalalakas ngunit pinakatagong mga tao sa kanilang Teritoryo. Madalas magtrabaho ang mga ito sa dilim at sa pinakatahimik na paraan.

Ang sumunod ay ang Warrior Commander. Kadalasan, ang mga may ranggo nito ay nahahati sa dalawa. Ang mga regular na Warrior na kumukuha ng misyon sa labas ng kanilang Teritoryo at ang mga Warrior na nagtuturo sa mga bagong labas na Hopefuls.

Ang sumunod na posisyon ay ang Knight Commander. Siya ang pinuno ng mga Knight, ang pangalawang ranggo, kadalasang nagbibigay assistance sa mga departamento, kumukuha sa mga Middle Class Missions, at ang kadalasang gumagawa ng trabaho sa loob ng kaharian.

Ang panghuli ay ang Hopefuls Commander, siya ang pinuno ng mga Taong kaka-graduate lang sa Academy. Siya ang nagdidikta kung saang grupo ba mapupunta ang mga Hopefuls at kung sino ang Warrior na magtuturo sa kanila.

Pagkatapos ng apat na Commander Position, ang Konseho ang susunod na may pinakamataas na posisyon sa Kaharian. Nahahati ito sa tatlong uri ng konseho.

Ang High Council kung saan binubuo ito ang mga Department Head and Representative na may kinalaman sa Military Department; Shadow Department Representative, Warrior Department Representative, Knight Department Representative, at Hopefuls Department Representative. Weapon Department Head, Intelligence Department Head, Academy Department Head, at Clan Heads.

Ang Middle Council na binubuo ng mga Departamentong wala o minimal ang kinalaman sa Military Affairs; Foreign Affairs Department Head, Revenue Department Head, Transportation Department at iba pa.

At ang panghuli, ang Low Council, binubuo naman ito ng Civilian Council. Lahat ng may kinalaman sa Civilian Side, nandito ang mga iyon.

Medyo malamig ang klima sa kanilang teritoryo lalo na't napapalibutan sila ng mga ulap. Idagdag pa ang filter Seals na nakalagay sa kanilang buong lupain. Sinasala nito ang init na nangagaling sa araw upang maging kuryente ng mga tao sa kanilang kaharian. mababawasan din ang init na pumapasok sa Kaharian kaya kaylan man ay naging komportable sila sa bawat Season na dumarating sa kanilang lupain.

Bawat tao ay may pixie na magiging Kapareho simula pagkabata. Ang mga Pixies ang pipili sa iyo kung karapat-dapat kang maging amo.

Mukha mang perpekto ang lugar na ito, pero sa loob ng kahariang ito, ang ang madilim na katotohanan pilit nilang pinagtatakpan...

Isa lamang ang kahariang ito sa bumubuo ng Haima.

--*--

It will only be a preview for the mean time. Since Rebirth Series #3 is still not yet finish. There will be only three part available.

-Violet

Samara's ChronicleWhere stories live. Discover now