2: Genesis Of Chaos

96 4 2
                                    

Word Counts: 1216
July 7, 19**
Sky Kingdom
7:30 pm

Sa isang tahimik na gabi na naman ang lumilipas. Gabi man, hindi pa rin maitatanggi ang masiglang gabi ng lahat.

Maliwanag pa rin ang paligid lalo na sa Four Market, partikular sa East Market dahil punong-puno ito ng mga mapapag-aliwan. Katamtaman lamang ang lamig ng gabi at makikita mo ito sa paraan ng kanilang pananamit.

May mga taong piniling magsuot ng tradisyunal na kasuotan. Katulad ng mga mahahabng damit na tinatawag na Violaceae. Hango ito sa isang halaman na kulay lila.

Ang tradisyunal na kasuotan na ito sa babae may mahabang palda na aabot hanggang ilalim ng tuhod. Kapag umikot ang may suot ay tila nagiging imahe ng bulaklak ang kanilang palda mula sa pagtingin sa taas. Ang palda ay may habi ng malaking bulaklak at may mga detalyadong embroidery na lumilinya sa detalye ng malaking bulaklak gamit ang mga bids. Ang sa itaas na bahagi nito ay ang isang longsleeve na nilagyan ng palawit na mahabang tela mula sa unahan ng butas hanggang siko. May apat na butones sa gilid nito dahil ito ang nagkukunekta sa damit para masarado. May desensyo ito ng paalon-alon na bids na simbulo ng hanging sumasayaw. Ang kulay ng mga tela na ito ay kulay Lila na isa rin sa dahilan kung bakit ito tinawag na Violaceae.

Sa lalaki naman ay T-Shirt na may desenyong tangkay ng bulaklak at see Through Long Sleeve Polo na may desenyong maliliit na ulap, sunod-sunod ito paibaba at nakahilera ito sa mga botones.

Marami ang nagtatawanan sa paligid, nagsasaya, may ilan ding namimili, pumapasok sa mga tindahan, nagtitingin-tingin, kumakain, o kahit ang iba na nananatili sa kanilang mga bahay at ginagawa ang tipikal nilang gawain.

Sa Ilalim ng kaharian naman, ay may masayang pangyayari sa kanilang buhay, ang pagdating ng munting prinsesa ng Royal Family. Nasa loob ng Emergency Room ang Reynang si Alisha Sandra Guirine-Pemscoth. Ang isa sa pinakamalakas na babaeng tumapak sa kanilang lupain.

Nanganganak ito sa ilalim ng Royal Doctor. Ang Reyna ay may hanggang bewang ang haba ng kanyang buhok. Kulay Sky Blue ito at may clip sa gilid na kulay Yellow. Punong-puno ang kanyang mukha ng pawis habang nagluluha ang kanyang kulay Violet na mata. Bilugan at medyo maliit ang kanyang mata, mahahaba ang pilit-mata nito na tila nilagyan ito ng extention. Manipis lamang ang kilay nito na medyo deretso. Medyo mamula-mula rin ang kanyang pisngi kahit wala itong make-up. Ang hulma ng kanyang mukha ay medyo patulis at maliit na nakadagdag sa kanyang kagandahan. Ang ilong nitong matangos at ang natural na nose line. Isama pa ang kanyang manipis na labi at ang pagiging narutal na mapula nito. Nakasuot ito ng Hospital Gown at sumisigaw dulot ng pag-ire.

Habang ang Hari ng Sky Kingdom na may kapareho rin nf kulay ng mata at buhok sa kanyang asawa ngunit bilugan ang hulma ng kanyang mukha. Manipis ang pilik mata nito at makapal ang kanyang kilay. Matangos din ang ilong nito at naka-clean cut ang kanyang buhok. Ang mata nitong medyo matalas ang dulo pero medyo bilugan pa rin. Medyo nangingig ang mga kamay ng hari sa pangamba para sa asawa. Ang Haring ito ay walang iba kung hindi Ashten Gavin Pemscoth. 

Ang dalawang kambal na Prinsepe naman na may parehong mukha sa kanilang magulang. Isa silang perpektong pagkahalo mula sa Ina at Ama. Mula sa bilugang mata, makapal na kilay at may katamtamang kapal ng pilik-mata. Ang natural nitong nose line kasama ang manipis at mapula nilang mga labi.

Tahimik silang naka-upo at naghihintay ng kung ano ang nangyari sa kanilang Ama. Ang isa sa kanila ay may salamin na walang iba kung hindi si Onicx Klove Pemscoth.

Seryoso ang mukha nito at kalmado. Ang mata nitong kulay Violet at tila gumagawa ng kalkulasyon. Kabaligtaran naman nito ang kambal na kapatid dahil halata ang kaba sa kanyang Gwapong mukha. Mas makalabas ang kanyang emosyon kaysa Kay Onicx. Ito ay walang iba kung hindi si Aaron Klove Pemscoth.

--*--

8:54 pm

Habang may masayang pangyayari sa kaharian, ang hindi alam ng lahat, ay may isang  nilalang ang nakapasok gamit ang portal. Mula sa maliit na bilog, lumaki ito at nagpalakas ng hangin kung saan ito na buo. Sa pwesto ng taong ito, makikita ang malaking pader na nakaikot sa loob ng Civilian Lair. Ngumisi pa ito sa ilalim ng kanyang maskara bago ginawa ang kanyang plano.

Naramdaman ito ng mga Warriors at Shadows kaya mabilis silang nag-report sa kani-kanilang Commander. Mabilis din naman itong nakarating sa Hari na ngayon ay nasa kwarto na ng kanyang asawa na kakatapos lang manganak.

"Aalis ka ba, mahal ko?" Nag-aalalang tanong ng kanyang asawa na si Alisha.

"Mahal, responsibilidad ko ang kaharian. Kailangan kong protektahan ang Sky Kingdom," determinadong saad ni Ashten.

"Sasama kami, Ama," kalmadong saad ni Onicx.

"Tama si, Kuya Onicx. Hindi naman pwedeng kayo lang ang magsaya," biglang ngumisi si Aaron at nagpatunog ng kanyang kamay.

Isang malakas na ungol ng isang dragon ang bigla nilang narinig. Kamuntikan pa silang matumba dahil sa shock waves ng ungol nito.

"A-ano 'y-yun?" Gulat na tanong ni Aaron.

"Kung ungol 'yun ng dragon, malamang ay isa 'yun sa Yokai Mystic Animal, ang Azure Dragon," kalmadong saad ni Onicx habang ina-adjust niya ang salamin na suot.

"Azure Dragon?" Takang tanong ni Aaron.

"Seriously? Did you ever listen to our Professor's lecture?" Hindi makapaniwalang tanong ni Onicx sa kapatid.

"Ang boring makinig sa kanila. Saka para saan ba ang history na 'yan? Hindi naman mapapakibabangan 'yan sa labanan. Mas maganda ang lecture tungkol sa physical Combat!" Depensa ni Aaron kasabay ng pagsuntok-suntok nito sa hangin. Bumuntong ng hininga si Onicx at napailing na lang.

"Tama na 'yang usapan niyo. Maghanda na kayo," natatawang sabi ng kanilang Ama. Kambal man ang kanilang anak, hindi maikakaila na magkaiba sila ng ugali.

Pareho namang tumango ang dalawa at biglang naglaho na parang bula.

--*--

Ang kaninang masaya at masiglang lugar ng Civilian Lair, ngayon ay puno na ito ng takot, sigawan. Ang mga bahay ay natutupok ng kulay Violet na apoy. Marami ka ng makikitang mga sirang sasakyan at bahay. Kahit mga patay na nakahandusay dahil sa pag-atake ng isang malaking Dragon.

Ang Azure Dragon na kasama sa limang Yokai Mystic Animals. Galit ang mata nito at bumubuga ng kulay Violet na apoy sa kung saan-saan lamang. Wala itong pakialam kung sino man ang matamaan ng kanyang apoy.

May mga Warrior na nagpapalabas ng kanilang elemento upang mapahina man lang ang Azure Dragon. Pero kasing tigas ng pinakamatibay na bato ang balat nito.

Ang asul nitong balat na medyo kulubot na. Ang dalawa nitong malaking tenga at isang sungay sa kanyang noo. Isama pa ang malaki nitong pakpak na lumilikha ng malakas na hangin kaya nahihirapan ang ilang sibilyan na makaalis sa kanilang lugar.

Takot at pangamba ang kanilang nararamdaman ngayon. May ilan ding nawawala at ilang umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanilang kasamahan o mahal sa buhay.

Lumalapag sa mga bahay-bahay ang Azure Dragon habang bumubuga ito ng kulay Violet na apoy. Dahil sa kanyang ginagawa, maraming bahay ang nasisira o mga sasakyan sa kanyang dinaanan.

Hindi lang sibilyan ang namamatay, kung hindi pati mga Elementalist.

--*--

It will only be a preview for the mean time. Since Rebirth Series #3 is still not yet finish. There will be only three part available.

-Violet

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 31, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Samara's ChronicleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang