CHAPTER FOURTEEN

109 34 6
                                    


SAMANTHA'S POV

"Ghhaaadd Samantha! Look at that guy on the stage!" malakas na tawag sakin ni Lana. "Ang laki ng ano." pagpapatuloy pa ni Lana. 

Natatawa namang napatingin si Sandy sa itinuro ni Lana.  Akma akong lilingon sa itinuturo nito ng biglang humarang si Lucas sa harap ko na magkakrus pa ang mga braso.

"Omyghadd Sam! This guy is really a blessing to women!" muling sigaw ni Lana.  Seryosong tumingin sa akin si Lucas habang magkasalubong ang mga kilay nito. Napakunot ang noo ko sa sobrang irita at napasandal ako sa upuan ko.

"Tss. KJ." inis na sambit ko. "Titingin lang ehh."nakangusong pagdadahilan ko kay Lucas.

 Muling naupo sa harap ko si Lucas at hindi inalis ang tingin sa akin. Inabot ko ang bote ng alak sa tabi nito at dire-diretsong tinugga ang laman nito. 

Napapangiwi akong uminom dito. Ramdam ko ang guhit ng alak sa lalamunan ko. Naging mas maingay pa ang lugar ng lumalim ang gabi. 

May iilang lalaki ang lumalapit sa table namin at makailang beses ko din tinangkang tignan ang mga ito ngunit sa  kada sulyap ko sa mga ito ay siyang palakpak ni Lucas sa harap ko hudyat ng pagbabanta niya sa akin. 

Napaikot ang dalawang mata ko sa inis na nararamdaman kay Lucas. Muli kong tinugga ang bote ng alak at napapapikit akong dinama ang pait ng lasa nito. 

"S-sam." rinig kong tawag ni Lucas sa akin. Napalingon ako dito at hindi ito mapakali sa kinauupuan. 

Hawak-hawak ni Lucas ang sariling dibdib at tila nahihirapang huminga. Nakusot ko ang mga mata ko ng bigla itong lumabo sa paningin ko.

"Lasing na ba ako? Bakit parang lumalabo ka sa paningin ko?" tanong ko kay Lucas. Makailang ulit ko pang kinusot ang mga mata ko habang nanatili pa ding nakahawak sa sariling didbdib si Lucas.

Napakislot ako ng maramdaman ko ang pagba-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Agad ko itong kinuha at sinilip kung sino ang tumatawag.

"Lily?" mahinang bulong ko. Sumenyas naman ako kina Lana na lalabas muna ako saglit ng Bar.

Nang makalabas ay agad kong sinagot ang tawag ni Lily.

"Yes Lily?" 

"Ms.Samantha. Si Sir Lucas po." nanginginig na boses ni Lily sa kabilang linya. 

Nakaramdam ako ng kaba at takot sa maaaring mangyari kay Lucas. Muli akong bumalik sa loob ng bar upang magpaalam kina Lana at Sandy. Nag-aalala kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar upang hanapin si Lucas ngunit hindi ko ito makita. 

Daglian akong lumabas ng bar at naghanap ng taxi. Wala pang isang oras ay nakarating ako sa ospital kung saan naka-confine ang katawan ni Lucas. Agad akong dumiretso sa kwarto ni Lucas at nadatnan ko si Lily na nakaupo sa labas at tila hinihintay ako.

"Lily!" malakas na tawag ko dito. Napalingon naman ito sa gawi ko at nagmadaling lumapit sa akin.

"Ms.Samantha." tawag nito sa akin bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ko dito. 

"Kakatapos ko lang pong kumain at papasok na ako sa room ni Sir Lucas nang bigla tumunog yung machine na nakakabit sa kanya. Hanggang ngayon po ay hindi pa lumalabas yung mga doktor." paglalahad nito. 

Abot-abot ang kabang nararamdaman ko halos nawala na ang pagkaliyo ko sa alak sa sobrang pag-aalala.

"Where his parents?" tanong ko kay Lily. 

The Sky Above Us (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora