Kababaihan sa Tatlong Panahon

17 2 0
                                    

KAHAPON....
Babaeng tila sisidlan at siyang tanggapan
nang lahat ng pasakit at kahirapan
mula sa malakas na walang ibang alam
kun’di ikaw ay gawing tila asong sunod-sunuran.
Babaeng salat sa kakayahan at kaalaman
Ni hindi kayang lumaban
Ni hindi kayang bigkasin ang kanyang karapatan
Ikaw ang kababaihan ng kahapon.

NGAYON....
Babaeng bukas sa lahat ng hamon
maging ito'y lagpas sa kanyang limitasyon
mula sa hagupit ng buhay na walang ibang alam
kun'di ikaw ay hamunin at paglaruan.
Babaeng bukas-palad sa lahat ng kaalaman
babaeng patuloy na naghahabi ng ideya upang matutunan
lahat ng bagay na noon ay para lang sa kalalakihan
Ngayon marami ng napatunayan.

BUKAS....
Babaeng kapantay na ng kalalakihan sa kakayaha’t karapatan
Babaeng kayang isigaw ang kanyang karapatan
Babaeng tila may kapangyarihang pasunurin ang karamihan
Babaeng kilala ng sangkatauhan.
Bilang mamamayan na may kakayahan
at marami pang kayang patunayan
Ngunit hindi nakakalimutan
na puso ang kanyang puhunan.

Koleksyon ng TulaWhere stories live. Discover now