Magulo. Maingay.
Ang dating payapang lugar at siyang nagbibigay kulay
Lugar kung saan ang karamiha’y kumukuha ng lakas
Lugar na dati’y walang makakapantay
Ni paraiso’y walang binatbat
Ngunit, na saan na ngayon ang dating lugar
Na walang kupas, sa pagbibigay ng tawa at lakas.
Nasaan na ang lugar na maituturing mong langit
Bakit tila wala na ang bakas?
Nang dating lugar na mapayapa at puno ng pagmamahal.
Ngayon ay nasaan?
Hindi ko na alam.
Ako ba ang naligaw?
O talagang naglaho na lamang ang bakas ng dating tinuturing kong TAHANAN!
Ewan, hindi ko rin alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/243614965-288-k169681.jpg)
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng Tula
PoetryKoleksyon ng mga tula patungkol sa iba't ibang aspekto ng buhay at isyu sa lipunan.