Chapter 1

5 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, and incidents are either the product of Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

@Jeiara
_______

Claudette's Pov.

"I do." sambit ni Hugh habang nakangiti. Nagmistulang ulan ang mga luha ko sa tuloy tuloy na pagbagsak.

Nang matapos ang kasalan ay tumalikod na ako. Ito ay isang beach wedding na engrande, sobrang mahal niya talaga si Julia. Sa sobrang pagmamahal niya kay Julia nakalimutan na niyang ako ang pinangakuan niya, nakalimutan na niyang ako ang dapat niyang pakasalan.

Naglakad ako papalayo pero nagkasalubong kami ni Hugh.

Ngumiti ako sakaniya habang tumutulo ang mga luha ko, "M-masaya ako para sainyo. Tignan mo may tears of joy." Sabi ko habang pinipilit na ngumiti.

"Clau---"

"Alis na ako. Ingat kayo!" Sabi ko at akmang tatalikod na sakaniya ngunit hinigit niya ako

"Let's talk" Sabi niya

"Para saan pa?" tanong ko

"For our closure." sambit niya. Ang sakit naman non. Bumalik ako dahil akala ko ako padin, bumalik ako dahil sa mga pangako niya. Ang sakit lang na yung babalikan ko ngayon ay para sa closure na pala.

"Sure, ngayon na ba?" tanong ko at pinunasan ang mga luha ko

Tumango siya, "Magpapaalam lang ako sa asawa ko." Sabi niya at tumalikod sakin.

Ang hirap tanggapin, ako ang fiancé pero sa iba kinasal. Sakin may pangako pero sa ibang tao tinupad. Talaga bang hanggang dito nalang?

Maya maya lang ay bumalik na siya.

"Let's go." Sabi niya kaya't sinundan ko siya. Nagpunta kami sa restaurant dito lang din sa loob ng resort. Sa second floor kami, walang tao dahil ang lahat ay nasa reception ng kasal.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo?" tanong ko ng makaupo kami.

Tinignan niya lamang ako at umiling. Tahimik lang kaming dalawa, wala siyang balak mag salita.

"Y-year 2018 nagpropose ka sakin, sabi mo sigurado ka na sakin, sabi mo ako na ang papakasalan mo at sabi mo ako na ang gusto mong makasama sa buong buhay mo. H-hugh 3years ago umalis ako ng Pilipinas pag katapos ng proposal mo para tuparin ang pangarap namin ni Mama, Isa ka sa nag push sakin para tuparin ang pangarap ko, hindi mo ako hinadlangan kahit na magkakalayo tayo. Alam mong hindi ako mayaman kaya nag susumikap ako para matupad ang pangarap ko at para matanggap ako ng Mama mo! Diba hindi ako tanggap ng Mama mo dahil isa lang akong mahirap na tao? Todo reto siya kay Julia sayo kasi si Julia ay galing sa mayamang pamilya diba? Pero ang sabi mo umiiwas ka? Ang sabi mo hinding hindi mo siya magugustuhan? Ang sabi mo ako lang! Umasa ako sa mga sinasabi mo. Habang malayo ako tanging pagtitiwala lang ang kaya kong gawin dahil hindi kita mababantayan, hindi kita nakikita mas lalong hindi kita nahahawakan. Last year hindi na kita ma contact, pero umaasa padin ako sa mga pangako mo, umaasa padin akong ako padin ang gusto mong makasama sa buhay mo. H-hugh hanggang ngayon umaasa padin akong ako ang mahal mo, umaasa padin akong hindi totoo ang lahat ng nasaksihan ko kanina. Bakit naman kasi ganito? Tatlong taon lang naman yun, bakit hindi mo ako inantay?" Nakatingin lang siya sakin ngunit kapag tinitignan ko ay nag iiwas ng tingin.

"I was forced by my Mom. Talagang umiiwas ako Clau, pero consistent talaga siyang maging kami ni Julia. Sa kakaiwas ko hindi ko namalayan na nahulog na ako, nakalimutan kita at naging masaya ako sakaniya." tumulo ang luha ko sa mga sinasabi niya

"Nagising nalang akong hindi na ikaw ang gusto kong makasama sa buong buhay ko. Clau, umiwas ako pero talagang magulo ang tadhana dahil nahulog ako sakaniya. Gusto ko na sanang tapusin kung ano man ang relasyon natin. May asawa na ako Clau, sana maintindihan mo." sinserong sambit niya habang Nakatingin saakin

Nag peke ako ng ngiti, "Lagi namang ganito diba? Noong umpisa puro pangako pa, sa huli naman ay sana maintindihan ko nalang. Tangina Hugh, umasa ako eh kasi nangako ka! Hindi ba napilitan ka lang kay Julia?  Napilitan ka lang eh ako parin ang mahal mo diba?" pagmamakaawa ko sakaniya at hinawakan ang kamay niya. Wala akong paki kahit pinagtitinginan na kami ng mga crew.

"Please stop it Claudette, mahal ko si Julia. Hindi ako napilitan kasi kusang nangyari. Clau gusto ko sanang tapusin na ang lahat sa atin, sana maintindihan mo." Sabi niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Mas hinigpitan ko ang pag hawak sa kamay niya at lumuha ng lumuha

"W-wag mo akong iwan parang awa mo na. Kahit ako nalang ang magtrabaho para sating dalawa basta sumama ka sakin!" umiiyak ako habang nakaluhod sa harap niya at hawak ang mga kamay niya.

"Clau naman, please gusto ko na ng katahimikan. May asawa na ako at mahal na mahal ko yun." Sabi niya at pilit na inaalis ang pagkakakapit ko sakaniya.

"Bumalik ako ng Pilipinas para satin Hugh! Tangina wala na pala akong babalikan. Hugh ikaw nalang ang meron ako, bat pati ikaw mawawala pa? Namatay ang Mama ko, hindi ako tanggap ng Papa ko. Tanging ikaw lang ang meron ako, ikaw lang ang tumanggap sakin, ikaw lang ang sumuporta sakin parang awa mo na wag mo naman akong iwan." hinawakan ko ang mga paa niya at doon umiyak ng umiyak

"How pathetic! Talaga bang desperada kana?" Sabi ni Julia kaya't napa angat ang tingin ko

"Wala kang alam kaya manahimik ka!" sigaw ko sakaniya. Lumapit sakaniya si Hugh at inaaya na siyang umalis ngunit ayaw niya.

"Ikaw ang manahimik! May asawa na si Hugh at ako yun! Ako at hindi ikaw!" sigaw ni Julia kaya't hinila na siya palayo ni Hugh

Tumayo ako upang humabol sakanila. Hinila ko si Hugh paharap sakin, "Parang awa mo na, bumalik kana sakin" tuloy tuloy parin ang mga luha ko sa pagdaloy

Tinalikuran niya lang ako at inakay na si Julia.

Tinalikuran niya ang babaeng mahal na mahal siya...

End of chapter 1..

Lâcher Prise [Saitern Series #1]Where stories live. Discover now