Chapter 2

7 0 0
                                    

Claudette's Pov.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Pero isa lang ang nasa isip ko, siya nalang ang matatakbuhan ko ngayon at alam kong siya ang makakatulong sakin.

"Paaa!!!" sigaw ko habang kinakalampag ang gate nila, bigla namang nagsilabasan ang mga guard.

"Anong kailangan mo?"

"Ilabas niyo papa ko!! Paaaaaa!! P-parang awa mo na, kahit ngayon lang ituring mo naman akong anak!!" sigaw ko habang tumutulo ang luha ko at nagpupumilit na pumasok.

"Anong nan---- C-claudette? Papasukin niyo siya!" sigaw ni Papa sa mga guard kaya't hinayaan nila akong pumasok

"Halika pumasok ka anak." Sabi ni Papa at hinawakan ako papasok sa bahay nila. Talagang napakaganda ng bahay nila, wala talagang imposible sa pamilya nila.

Nang makarating kami sa loob ay nandoon si Tita at si Laux

"Oh anong nangyari?" tanong ni Tita habang sinasalubong kami. Dati na rin akong napatira sa mansyon ng Saitern, naging close sa mga kapatid at mga pinsan. Napatira ako sa mansyon ng Saitern dahil sa kagustuhan nila Ate Aly noong malaman nilang may anak sa labas si Papa. Minahal nila ako bilang tunay na kapatid at tunay na pinsan. Kahit labag sa loob ni Papa ay hinayaan niya akong makasama ang mga pinsan ko. Pero dumating din ang araw na nilayo niya din ako sakanila. Dahil hindi niya ako tanggap at hindi daw ako nararapat sa pamilya nila. Sobrang laki ng galit ko sakaniya noong ginawa niya yun.

"Atee Claudette!!" sigaw ni Laux at niyakap ako

"Nasan ang Mama mo Claudette?" tanong ni Papa ng maupo kami sa Sala

Napaiwas ako ng tingin, "Patay na." malamig na sambit ko. Nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

"Tinawagan kita non, saktong graduation ko. Nagpakamatay si Mama, alam mo ba kung gaano ka kawalang kwentang Ama? Hinayaan mo ako, hinayaan mo akong makaranas ng sakit na ganito. Habang masaya ka hindi mo alam nahihirapan ang anak mo, habang kumakain ka ng masarap halos walang makain ang anak mo. Sa totoo lang wala kang naiambag sa buhay ko. Ngayon lang ako hihiling sayo sana naman patunayan mong may silbi kang Ama." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya at nagpunas ng luha

"Lahat ibibigay ko sayo Claudette anak, patawarin mo lang ako. Alam kong mahirap pero patawad sa pagiging walang kwenta kong Ama, hinayaan kitang maghirap. Anak babawi ako sayo ngayon, pangako." Sabi ni Papa. Napairap ako. I hate promises. Ayan na naman tayo sa pangako na yan tapos sa huli sorry nalang.

"Ibigay mo sakin ang apilido mo." Sabi ko

"Sure. Bukas na bukas ipapaayos ko ang mga papeles mo." Sabi ni Papa

"Dito ka na tumira Ate Claudette" Sabi ni Laux at umupo sa tabi ko.

"Oo nga dito kana tumira anak." Sabi ni Papa. Tumango lang ako sa sinabi niya at nagmasid sa paligid ng bahay nila.

"Halika Claud, dadalhin ka namin ni Laux sa kwarto mo" Kala ko naman sa huling hantungan.

"Salamat po, Tita Rishi." Sabi ko

"Patawarin mo na sana si Tharn, Claud. Nagsisisi na naman siya sa ginawa niya sayo noon, pinahanap ka niya pati ang Mama mo pero hindi kayo mahanap. Saan ka ba nag stay?" tanong ni Tita Rishi

"Nagtrabaho po ako sa Canada." Sabi ko. Tumigil kami sa isang kwarto

"Kaya naman pala hindi ka matagpuan, dito ka lamang kasi hinanap sa Pilipinas, hindi naman namin inakalang nasa ibang bansa ka. Siya nga pala ito na ang kwarto mo nak, feel at home ha. Mag shopping kayo ni Laux bukas para sa mga damit mo at mga gamit mo. Tutulong na muna ako sa pagluluto, tumawag ka lang kung may kailangan ka." Sabi ni Tita Rishi at lumabas na ng kwarto ko. Naiwan kaming dalawa ni Laux.

"Ate, punta tayo sa mansyon bukas ha. Namiss talaga kita, pero magpahinga ka muna. Iloveyou." Sabi ni Laux at hinalikan ako sa pisngi. Nang makalabas siya ng kwarto ko ay nahiga ako sa kama.

Hindi ako mapakali kaya't napaupo ako sa kama ko.

"Arggghhhhhh" sigaw ko habang napatingin sa center table, akmang ibabato ko yung gamit don pero mukang mamahalin kaya wag nalang.

"Di ko akalaing hahantong sa ganito, di ko halos maisip na mangyayari 'to. You pushed me to pursue my dreams, you pushed me to do that! You're so eager, 'cause you don't want me to regret in the future, how come you've done this? Kung alam ko lang na magloloko ka, hindi nako aalis pa. Hindi ko na itutuloy ang pangarap ko kasi mas gusto ko pang manatili sa piling mo. At ngayon, ngayon na natupad ko ang pangarap ko, wala na yung lalaking mahal na mahal ko. Di ko na alam kung kaya ko pang mabuhay sa mga susunod na araw." Sambit ko habang tumutulo ang luha at nakahawak ng mahigpit sa kama ko.

Kung alam ko lang na ang kapalit ng pag tupad ng pangarap ko ay pagkawala mo sa buhay ko, sana'y di ko nalang tinupad. Handa akong isuko ang lahat sakin, wag ka lang mawala. Mahal na mahal kita. Kaya't kahit niloko mo ako ay ikaw padin ang gusto ko, walang iba.

End of Chapter 2..

Lâcher Prise [Saitern Series #1]Where stories live. Discover now