Chapter 10

5.3K 208 4
                                    

Diana’s Pov

Nanginginig at yakap-yakap ang sarili na lumapit sa pinto at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko ay halos mapatalon naman ako nang makitang nakatayo si Brenz sa tapat ng pintuan habang naka-cross arm at blanko ang expression. Nakatayo siya doon na para bang kanina pa nag-aantay.Nang makabawi ay tumayo ako ng diretso kahit na pakiramdam ko ay babagsak na iyon dahil sa panginginig.

“A-ah ano tabi d-dadaan ako……..” at tsaka sinubukang dumaan ngunit tila wala siyang narinig at patuloy parin sa pwesto habang tinitignan ako ng mariin.

“Y-you can now use the bathroom. I-I’ll sleep na” at tsaka yumuko at dadaan na sa gilid niya pero pinigilan niya ako sa paghawak sa pulso ko.

“Stay.”

“H-huh?”

“Stay. Let me explain.” He said.

“E-explain what?” at tsaka naramdaman ulit ang panlalambot ng binti.

“Explain what you see earlier.” He said.

“H-huh? Wala---

‘Di ko naituloy dahil sa biglaang pag-bahing kaya naman napatingin siya saakin.

“U-uhm sorry. C-can we just talk tomorrow? I'm sleepy.” tsaka lumakad na papunta sa kama at hindi na hinintay ang sagot niya.

Pagka-higa ko ay halos nanginginig kong itinabon sa akin ang kumot hanggang sa leeg narinig ko naman na nag-sara ang pinto ng banyo.

Nakatingin ako sa ceiling hanggang sa ‘di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Brenz’s Pov

“Are---

Damn sleep again? Paano ako mage-explain sa kaniya? Damn it. Lumapit ako sa kaniya at tsaka naupo sa space sa gilid ng kama.

Pinagmasdan ko naman ang kaniyang mukha at tsaka inilihis ang kaniyang buhok na tumatabon sa kaniyang mukha. Bahagya naman akong nahiga at tsaka inunan ang ulo sa balikat at pinagmasdan siya ng mabuti. Ang ganda talaga niya. Ang pilik matang mahaba, matangos na ilong at magandang labi. Napansin kong nanginginig ang kaniyang labi kaya naman mas nilapitan ko siya at at tsaka hinawakan ang kaniyang noo.

“Fuck.” Agad ko ding nailayo dahil ang init ng kaniyang noo.

Agad akong lumabas ng kwarto at tsaka nagpunta sa kusina. Naabutan ko naman si mommy doon na umiinom ng tubig.

“Oh ba’t nagmamadali ka? Anong oras pala kayong pumasok ni Diana? Sa’n ka niya nakita? Nakooo kanina pa nagtatanong ‘yong at hinintay ka pa ata sa dagat. Naabutan ba kayo ng ulan?” sunod-sunod na tanong ni mommy.

“Po? Saan ?”

“Doon sa tabing dagat. Sabi ko baka andoon ka since medyo mahilig kang sumama o gumala sa dagat.”

“Mom. Ba’t mo naman hinayaan na mag-intay siya doon? Dumating kami dito basa na siya ng ulan!”

“Huh?”

“Nilalagnat siya mom.” Sabi ko habang kumukuha ng palanggana at nilagyan ng maligamgam na tubig.

“W-what? How is she? Mataas ba ‘yong lagnat niya? Oh my god.”

“So dramatic mom.” Irap na sabi ko. “I’ll go now. Ako ng bahala mom. You can rest now.” At tsaka siya hinalikan sa pisnge at umakyat na ulit bitbit ang palanggana na may tubig.

Pagkapasok ko ay kumuha naman ako ng malinis na towel at tsaka inilagay sa palanggana at inilublob doon tsaka piniga at nilagay sa noo niya.

Pagkatapos i-ayos sa kan’yang noo ang towel ay tinitigan ko naman siya.

“You’re so stubborn,Arestelle.” Habang tinititigan siya.

“Damn. I just walked away babalik din naman ako sayo. Dapat ay nanatili ka nalang dito. Babalikan naman kita”

Iniublob ko ulit ang bimpo sa palanggana pagkatapos ay piniga tsaka inilagay sa noo niya.

“Beautiful but stubborn” iling-iling na sabi ko.

Pumasok ako sa banyo dahil nakaramdam ako ng pag-ihi.

Napansin kong mas nanginginig siya kaya naman kumuha ako ng isa pang comforter at ipinatong sa kaniya at taka hininaan ang aircon sa loob ng kwarto. Kinuha ko naman ang cellphone para tignan kung anong oras  na at nakitang 12 na din pala. Ilang oras ka sa ulan? Akala mo naman halaman na hindi nagkakasakit kapag nadidiligan ng ulan. Sinalat ko ang bimbo kung basa pa at ng maramdamang wala na ay muling inilublob sa palanggana at ibinalik sa kaniyang noo.

Nahiga naman ako at inunan ang aking braso at tinitigan ang kaniyang mukha na namumutla. Habang tinitignan ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Diana’s pov

Nagising ako ng medyo maayos na ang pakiramdam kaya naman bumangon ako at naramdaman na may nakalagay sa nook o kaya naman kinuha ko ‘yon at napansing bimpo pala. Napansin ko din si Lucifer na naka-unan ang ulo sa balikat at tulog. Napansin ko din ang palanggana. Dahil siguro sa galaw ko ay nagising ko siya.

“Kamusta pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?” tanong niya at tsaka sinalat ang nook o bahagya ko namang hinawi ‘yon at tsaka nag-iwas ng tingin.

“O-okay lang. Sige matutulog na ulit ako.” tsaka tumalikod sa kan’ya at nahiga na.

“Arestelle?” Nagpanggap namanakong tulog.

“I know you’re awake.”  he said.

“Let’s talk.”

“Sleep, Brenz.” the only thing I can say.

“No, let me explain please? ‘Yong nakita mo kanina wala lang ‘yon. Nasa kabilang likod lang ako then she saw me there kasi naglilibot siya. Sister siya ng kaibigan ko. It’s just nothing. I walked out because I’m afraid in your answer. I shock you. I’ sorry nadala lang ako ng selos ko kanina. I’m sorry please forgive me” at tsaka ako niyakap sa likod na ikinagulat ko.

“M-matulog ka na, Brenz. T-tsaka ano namang pakialam ko kung may kasama kang babae? It’s your nature kaya ‘di na ako magugulat.” Sabi ko naramdaman ko namang mas humigpit ang yakap niya saakin.

“Basta masama ‘yon para sakin. Please forgive me please?”

“Wala ka namang kasalanan.”

“Oo nga, pero ba’t pakiramdam ko may kasalanan ako at kailangan kong humingi ng tawad?”

“You should sleep. Baka kulang ka lang sa tulog.” At tsaka sinubukan ipikit ang mata. Bahagya naman niya kong hinila papalapit sa kaniya at aramdaman ang kaniyang hininga sa akig leeg.

“I don’t want you to see me with the girls and I don’t want to be them. I don’t want you to think that I have another woman because it’s just you, just you Arestelle.”
--------

My Playboy Step-BrotherWhere stories live. Discover now