CHAPTER 3

9.4K 157 3
                                    

When i got home from school, feeling ko sobrang pagod ako. I immediately run upstairs at nagkulong sa kwarto ko. Dumapa sa kama at nagtakip ng kumot. Unti unting namumuo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I am badly hurt. Kahit na simple lang yung sinabi ni Gabriel kanina na "plain" daw ako masakit parin. Bakit ba may mga lalaking mas gusto yung pokpokin ang dating? Kailangan ba litaw ang kaluluwa bago seryosohin?

"Grrrrrrr!" Sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko.

Then i heard a knock.

Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang aking sarili.

"Sino yan?" Sigaw ko.

"Ms. Jewel, pinapatawag na po kayo ni Mam Jana at Sir Jacob" sagot ng katulong namin na si Mercy.

"Im coming!"

Dumating na pala sila mommy or kanina pa sila andito? Gosh! If kanina pa sila andito, i have a lot of explaining to do kung bakit nagkulong ako sa kwarto. Mabilis akong nagpalit ng damit at agad na bumaba.

Pagbaba ko ng dining area ay naabutan ko si mommy at daddy.

"Hi mom, Hi dad" bati ko sa mga ito at humalik sa pisngi.

"How's school?" Tanong ni dad pagkaupo ko sa upuan kaharap ni mom.

"Its fine" tipid na sagot ko.

"I heard na may boyfriend ka na daw?" Sabi ni mommy.

"We just broke up"

"That's good. He wont do anything good for you. Prioritize your study first. Pagkagraduate mo, ikaw na ang magmamanage ng business natin" sabi ni dad. Umpisa pa lang kasi ay tutol na si daddy sa pakikipagboyfriend ko. Not that he doesnt like any of my suitors or boyfriend pero mas gusto niya na tutukan ko muna yung pag aaral ko dahil laging sinasabi nito na gusto nitong maagang magretire para makapagspend time together pa sila ni mommy. My parents own hotel chains and restaurant all over the world at bilang only child, sakin nakaatang ang family business namin.

"Yes dad"

"Anyway, Bakit hindi nadadalaw si Micah? Nasa Japan parin ba siya?" Tanong ni mommy. Close kasi sila dahil ayon dito tama lang daw na si Micah ang kaibigan na sinasamahan niya.

"Kararating niya lang nung isang araw"

"Ano nga palang plano mo sa debut mo? Gusto mo ba ng beach party, Garden party, pool party o sa hotel nlng natin? Kailangan na natin maplano para sa mga kakailanganin mo. We only have one month left" Tanong ni dad.

Oo nga pala, exactly one month from now e magdedebut na ko. Ayoko nga sana ng party pero alam kong hindi papayag sila daddy at mommy dahil syempre unica hija.

"I prefer beach party"

"Sounds good and fun. Sabagay, napaka trend na kasi pag sa hotel mag dedebut. Saan mo ba gusto? Sa Palawan? Boracay?Ilocos? Or Baler Aurora?" Excited na sabi ni mommy. "Oh my god hon, i cant believe na yung unica hija natin e dalaga na" emotional na sabi ni mommy kay daddy.

"Palawan? Boracay? How can they travel from here?" Nagtatakang tanong ko. Ang layo nmn kung doon pa ko magdedebut.

"We'll rent a private plane. But it depends sa number of attendees mo. If 200 and above, we have to rent the big plane to accomodate all of them" nalaglag ang panga ko sa mga sinasabi ng mga ito. Rent a plane? Ganito nila gustong bonggahan ang debut ko ha? Hindi ako lumaki sa hirap but this is too much.

"Mom, dad, ang laki ng magagastos. Do we really have to do it in Palawan or Boracay?"

"Anak, kasiyahan na namin ng daddy mo ang ibigay ang lahat ng best para sayo. Nag iisa ka lang naming anak kaya gusto namin na magiging memorable sayo ang bawat taon ng buhay mo. Thats what parents want for their children right?" Nakangiting sabi ni mommy.

"Pagbigyan mo na kami ng mommy mo" sabi nmn ni daddy. "And on your birthday, we have some big announcement to make"

Napakunot nmn ang noo ko "What is it dad?"

"It's a surprise on your birthday. Now, go to sleep. Maaga ka pa bukas" tumango lang ako bilang sagot.

"Goodnight dad. Goodnight mom" sabi ko dito at humalik sa pisngi ng mga ito. Tumuloy na ako sa hagdan pero bago ako tuluyang makaakyat ay tinawag ko ang mga ito.

"Mom. Dad"

"Yes honey?" Tanong ni mommy. All eyes sila sakin. "Did you forget to tell something?"

"I hope your surprise for me is a ... baby sister or brother" tska ako nagtatakbo sa taas. Naring ko ang pagtawag sakin ni daddy. Pagpasok ko ng kwarto ay tawa ako ng tawa.

Priceless reaction from my parents. At the age of 40, nanghihingi pa ako ng kapatid. Ang boring nmn kasi maging solong anak. Protective parents tska walang maasar na kapatid.

Humiga na ako sa kama.

"F*ck you Gabriel! Ipapakita ko sayong hindi ka kawalan!" Mahinang sigaw ko at tuluyan na akong nakatulog.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon