CHAPTER 14

8K 165 14
                                    

Habang naghihintay ako taas ng hagdan at hinihintay tawagin ng host ay kabadong kabado ako. Bukod sa napaka awkward na suot ko. Andami na kasing nakakalat na tao sa loob at labas.

"Please give a round of applause to our very stunning debutant!" Pagwewelcome sakin nung host. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Takot na takot na baka mahulog ako at gumulong gulong sa sobrang kaba ko.

I can hear the noises, loud cheers and applauses from the crowd. Lalo tuloy akong naconcious.

"Wag ka ngang hila ng hila sa swimwear mo. Baka mapunit yan" saway ni mommy. Nasa magkabilang tabi ko kasi sila ni daddy.

"Put your head high. You are beautiful. The most beautiful girl tonight" bulong nmn ni daddy na ikinangiti ko. Confidence booster talaga tong dalawa na to.

Nang makarating kami sa labas ay isa isa akong binati ng mga bisita. Napakadami nila kaya di ko na halos matandaan ang mga muka nila.

Nagulat pa ako sa mag asawang lumapit sakin.

"Jewel, you've grown up even more prettier and sexier. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang, karga pa kita pag dumadalaw kami sa bahay niyo nitong aking asawa" nakangiting bati ni tito Marvin. "Happy birthday, may you have more more birthdays to come" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Tuwa dahil baka andito din si Marco o lungkot dahil kahit anino niya hindi ko makita.

"Happy birthday Jewel. You are so pretty just like your mom" nakangiting bati ng asawa ni tito Marvin na si tita Marisel.

"Thank you" nakangiting sagot ko din.

Luminga linga ako sa paligid ngunit hindi ko talaga siya makita.

Nagsimula na ang 18 candles, 18 shoes at kung ano ano pang may 18. Ang pinakahuli ay ang 18 roses.

Ang awkward lang sumayaw ng senti habang nakaswimwear. Ang unique talaga ng debut ko.

Una akong isinayaw ni daddy.

"My baby girl is not so little anymore. I used to carry you in my arms. Tuck you to bed and read some bedtime story before pero ngayon nasa legal age ka na at mas marami ng responsibility ang darating sayo, i just hope na malampasan mo lahat yon. Always remember that we will be here for you always. No matter what happen" sabi ni daddy habang sinasayaw niya ko. May inilabas itong dalawang susi mula sa bulsa nito at iwinagayway sa harap ko.

"W-what is that?" Kinakabahang tanong ko. Kahit parang alam ko na kung ano yon. He smiled at me.

"Your brand new car is waiting at your brand new condo in BGC. You can check it right away pagbalik natin ng Manila" nakangiting sabi nito.

Napanganga nlng ako. I never imagined na ganito yung matatanggap ko ngayon sa birthday ko. I just wished for a condo but they gave me more than what i expected.

Sa labis na tuwa ko ay agad akong napayakap dito.

"Thank you daddy" naluluhang sabi ko. I know im not suppose to cry on my birthday but i just cant help it. Im so thankful and blessed.

Nang matapos kaming magsayaw ni daddy, sumunod na ang mga classmates at mga pinsan ko.

"And for our very special last dance, please welcome Mr. Marco Gene Alleje" napatingin ako sa stage ng magsalita ang host. Kulang ang salitang shock kung idedescribe sa nararamdaman ko ngayon. I never expected this. Andami kong tanong sa utak ko. Paano to nangyari? Sino ang nagplano?

Marco is wearing a colorful summer wear na bukas yung mga botones. Showing his toned muscles. Great abs na utang nito sa araw araw na gym. Dahan dahan itong lumalapit sakin. Never leaving my eyes.

Hindi ko alam pero parang gusto kong matakot pagkakita ko sa mga mata nito. Panganib ang binabadya ng aura nito. It makes me shiver.

Nang makalapit siya sakin ay nilagay niya ang isang kamay niya sa bewang ko at ang isa ay hawak ang isang kamay ko. Then we started to dance.

Nararamdaman kong unti unting humihigpit ang hawak nito sa bewang ko pero hindi ako nagsasalita. Natatakot akong pag nagsalita ako ay matapos na ang lahat ng ito.

Unti unti akong nag angat ng tingin at tumingin sa mga mata nito. Then he smirked.

"Enjoy this heaven where you are standing right now because we'll soon be living in hell" makahulugang sabi nito. Ngayon, i am sure na galit, pait at hinanakit ang nasa mga mata nito. Pero para kanino? Sakin? Sa pagkakatanda ko, masaya nmn kami the last time we were together ah. What happen?

"I d-dont understand" hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi nito.

Then he smiled bitterly then swayed me. Nagulat ako sa ginawa nito pero ginaya ko nlng ito nung magbow ito at biglang umalis. I heard a loud of applause from the crowd.

After nun ay nagcheers ng wine, ang iba nmn ay alak ang laman ng goblet na hawak nila.

"Can i have your attention everyone?" Sabi ni daddy mula sa mic.

Unwanted WifeWhere stories live. Discover now