CHAPTER 5

12 2 0
                                    

"H-hoy a-anong bo-boyfriend ang pinagsasabi mo?" Sabi ko na hindi mapigilan ang pagkautal.

Tumawa siya habang nililigpit ang pinagkainan namin kanina.

"Oh, eh bakit ka nauutal?" Pilyo niyang tanong. Nangaasar.

"Napakaassumingero mo kasi!" Inis kong sigaw

"Hahaha sino ba sa ating dalawa ang nag sabing 'Ang importante lang sa akin ngayon ay mahal niya ko at mahal ko siya' di ba ikaw?" Panggagaya niya sa sinabi ko kanina.

"Ehh bakit sino ba ang nagsabing girlfriend mo ko di ba ikaw? Sabi mo pa nga 'Well ako lang naman ang bagong boyfriend niya!' Tapos may pa 'lubayan mo na din ang girlfriend ko! kung pwede lang kung ayaw mong mapunta sa morgue' ang dami mong drama! May pamorgue-morgue ka pang nalalaman" panggagaya ko sa kanya. Ganti ko.

"Kung di ko sinabi yun di aalis yung manyak mong ex-boyfriend!" Uminit ang pisngi ko sa inis dahil sa sinabi niya

"Hindi siya manyak! Wala akong boyfriend na manyak!" Sigaw ko

"Hindi manyak? Sige nga sabihin mo, bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?"

"Dahil may kasiping siyang iba" mahina kong sabi

"See! Dyan pa lang masasabi mo ng manyak yun! Di ka niya nakuha kaya humanap ng iba!" Sigaw niya

"Eh bakit ka sumisigaw?!" Sigaw ko din sa kanya.

"Kasi pinagtatanggol mo pa! Nagpapakatanga ka ng dahil sa kanya! Alam mo ng yun lang ang gusto niya sayo! Kaya dapat nung una pa lang hiniwalayan mo na para di ka na masaktan ng sobra! Ayan! Tignan mo ang sarili mo ngayon

"Anong bang alam mo?! Bakit mo ba ako pinapakialamanan? Hindi mo nga alam ang buong kwento ihh! Kita mo ng nasaktan ako ng dahil sa nangyari! Oo na! Tanga na ako,  Oo na bobo na ako at Oo na duwag ako! Ano pa? Lahat na sabihin mo para isahan na lang!" Sigaw ko sabay habol ng hininga.

Alam ko naman na tanga ako pero bakit kailangan pang ipamukha sa akin? Alam ko naman na may mali sa akin kaya nakipaghiwalay si Gerald. Alam ko na sakim ako kasi di ko maibigay ang gusto ng taong mahal ko. Alam ko yun, alam ko ang lahat ng yun.

Kasalanan ko bang kung magmahal ako ng sobra? Nagmahal lang naman ako, ibinigay ko lang naman ang lahat ng kaya kong ibigay bukod sa isang iniingatan ko. Mali ba ako?

Alam ko na sa simula palang na mangyayari 'to nagbulag-bulagan ako at pilit kong itinatanggi sa sarili ko na wala lang yun, na hindi yun totoo. Nagpakatanga ako, nagpaloko ako kaya kailangan kong tanggapin ang lahat ng ito.

I need to accept this kind of heartache. Maybe this is my consequences to all I have done. Baka ito ang parusa ko sa pagiging tanga ko, sa pagiging bulag-bulagan ko.

Ilang minutong tahimik ang paligid walang nagsasalita, kahit ang paghinga ay hindi mo maririnig. Napatingin ako kay Andrei na ngayon ay nakatingin sa malayo.

Napapikit ako ng marealize ko ang mga pinagsasabi ko kanina. Nagmalasakit lang naman siya Seah!, nagpakatotoo lang naman siya sa akin at sinabi ang mga bagay na napapansin niya.

Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kanya

"I-I'm s-sorry" utal kong sambit "na-nabigla l-lang a-ako"

Umiling siya bago tumingin ng diretso sa akin.

"No, I should be the one who said that. I'm sorry. Tama ka hindi dapat ako nangingialam sa'yo, hindi dapat ako naghihimasok sa buhay ng may buhay. I'm sorry for what I've said. Sorry" he said in serious tone. Napatikhim ako, di alam ang sasabihin.

"Aalis na ako. Salamat sa pagkain at sorry sa abala" he said before walking away and left me alone.

Napasandal ako sa lamesa at napasapo ng noo. Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo Seah?! Ang tanga mo! Haiisssttt

Her TearsWhere stories live. Discover now