Thirteen

521 36 6
                                    

Cylle's POV:


Pauwi na ako ngayon sa bahay pero wala parin akong natatangap na message mula kay Athena. Kagabi tinawagan niya ako akala ko nagpapasundo na, ayun pala hindi pa. Nakakainis nga ang babaeng yun, ang gulo kausap. Mabilis magbago ang isip.

Hay! Tawagan ko na kaya?

Kaso parang nakakahiya dahil lalabas na masyado akong excited na makasama siya. Sa anak ko naman talaga ako excited. Gusto ko siyang nasa tabi ko para panatag ang loob kong maayos siyang lumalaki.

Chineck ko ulit ang cellphone ko.

Wala talaga.

Makabili na nga lang ng lulutuin ko mamaya.

Dumaan muna ako sa isang grocery store. Namili lang ako ng konti. Tapos bumiyahe na ako pauwi, kaso biglang umulan. Tsk. Maiipit na naman ako neto sa traffic pag nagkataon.

At tama nga ng hinala ko dahil natagalan ako sa pagbyahe pauwi.

Hmm?

Nagwiper ako ng salamin dahil may naaninag akong babae sa tapat ng gate ko. Tinitigan ko ng maigi. At nanlaki nalang ang mata ko sa gulat.

Si Athena!?

Anong ginagawa niya diyan sa labas, ang lakas ng ulan ah?! Mabilisan akong naghanap ng paayong sa loob ng sasakyan ko pero wala. Peste, ba't ba di ko naisip na magdala ng payong ngayon. Kaasar.
Kinuha ko nalang ang plastic mula sa pinamili ko saka ako agad na bumaba.

"Athena." Lapit ko sa kanya. "Bat hindi ka man lang nagsabi?"

Hindi niya ako sinasagot.

Pinang pandong ko sa kanya ang plastic at agad kong sinusian ang gate pati ang bahay. Saka ko siya agad hinila papasok.

Nakakabaliw ang babaeng to. Baka magsakit siya sa ginagawa niya, kawawa naman ang baby ko.

Kumuha agad ako ng tuwalya sa banyo saka ko siya tinuyo. Hindi pa naman siya namumutla baka bago lang siya sa ulanan.

"Kanin ka pa ba nakatayo sa labas, ha?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi naman. Sorry. Bago kasi ako umalis sa bahay wala namang senyales ng pag-ulan kaya hindi na ako nagdala ng payong. Saka nakapandong naman tong shoulder bag ko sa ulo."

"Kahit na! Basa ka padin, tsaka bat hindi ka man lang tumawag sa akin para masundo nalang kita."

Nakayuko lang siya. "Sorry na."

Hay!

"Magpalit ka na agad ng damit baka malamigan ka pa." Utos ko nalang. Gawa naman sa plastic ang maleta niya kaya alam kong tuyo pa lahat ng gamit niya.

Lumabas naman ako ng bahay para maipasok na rin ang sasakyan ko sa garahe. Tsaka kinuha ko narin ang mga pinamili ko.

Pagkabalik ko dito sa loob wala na sa sala si Athena naka bukas narin ang maleta niya. Parang kumuha na siya ng damit.

Kumuha narin ako ng bagong tuwalya sa kwarto ko saka nagpunas ng ulo. Maliligo nalang ako. Ipagtitimpla ko muna siya ng hot chocolate pangpainit.

Inilapag ko sa lamesa ang tasa tsaka ako kumatok sa banyo.

"Athena may hot choco sa lamesa. Inumin mo pagkatapos mo dyan."

"Okay." Sigaw niya.

Pumasok na ko kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko ng silid natagpuan ko na si Athena sa dining area iniinom ang tinimpla ko kanina.

Nilapitan ko siya. "Naligo ka narin pala." Saad ko. Umupo narin ako sa harapan niya. "Okay ka lang? Pambihira ka, baka magkasakit ka sa ginagawa mo niyan."

Misster Cylle | ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora