Nineteen

463 30 3
                                    

Cylle's POV:


Nagpapasama ako ngayon kay Alexa dito sa isang sikat na petshop. Lihitimong breeder ng pusa itong kinakausap niya habang pumupili ako ng bibilhin ko para kay Athena.

Napagpasyahan ko ng bilhan siya ngayon matapos niya sa akin hilingin ito nung nakaraang araw.

"Boss Cylle. Nakapili na po ba kayo?" Tanong ni Alexa.

Tumango ako at itinuro itong pusang madilaw ang mga mata. Kanina pa yan nakatingin sa akin na para bang nagsasabi na iuwi ko na siya.

"Sige po."

Lumapit na si Alexa sa nagbebenta at nakipag negosasyon.

Siguradong matutuwa neto si Athena pag-uwi ko. Sa totoo lang. Ngayon palang ako bibili ng hayop bilang regalo sa isang tao kaya wala akong ideya kung paano mamili o mamile.

"Boss, aasikasuhin ko lang yung papers  niya at magbabayad na tayo." Lapit muli sa akin ni Alexa.

"Sige...sige. Pwede ko bang makarga yung pusang napili ko?"

"Sige po papakuha ko."

Muling bumalik si Alexa sa nagtitinda at pinakuha yung pusa sa kulungan sabay inabot sa akin. Ang lambot naman neto.

"Boss nacheck ko na po. For payment na tayo."

Sumunod na ako kay Alexa sa isang opisina kung saan magbabayaran. Pagkalabas namin ng petshop. Bitbit ko na ang pusa, kasama ng mga kailangan niya. Higaan, pagkain at kainan.

"Ikaw na bahala sa firm ah, iu-uwi ko na tong pusa." Paalam ko kay Alexa.

"Sige po boss. Siguradong matutuwa yung girlfriend nyo niyan, ang cute ng napili nyo."

Napa-iling ako. "Hindi ko girlfriend ang pagbibigyan ko neto."

"Ah, pamangkin?"

"Lola. Lola ko ang pagbibigyan ko neto. Heto pang taxi. Bumalik kana. Salamat sa pagsama."

"No worries, boss."

Sumakay na ako ng kotse at bumiyahe pauwi. Medyo maaga ako ngayong uuwi kaya malamang nagluluto palang si Athena.

Pumarada na ako at nagsusi ng pinto. Nagdadala talaga ako ng kopya ko para kung tulog na si Athena hindi ko na siya kailangang gisingin pa. Dahan-dahan akong naglakad papasok.

Hmm? Wala siya sa kusina? Nasaan yun?

Pumunta muna ako sa kwarto ko kasama ang pusa saka nagbihis ng damit.

Paglabas ko nakita ko na si Athena sa kusina nagluluto.

"Hoy, saan ka galing?" Sulpot ko dito sa likod niya.

Hinampas niya ako. "Wag ka ngang nanggugulat diyan. Dun sa banyo."

"Masarap ba yang niluto mo?" Tingin ko sa kasirola.

"Adobong manok lang to." Sagot niya.

Ang sarap kaya ng amoy. Nakakagutom!

"Ang aga mo namang nagluluto, anong oras palang ah." Saad ko.

"Hindi ah, sakto lang to. Sa oras ng pag-uwi mo. Ikaw ang maaga dumating dyan eh."

"Sabi ko nga." Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha yung pusa.

Naupo ako sa sala habang inaabangan siyang matapos.

"Maghahain na ba ako, matapos nito?" Sigaw ni Athena mula sa kusina.

"Wag muna...Mamaya na tayo kumain." Sigaw ko din.

Hinahimas-himas ko lang yung pusa dito sa tabi ko para hindi mag-ingay.

Misster Cylle | ✔Where stories live. Discover now