CHAPTER 4

24 6 0
                                    



Lorie Izorel POV


"HAYOP KAAAAAAAAAA! DEMONYO! DEMONYOOOOOOOOO!!!!!!!!!!"


Bigla akong nagising ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyon. At para bang sa pakiwari ko, galing ang malakas na sigaw na iyon mula sa Mama ko!


"HAYOP! HAYOOOOOOP KAAAAA!"


Muli akong nakarinig ng malakas na sigaw, at sa pagkakataong ito ay sigurado na talaga ako na si Mama ang sumisigaw! Pero bakit? Bakit ito sumisigaw ng ganoon?


Kaya naman dali-dali akong bumangon mula sa may higaan ko, pero hindi pa man ako ganap na nakakaalis sa tabi ng higaan ko, ng bigla bumukas yung pinto ng kuwarto ko.


Nakita ko na si Ate Viora ang pumasok. Takot na takot ito at nanginginig ang buong katawan, habang umiiyak.


"Ate Viora, bakit? Ano ang nangyayari? Saka....Bakit sumisigaw si Mama? At bakit ka umiiyak at takot na takot?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.


Pero hindi siya sumagot at mas lalo lang siyang umiyak ng umiyak. Ano ba talaga ang nangyayari? Naguguluhan na ako!


"WALA KANG AWAAAAAAAAA! DEMONYOOOOOOOOO! ISA KANG DEMONYOOOOOOOOO!" Umiiyak na sa pagkakataong iyon ang malakas na sigaw ni Mama.


Kaya naman balak ko na sanang lumabas, tutal wala naman yatang balak si Ate Viora na sabihin saakin kung ano ba talaga ang nangyayari.


Pero sa gulat ko, marahas na pinigilan ako nito.


"L-Lorie.... D-Dito ka lang! H-Huwag kang lalabas! B-Baka.... B-B-Baka ma-makita ka n-niya! Mag tago na lang t-tayo! Y-Yun ang sabi ni M-Mama saatin." Ani Ate Viora.


"Bakit? M-May mga kalaban ba? Nasaan sila Papa?! Gusto ko silang----"


Humikbi na sa pagkakataong ito si Ate Viora, kaya naputol ang pagtatanong ko.


"B-Basta.... Nagising na lang a-ako, na nagkakagulo na sa labas.....T-Tapos pu-pumasok si Mama sa kuwarto ko, a-at sabi niya..... M-Magtago lang daw tayo,p-pinapunta niya ako dito sa k-kuwarto mo. B-Basta kahit ano daw ang mangyari.... H-Huwag daw tayong lalabas dito!" Garalgal at humihikbing sabi nito.


Kung ganoon..... Nasa panganib sila Mama?! Nasaan si Papa?!


Sa naisip kong iyon, mabilis kaagad akong ginapangan ng matinding takot at pag-aalala sa mga magulang ko, at sa mga kasama namin dito.

The Prodigal PrinceWhere stories live. Discover now