CHAPTER 13

20 8 8
                                    



Lorie Izorel POV


Last day na ngayon ni Prince Dyjin dito sa Northern Land Hospital. Mamayang hapon kase ay madi-discharge na rin ito sa wakas.


At dahil pumayag ulit ako sa panibagong kahilingan saakin ni Lady Catalla na ipagpatuloy ko pa ang pag aalaga sa anak nitong si Prince Dyjin ay kasama nila akong uuwi sa Wintry Lake, ang bayang pinagmulan ni Lady Catalla.


Kung tutuusin ay mas convenient sana kung doon na lang kami uuwi sa bahay ni Prince Dyjin dito sa may kapitolyo.


Ano man ang mangyari, malapit lang sana kami kung sakale sa Northern Land Hospital.


Kaso ayaw ni Lady Catalla ang ideya na iyon.


Para sa kanya ay mas makakabuti muna para sa anak nito, kung malayo muna ito sa kapitolyo. Nang sa ganoon ay hindi na madagdagan pa ang stress na nararamdaman ni Prince Dyjin ngayon.


And to be honest, sang ayon ako sa desisyon ni Lady Catalla. Mas makakabuti nga siguro ang ganoon. Lalo na sa sitwasyon ngayon ni Prince Dyjin.


Siguro nga ay masama ang ugali nito. Pero nakakaawa parin ito, halatang dinibdib nito ang nangyari sa kanya!


Pagkatapos kase nitong magwala ng araw na iyon ay palagi na lang itong tahimik, para bang nawalan na ito ng gana sa lahat ng bagay. Mas madalas rin na tulala lang ito.


Para bang nawalan na ito ng pag-asa sa buhay niya, marahil dahil iyon sa mga narinig nitong sinabi ng Maestro niya.


Dahil kung sino man daw ang nilalang na umatake sakanila noon sa palasyo ay siya lang din ang may dahilan kung bakit nagkaganito si Prince Dyjin ngayon.


Kumbaga, parang sadyang isinara ng kung sino mang nilalang na iyon ang lahat ng kapangyarihang taglay ni Prince Dyjin. Except lang sa kakayahan nito na maging isang wolf!


Iyon nga lang, kahit na mag palit pa si Prince Dyjin ng anyo nito. Ganoon parin ang magiging sitwasyon nito.


Isa parin siyang lumpo!


Kaya naman para talagang isang malaking sumpa ang nangyari dito.


Tapos parang wala paring pakialam dito ang ama niyang si King Diland!


Kahit na ilang beses pa nag punta si Lady Catalla at ang Maestro ni Prince Dyjin na si Maestro Klausto sa palasyo.


Ni isang beses ay hindi daw talaga sila hinarap ni King Diland. Tanging ang right hand lang ni King Diland na si Lord Masuda Lacrimas ang humaharap sa kanila.


May isang beses naman na dumalaw dito sa ospital si Headmaster Sandors na kabilang din sa konseho para tignan ang sitwasyon ni Prince Dyjin. Sinubukan din nito na gamitan ng mahika si Prince Dyjin para matulungan ito, ngunit wala itong nagawa para alisin ang sumpa.

The Prodigal PrinceWhere stories live. Discover now