Chapter 25

2.1K 50 0
                                    

[Start]

TYREN'S POV

Nagpaalam na ako kay daddy at kay charis na may pupuntahan, inasar pa ako ni charis na makikipag date 'daw ako. Oo naman diba? Totoo naman. Formal attire kase kasuotan ko ngayon dahil pupunta kami sa formal na kainan.

Lumabas na ako sa bahay namin at pumunta na sa garahe para kunin 'yung kotse ko na Mercedes-Benz na kulay grey. Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ko na 'yung makina. Ti-next ko muna siya napupunta na ako sa kanila para sunduin ko na siya.

Pinaandar ko na 'yung kotse ko at lumabas na nang subdivision namin. Dumaan na muna ako sa isang flower shop na nadaanan ko at bumili ako nang White rose dahil 'yun 'daw ang gusto ni athena.

"Salamat po ate." Ngumiti ako at kumaway na para umalis at pumasok na nang kotse ko.

Habang papalapit ako sa bahay nila athena ay inisip ko muna 'yung mga mangyayare. Magiging awkward ba 'to? Hindi pa ako nakakapunta nang date. Hindi ko pa na-feel 'yung ikaw mismo 'yung nag aaya.

Nasa tabi na ako nang bahay nila at bubusina sana ako kaso naisip ko dapat katukin ko nalang siya at sabay na kami pumunta dito sa kotse ko.

Kumatok ako. "Wait lang! Andiyan na ako!."

Bumukas 'yung pintuan at nakita ko 'yung mom ni athena.

"Hi tita." Ngumiti ako.

"Hello, pasok ka hijo. Nandoon pa si athena sa kwarto niya at namimili nang isusuot." She lead the way. Umupo ako sa sofa nila para hintayin si athena.

Mabuti nalang nakalimutan ko 'yung white flower, kung hindi sigurado na nakakahiya sa mom niya. Napangiti nalang ako sa sarili ko.

"Oh? Anong nginingiti mo?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si athena nakatingin lang sa akin.

"Andiyaan kana pala." Tinapik kopa sarili ko bago tumayo.

Pagkatayo ko ay inaya ko na siya na pumunta na sa kotse ko. I lead the way. Pagkarating namin ay pinagbuksan kopa siya at pagkapasok niya ay sunod naman akong pumasok sa driver seat.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang kwentohan namin ni athena tungkol sa family niya. Iniwan na pala sila nang daddy nila pero sumusuporta pa 'daw ito sa kanya sabi niya. Tsaka 'di naman si tita ganoon napapagod sa trabaho niya kase hindi naman pabigat si athena sa family nila kase siya mismo ay may mga ginagawa hindi niya lang binanggit sa akin.

Huminto kami sa isang restaurant na formal na formal. Hindi ako makagalaw kaya tinapik ni athena 'yung pisnge ko.

"Parang ngayon lang?" Tumango ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Ever since hindi ako gaano pumupunta sa mga ganito. Lumabas na kami at hawak hawak ni athena 'yung kamay ko kaya nacocomfortable ako.

Pumasok na kami at napakatahimik dito tanging mga violin lang napinapatugtug nang mga musicians.

May lumapit sa amin na isang waiter.
"Good evening, Ano po order niyo?" Bati sa amin nang isang waiter.

Nag-order na kami nang mga pagkain madame kase in-order ni nerdy e'. Ilang sandali pa ay dumating na ang waiter na dala ang mga in-order namin na mga pagkain.

"Enjoy your dinner, sir/ma'am." Umalis siya na nakangiti pa 'din. Halatang mga masasaya sila sa mga trabaho nila.

Kumakain kami nang tahimik lang.

"Masarap dito no?" Paunang sabi ni athena. Napatango naman ako masarap naman kase mga luto nila dito.

"Hinay hinay lang baby." Hinawakan ko 'yung mukha niya. Nahalata ko na namuma siya.

MARRY HERWhere stories live. Discover now