Chapter 16 - Vacation?

6.6K 136 2
                                    

Chris' POV

5am pa lang nasa bahay na nila ko.

Ayaw daw ng papa niya ng late.

"Ang aga mo iha ah? Akyatin mo na si Coleng at humihilik pa ang pwet nun." natatawang sabi ni tita

"Uhmmm. Sigurado po kayo?"

"Wag ka magalala. Tulog pa ang asawa ko."

Natawa naman ako. Nagets niya ko.

"Sige po."

Umakyat ako ng dahan dahan. Nasa 3rd floor kwarto niya.

Binuksan ko ang pinto.

Aw. There's my princess...

Peacefully sleeping.

I kissed her forehead.

Nagising naman siya.

"Good morning my love." I said

"Hmp? Sisigaw na sana ko ng rape eh."

"Hahaha. Aga aga ang cute mo." Sabay kurot ko sa ilong niya

"EHEM!" Napalingon ako sa pinto  geez. Papa niya.

"Goodmorning po." Bati ko. Feeling ko malulunok ko dila ko.

"Magayos na princess. Aalis na tayo exact 6." Tsaka umalis ito..

Natawa naman sakin si nicole..

Ughhhh. Ganon ba kahalatang natatakot ako?!!!

Kainis ah?

"Oh bumaba ka na. Magaayos na ko." Sabi niya habang kinukuha yung towel nito

"Eh. Gusto kita panuorin *0*"

"Manyak. Sige ka babalikan ka ni papa dito."

"Hmp sige na nga."

"By the way, nagkakape si papa sa baba" sabay kindat nito at pumasok na sa cr.

Leche... Mga 5 mins pa bago ko bumaba.

Pagbaba naman ay tapos na magkape ang papa niya. Umakyat ito at sabay na silang bumaba ni nicole

--

3hours na byahe. Magkatabi man kami ni nicole. Naiilang naman ako kasi pinapanuod kami ng papa niya.

-

Tadaaan! Nasa isang malaking resthouse kami. Pagkakaintindi ko sa lola ito ni nicole.

May dalawang kapatid ang papa niya na may tig-tatlong anak.

Maliit na pamilya lang kung tutuusin pero okay na yun.

Onti lang ang papatay sakin sa tingin..

-

"Chris, si Lyka, Lisa, at Lauren. Anak ni tita Leng Eto naman sila Jeremiah, John, tsaka Jexter. Anak ni tito June." Pakilala ni Nicole sakin sa mga pinsan niya.

"Hi! Astig ah puro babae na letter L at puro lalaki tas letter J."

"Hahaha. Napagusapan kasi nila yun." Sagot ni jexter na mukang may pagkabakla.

"Akyat na tayo. Oh pano ba yan. Tig tatatlo kayo sa kwarto. Kami dalawa lang." Sabay belat ni nicole sa kanila. Napaka isip bata.

"Daya mo. Hmp." - lisa

--

Tatlong kwarto sa 2nd floor ganun din sa 3rd floor.

May swimming pool sa tapat at may mahabang table sa tabi.

My princess charming (gxg)Where stories live. Discover now