12

1.2K 53 496
                                    

I breathe heavily, calming myself before I go out of my room. Today's the day of the audition and I keep on reminding myself not to fucking stutter infront of the stage later.

The casting will be held after lunch so I still have to attend my classes for the whole morning which makes me kinda feel at ease din para hindi masyadong clouded ang utak ko.

"Madam! Matagal ka pa ba?" Tanya knocked on my door.

"Saglit!" I looked at myself in the mirror. Inayos ko ang coat at necktie ko pati na din ang hair clip ko bago lumabas.

Sinalubong kaagad ako ni Tanya ng isang malaking banner na may nakalagay na "Go Keesh!" and then with a drawing na cute girl with a sungay.

"Hey! Bakit mukhang devil girl?!" I snapped out and took the banner.

"Eh demonyita ka, e!"

Tumawa siya. Lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Pinapatawa lang kita para hindi ka kabahan! Tara na!" Sambit niya saka nauna nang maglakad sa pasilyo papunta sa staircase.

Niña was on the living room when I went down. Tumayo siya nang makita ako saka lumapit sa akin.

"Goodluck! Manonood ako mamaya!"

Tumango ako. "Thanks.. pero pwede ba ang college?" First year college na siya but still on the same school.

"Siguro. Common auditorium naman ang gagamitin kaya makakapunta ako." Ngumiti siya sa akin saka kami sabay na naglakad patungo sa garahe.

Kapag ganitong araw na may morning classes siya, sa akin siya sumasabay. I don't mind since close din naman siya kina Tanya.

I arrived on school just on time. Students immediately greeted me with their 'Goodluck' and cheers for my audition later. Medyo kinabahan tuloy ako lalo na noong may nagsasabing manonood daw sila para sa akin.

Pagdating ko sa room, naroon na sina Marj at agad din nila akong binati.

"Hindi ka mukhang kinakabahan, girl!" Si Andrea.

I laughed. I messaged them last night kasi na sobra akong kinakabahan ako. I know I can do well but there are a lot of people expecting so much for my performance.

"Kinakabahan ako 'no! Si Amanda pala, nasaan?" I asked.

Amanda's not here... does it mean they won't be there? Right. Iyon ang sinabi ni Cai sa akin kahapon.

"May guesting sila ngayon, e.. pero dumaan siya dito kanina para ibigay ang banner na ginawa niya." Si Julia habang kinukuha sa bag niya ang naka roll na cartolina.

She handed it to me so I looked at it. Napangiti ako. My friends made some banners for me. Akala mo naman talagang lalaban ako para sa school, hindi naman.

"Galingan mo! Napuyat kami sa paggawa ng banner mo!" Anila.

I nodded, assuring them. Of course, I will really do my best.

Dumating na ang teacher namin. Just a little bit of discussion and then nagpa activity lang. Bago naman niya kami idismiss, ginoodluck niya pa ako. She said the faculty are looking forward for my audition lalo na noong nalaman nila ang role na kinuha ko.

Ganoon din sa mga susunod pang subjects. Pati sa cafeteria, marami ang nag ggoodluck sa akin. Alam ko namang ganoon din sila sa iba but I still feel overwhelmed of the support they are showing me. I just hope everything will go well.

Hindi ko na nireview pa ang script ko for the whole morning. I calmed and conditioned myself so I won't get mental-blocked during the performance. Halos inubos ko na nga ang buong lunch break ko kaka lurk sa social medias. I even saw pictures of Caius and Amanda during their interview for a magazine issue. Busy sila so I just left a message.

sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon