(Chapter 5) PREGNANT?!!!!!

1.5K 106 7
                                    

Tristan POV

Nagising ako ng marinig kong nakikipagusap sila mommy sa Doctor.

"im sorry but this is a very rare case of a man getting pregnant" sabi ng doctor pero sila mommy ay nakikinig lang habang si daddy ay nakayukom ang palad.

"M-ma, P-pa" sabi ko kaya bumaling sakin ang tingin nila mama at paa pati na rin ang doctor.

"anak ok ka lang ba, walang masakit sayo?" nagaalalang tanong ni daddy kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"a-ano pong meron bat po may doctor?" tanong ko kay mommy.

"uh doc paki paliwanang nalang po sa anak ko yung sinabi mo samin kanina" sabi ni mommy kaya ako naman ay biglang kinabahan ng di oras.

Kaya bumaling sakin ang doctor bumuntong hininga muna sya bago sumagot.

"ganito yan anak meron kang case na tinatawag nating hermaphrodite, which means dalawa ang kasarian mo both male and female, at first nagulat kami kasi first time ko maghandle ng ganitong case, kaya naman kung manganganak ka na dito na po kayo pumunta" mahabang salaysay ng doctor.

Tatawa sana ako pero diko magawa nauunahan kasi ako ng kaba...

"Ma, Pa, paano ako manbubuntis eh lalaki nga ako!" sabi ko at di ko na napigilan pang tumulo na lahat ang mga luha ko.

"we dont know ether son, pero di mo magagawa yan ng magisa ka lang sino ang tatay nyang dinadala mo!" sabi ni papa na pataas ng pataas ang boses.

"si-si Gian p-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang niluwa ng pinto sila Kaithlyn, Sasha, Aj, at si alexa.

"Bes anyare sayo bigla ka nalang daw nagblackout sabi ni tito!" nag aalalang sabi ni Alexa saka sya yumakap sakin.

"oo nga bes pinag alala mo kami eh" sabi ni A.J na nag aalala rin ang tono ng boses.

"anyare ba sayo bes?" sabi ni Kaithlyn kaya napabuntong hininga nalang ako ng malaman kong may bata sa loob ng Tiyan ko.

"buntis ako!" tipid na sabi ko kaya naman sumabog kakatawa si alexa samantalang yung tatlo naman eh gulat na nakatingin sakin.

"totoo? Buntis ka, puta naman ok na sana kung sinabi mong napagod ka lang kaya ka nagblackout pero... Buntis ka? HAHAHAH" sabi ni alexa kaya naman sumabat na si mommy

"totoong buntis si Tristan" sabi ni Mommy kaya naman nagulat din si Alexa.

"T-totoo?!" gulat na tanong sakin ni alexa, kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"Bes sinong tatay nyan!" gulat na tanong ni A. J.

"Si-si Gian!" matipid kong sagot at di ko narin napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

"oh my god bes, ayan ba yung nangyare nung nasa bar tayo?" tanong ni alexa..

"oo, paano mo nalaman?" taka kong tanong habang nakayuko paden..

"kasi bes nakita ko sya dun nung wala pa ako masyadong tama" sabi nya kaya tumango nalang ako.

Di nag tagal ay bigla nanamang bumukas ang pinto, inexpect kong si doc ang papasok ngunit hindi.

Si Gian.

Di ko maintindihan kanina ok lang ang pakikitungo ko sakanya ngunit napalitan ito ngayon ng galit/anger o kahit ano basta galit.

"kamust--" magsasalita na sana sya ng isang vase ang binato ko sa kanya at buti nalang talaga nakailag ang putaena..

---*000*---

My Beloved High School President [COMPLETED]Where stories live. Discover now